Chapter 38

3.7K 67 21
                                    


Amethyst's POV

I hate it. Di ko alam na nagkakasakit din pala ang mga Dyosa, ehem. I already turned off the aircon pero bakit ang ginaw pa rin? Buti na lang at sobrang kapal nitong comforter ko kaya ngtalukbong ako hanggang ulo. I was about to close my eyes so I can sleep ng marinig kong may nagpipindot ng passcode ng unit ko at di nagtagal ay nakapasok.

"Tss. Imposibleng pupunta yun ditto." I whispered to myself bitterly ng maisip kong si Cloud na unggoy yun. Siya lang kasi ang nakakaalam ng passcode ng unit ko pero baka naibigay ko din kay Trish di ko lang maalala, "Trish? I told you I want to be alone diba? I'm okay kaya sige na, umuwi ka na." nanghihinang sabi ko ng maramdaman kong bumukas yung pinto ng kuwarto ko. Nabahing pa 'ko pagkatapos kong sabihin yun, badtrip.

"Ako 'to."

Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang familiar na boses na yun. Hallucination lang ba 'to dahil nilalagnat ako? But then reality hits me ng tanggalin niya ang comforter na nakatalukbong sa akin at agad na lumanding ang palad niya sa noo ko. Nakaupo na siya sa gilid ng kama ko at di ko na naman napigil ang mga luha ko ng magkatinginan kami dahil bumalik sa ala-ala ko lahat ng nangyari kagabi.

"I'm sorry." Mahina lang ang pagkakasabi niya nun pero sapat na para marinig ko habang pinupunasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya, "Sorry if I made you cry last night and made you cry again. Sorry if I hurt you." he added at yung thumb niya na kaninang pinupunasan ang luha ko ay hinahaplos na ang labi kong nasugatan.

I pushed his hand away from me atsaka ko siya tinalikuran, "Kung ipipilit mo lang sa akin na sinaktan ko si Aileen, umalis ka na. Wala kang makukuhang explanation sa akin." Cold na sagot ko sa kanya.

"Hindi ako nagpunta dito para diyan. I am here to take care of you."

"Thanks but no thanks. I can handle myself so you can go now."

"Magluluto lang ako. Pagkatapos mong kumain at uminom ng gamot, aalis na 'ko."

"I said I'm okay. I don't need—"

"Magpahinga ka lang diyan. Dadalhin ko na lang dito sa kuwarto mo yung pagkain pagkatapos kong magluto." Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at kinumutan ako ulit bago siya lumabas ng kuwarto ko. Aish. Napa-buntung hininga na lang ako pagkalabas niya. Kailan ba 'ko nanalo sa unggoy na yun?

Maya-maya lang ay narinig kong bumukas ulit yung pinto ng kuwarto ko at narinig ko ang paglapag ng tray sa side table. To be honest hindi ako nakatulog. Damang-dama ko yung presence niya e, jusko. Yung puso ko triple ang tibok. Kailangan kong mapanindigan 'tong galit ko sa kanya hanggang sa makaalis siya.

"Amethyst...luto na yung soup mo. Kumain ka na muna so you can take your meds." he said.

"Busog pa 'ko." matipid kong sagot ng hindi siya nililingon.

Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko kaya napapikit ako dahil feeling ko hinihingal ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Badtrip lang.

"Bahala ka, hindi ako aalis dito hangga't di ka kumakain."

"F-fine." nasabi ko na lang at dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kama ko. Gusto ko lang talaga siyang umalis na dito dahil galit talaga ako sa kanya, "Ako na, kaya ko naman." I mumbled nung akmang susubuan niya 'ko.

"No you can't. Let me do this for you."

"Cloud—"

"Open your mouth." he cut me off at inilapit ang kutsara sa bibig ko.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon