Chapter 3

4.1K 61 2
                                    

Cloud's POV


"So pathetic." Ang huling sinabi ng babaeng 'yun na hindi ko alam kung saang planeta nanggaling. She even smiled at me sweetly before she ran. I can't believe na may gano'n pa palang ka-childish na taong nag-e-exist sa mundong 'to. So pathetic, tss. Okay, fine! Pathetic na kung pathetic! That girl... Napaka-abnormal! I admit, napikon talaga ako lalo na ng isigaw niya ang, 'Ingat ka my stalker!' at ang baliw, nag-flying kiss pa. Grabe! That feeling na hindi ka makagalaw kasi lahat ng mata sa'yo nakatingin? Lalo na ng ulit-ulitin niya na stalker niya 'ko. Ano na lang iisipin ng mga empleyado ng Daddy ko? Na gano'n ako ka-desperado sa isang babae at nakuha ko pang i-stalk siya? Damn it!

Lumabas ako ng building at sumakay ng kotse. "Manong, kila Carl tayo," inis na utos ko sa driver ko.

Habang nasa biyahe ay nawala bigla ang inis ko sa babaeng malas na 'yun ng mapatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ko. I missed the Philippines. It's been a year since I nag-stay ako sa Australia. I love Australia but I really love everything about my own country.

I'm on my way to Carl's place hoping that he could help me regarding my arranged marriage.

"CLOUD!" masayang salubong niya sa akin pagkabukas ng pinto.

Carl De Castro is one of my bestfriend. Well, kung ide-describe ko siya, wala akong ibang maisip maliban sa—notorious playboy. Hobby lang naman niya ang araw-araw na pakikipaglandian sa iba't ibang babae. Pero naniniwala naman akong matitigil din 'to kapag nakahanap ng katapat.

"Long time no see dude! Did you miss me?" he asked smiling.

"Miss my ass, tss." walang ganang sagot ko sa kanya 'tsaka ako dire-diretsong pumasok sa unit niya at sumalampak sa sofa.

"Kararating mo lang nagsusungit ka na naman. May problema ba kaya ka napauwi dito sa Pinas?" biglang tanong niya. Sana lang nasa katinuan 'to ngayon para mapagsabihan ko ng problema.

"Problema ba kamo? Oo, malaki!"

"Like?"

"An arranged marriage."

"Really? At sino naman 'yang malas na babaeng 'yan?" tumatawang tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Carl, this is a serious matter."

"O-kay. So... who's the girl?" he asked again.

"I don't know. I have no intention of meeting her. Tumakas lang ako ngayon, actually."

"So you mean, dapat ngayon kayo magkikita?"

"Exactly. At 'yun ang dahilan kung bakit ako pinauwi dito sa Pilipinas ng parents ko at kung bakit dito na 'ko mag-aaral."

"Really? Biglaan naman ata?"

"Ewan, I hate it. I don't want to get married!"

"Relax... sabi nga nila, for every problem, there's always a solution," nakangising usal niya. Mukhang may kalokohan na naman 'tong naiisip.

"Solution? Like... tumakas?"

"Nah."

"E, ano?"

"Ibalato mo na lang sakin 'yang future wife mo!"

"Tss. Kung puwede nga lang e. Baka ako pa ang maghatid sa kanya dito sa'yo, kaso hindi puwede e."

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon