Chapter 34

2.8K 47 6
                                    

(Long Chapter ahead! Enjoyyyy)


Amethyst's POV


After ng mga revelations at ng mga eksena kahapon, di muna kami tumuloy ni Jace sa lakad na dapat namin dahil medyo bumigat ang pakiramdam ko that's why I've decided to stay in our room the whole day. This is our third day here in island at medyo tulog pa ang diwa ko kaya di muna ako bumabangon sa kama. But then, my phone vibrated which made me open my eyes kahit pa labag sa loob ko. Ugh.

From: Jace Clarkson <3

Good morning, sleepyhead!

Oh siyempre, kinilig ako. Text ba naman ng idol slash ultimate crush moa ng bubungad sa umaga mo e. I was about to reply when another text message came.

From: Cloud Unggoy

Gising na oy! Si Sleeping ka lang walang Beauty kaya bangon na! Kakain na ho ng breakfast.

I rolled my eyes after reading his text. Pero kung kinilig ako sa text ni Jace, his text made me smile pero agad ko ring binawi ang ngiting iyon when I saw Aileen staring at me from the other bed. "Magkatext kayo ni Cloud?" she asked in coldness arching an eyebrow.

"Nope. Si Jace ang katext ko." malamig ding sagot ko sa kanya sabay talukbong ko ng kumot. Pakealam ba niya kung sino ang katext ko?

I looked at my phone again at nireplyan ko si Jace.

To: Jace Clarkson <3

Goodmorning din Jace! :)

Isang minuto pa lang ang lumipas ay naka-receive agad ako ng text. Akala ko reply ni Jace, si Cloud unggoy lang pala.

From: Cloud Unggoy

Hoy babae, si Jace parang timang na ngumingiti dito. Magkatext kayo no? Siya nirereplyan mo tapos ako hindi? Tss. -__-

I giggled as read his text kaya naman ni-replyan ko na siya. Kawawa naman e hehe.

To: Cloud Unggoy

Who you po?

I covered my mouth to prevent myself from laughing under this white thick comforter. For sure umuusok na naman ang ilong nun ni Ulap sa inis. After a minute, sabay silang nagreply ni Jace.

From: Jace Clarkson <3

Sorry for late reply, si Cloud kasi e ginugulo ako. Anyway, I'm so excited for our date later.

'Buti naman at okay na kayo ni Cloud. :)' –I replied before I opened Cloud's message.

From: Cloud Unggoy

This is Cloud the Great! Ang pinaka-gwapong nilalang sa buong mundo. *wink* Kaya wag mo 'kong hinu-who you diyan!

'Whatever, monkey. @_@. Nakapag-usap na ba kayo ni Jace? Okay na ba kayo?' –I replied.

Si Jace ang unang nagreply sa akin at sinabing mag-ready na daw ako for breakfast kaya naman di ko na sya ni-reply. Pero itong unggoy na si Cloud, sineenzoned lang ata yung message ko. Di ba niya alam na masamang pinaghihintay ang prinsesa?

"Goodmorning, Cloud!" I heard Aileen said kaya naman inalis ko yung nakatalukbong sa aking comforter at napatingin sa kanya. Nginisihan niya lang ako kaya bilang ganti ay inirapan ko siya. Kaya naman pala di na nagreply si unggoy dahil kausap na pala niya ang kanyang ONE GREAT LOVE, tss. "Yeah...I'm starving na...Really? Bumili ka talaga ng Nutella for me? Aww...so sweet." maarte pang sabi nito na para bang sinasadya niyang iparinig sa akin. Duh? As if naman interesado ako. Bakit ba kasi nagatatawagan pa sila eh magkabilaang kwarto naman sila?!

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon