Chapter 28

2.6K 47 1
                                    



Amethyst's POV

"Anong sabi mo?" nakataas ang isang kilay 'kong tanong dito kay Cloud. Sabay kaming naglalakad ngayon papunta sa room.

"Ang sabi ko, pagkahatid ko sayo mamaya sa unit mo, dun na rin ako magdi-dinner. Ako na ang magluluto." he retorted then winked.

"Aba, nawiwili ka na ah? Eh kung dun ka na lang din kaya tumira?"

"Pwede ba?"

"Kapal mo!"

"Ito naman di mabiro. Saka, ayokong tumira kasama ang malditang kagaya mo. And besides, mas mayaman naman ako sayo e."

"Don't worry, ayoko ring tumira sa iisang bubong ng kasama ka. At mas mayaman ka sa akin? Eh bakit dun ka lagi nakikikain sa unit ko?"

"Kasi libre!" he said laughing.

"Patay gutom!"

"Atsaka gustung-gusto kong makita lagi yang ilong mo na umuusok. Nag-e-enjoy ako e, kagaya ngayon." aniya sabay pisil sa ilong ko kaya naihampas ko sa kanya yung librong hawak ko pero nakailag siya sabay takbo papasok ng room kaya naghabulan kami.

Pero natigilan ako ng mapansin ko siyang tumatawa. Hindi ko alam pero heto na naman ang 200 beats per minute na tibok ng puso ko. Echoss. Pero seriously, parang may kung ano sa puso ko ngayon na hindi normal. Bakit masaya ako na makita siyang ganyan? Well, siguro dahil friend ko siya. And as a friend, masaya akong masaya siya lalo na't ako yung dahilan ng pagtawa niya. Tama naman diba?

"Ang aga aga nagpapatayan na naman kayo." biglang sabi ni Trish na nasa gilid ko na pala at nakaupo, "Kailan ba kayo magkakasundong dalawa huh? Sayang naman yung binuo kong fansclub ng loveteam niyo, tss." napailing pa siya habang nakatitig sa amin dalawa ni unggoy.

"Kami pa naman ni Carl ang co-founder nun tapos si Trish yung pinaka-head admin, pfft." tumatawang sabat ni Cullen.

"Shut up guys." bored na sagot ko at nag-hand gesture pa 'ko bago ako umupo sa upuan ko.

"Magkasundo na kami niya ni Amethyst, pabebe lang talaga 'yan." pang-aasar na naman ng hinayupak na ulap.

"What the hell is that pabebe thing? I heard it many times from you yet I didn't know what is it."

"Ah, wala yun...ang mahalaga ikaw yun, pabebe girl. Pfft, hahaha!"

Sinaman ko lang siya ng tingin at di na pinansin pa pero sabay sabay kaming napatingin kay Carl ng marinig namin ang paghinga niya ng malalim. Hinihika ba 'to?

"Problema, dude?" the monkey asked.

"Nakakatampo ka na dude." sagot nito.

"What the—seriously? Anong ginawa ko?"

"Nung naging close kayo ni Amethyst, nakalimutan mo na kami. Di na tayo nakakapag-hang out, tss." then he pouts.

"Dude, and bading mo tangina ka!" monkey said laughing kaya hinampas ko siya sa bibig, "What the heck?" inis na sabi niya.

"Pinipigilan mo 'ko magsabi ng badwords tapos ikaw mas malutong pa sa chicharon 'yang mura mo." pinaningkitan ko siya ng mata na tinawanan lang niya.

"Ako lang pwede, ikaw hindi kasi babae ka."

"Ayan. Ayan yung sinasabi 'ko, kagaya niyan...ako nagdadrama dito tapos eeksena loveteam niyo. Bastusan!" singit ni Carl.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon