Chapter 26

2.8K 53 0
                                    

Amethyst's POV

"Aren't you tired of this?" she asked and I heard her sigh habang nakatakip sa mukha niya yung menu board at mata lang ang nakalabas. Nandito kasi kami sa isang exclusive restaurant ngayon kung saan nasa di kalayuang table lang sila Jace at Aileen. Pareho silang naka-cap at naka-hoodie pa kaya talagang medyo tago yung mukha nila pero masyadong risky pa rin yung ginagawa nila, tss.

"Wala pa nga tayong ginagawa, pagod ka na?" tanong ko sa kanya. Napaka-reklamador talaga nitong babaeng 'to.

"Gosh, Cloud! Oo nga, wala pa tayong ginagawa pero isang oras na tayong nakatunganga dito!"

"Hinaan mo nga yang boses mo, atsaka wag kang excited!"

"Hindi ako excited or what, ang tagal mo kasing kumilos. Look at them, patapos na silang kumain wala ka pa ring ginagawa." then she rolled her eyes.

Talagang dineny niya pang excited siya, "Tss. Fine, basta alam mo na ang gagawin mo kung gusto mong magka-moment ulit kayo ni Jace." I said.

"Kanina pa po ako ready!" parang kinikilig pa na sabi niya. See? Excited lang yan e. Tss.

Napailing na lang ako sa kanya atsaka bumaling sa isang waitress, "Ah, Miss!" I raised my hand as I call her.

Nakangiti namang lumapit sa amin ang waitress, "Yes, sir? May order pa po ba kayo?" she asked.

"Ah, wala naman pero may itatanong sana ako."

"Ano po yun sir?"

"Idol mo ba si Jace Clarkson?" nakatitig kong tanong sa kanya habang ipinagdadasal kong sana um-oo siya.

Napangiti naman ako ng mapansin kong nag-blush siya, "Actually sir... hindi ko lang siya idol, mahal ko po siya. OMG!" kilig na kilig na sabi pa niya. Tss. Ganito ba talaga kabaliw kay Jace 'tong mga 'to?

"Pigilan mo 'ko, sasabunutan ko yan." Amethyst whispered.

Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa, "Kalma." I mouthed at nagtaka naman ako ng bigla siyang nag-iwas ng tingin at mabilis na binawi ang kamay niya.

"Bakit niyo nga pala natanong sir?" the waitress asked kaya ibinalik ko ang atensiyon ko sa kanya.

"What will you do if he's here? I mean, dito mismo sa loob ng restaurant na 'to."

"Ay naku sir, papa-picture po ako siyempre tapos iha-hug ko po siya! Bahala ng mapagalitan ako ng manager ko, ang mahalaga po may picture kami, yay!" parang kumislap pa ang mga mata niya habang yakap yakap ang tray ng sabihin niya iyon.

Napapailing na lang ako. Ganito ba talaga kabaliw ang mga fangirl? Eh tao lang din naman yung mga iniidolo ah, anong iba dun? Tss.

"Well... I think he's here." naka-evil smile pa na sabi ko sa waitress at literal na nanlaki ang mga mata niya.

"P-po? S-saan?" bigla siyang nagpanic at nagpalinga-linga na sa paligid.

"There. Yung naka-hood sa banda roon. Feeling ko si Jace Clarkson yun at si Aileen Samonte." painosenteng sabi ko sa kanya habang tinuturo yung table nila Jace.

"OMG Jaceleen! Kelangan ko talaga makapagpa-picture." she said in panic at halos patakbo na pumunta sa table nila Jace.

Nagngitian kami ni Amethyst—yung mga ngiting pangkontra bida at hinihintay namin kung ano ang mga susunod na mangyayari.

"J-JACE CLARKSON?! OMG, IKAW NGA JACE! PA-PICTURE!" rinig naming sigaw ng waitress na kinausap ko nung matapat siya sa table nila Jace at talagang tinitigan ng maigi si Jace, "AILEEN SAMONTE! GOSH, FAN MO RIN AKO! SOLID JACELEEN AKO!" sigaw pa niya ng mailipat kay Aileen ang atensiyon niya.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon