Chapter 15

2.5K 41 0
                                    


Amethyst's POV

Grabe! Nakakaloka yung nangyari ngayong araw. Di pa ko artista ang dami ko ng haters. Di ba nila matanggap na maganda talaga ako at ako lang ang nababagay kay Jace? Tss. They're all pathetic. Nandito na ko ngayon sa mamahalin kong condo at dumiretso akong kitchen to get some drinks para naman ma-refresh ako. Ayokong i-stress ang sarili ko sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang siraan ang kagandahang taglay ko. Mga inggiterang palaka!

Busy ako sa iniinom ko ng mag-ring ang cellphone ko.

"Oh Trish, napatawag ka na naman?" sagot ko sa kabilang linya.

"Nanonood ka ba ng TV ngayon?" she asked.

"Hindi, bakit?"

"Wag ka ng magtanong, buksan mo na lang!"

Kita mo 'to, inutusan pa 'ko. Binuksan ko agad ang TV at bumungad sa akin ang mukha ni baby loves at ni—Aileen Samonte?

"So, Jace Clarkson... matagal na pala kayong magkakilala nitong bagong anghel ng showbiz industry na si Aileen Samonte? Ibig bang sabihin nito na hindi na maiilang si Aileen once na mag-start na ang shooting niyo for your upcoming movie?" tanong nung host kay Jace.

"Uhm... Yes po, advantage na rin po yun para sa amin." nakangiting sagot ni Jace.

"How about you Aileen? Hindi k aba mahiirapang mag-adjust since baguhan ka pa lang sa showbiz?"

"Hindi naman po siguro kasi po nung nag-stay ako sa Paris for two years, I've been in acting workshops there. Besides, kasama ko naman po si Jace and I know he will help me." Aileen answered tapos ngumiti siya ng pagka tamis tamis kay Jace.

WTF! Para saan ang ngiting yun? Tss. Papatayin ko na sana yung TV ng magtanong muli yung host kay Aileen.

"One last question Aileen, matagal na kayong magkakilala ng heartthrob na si Jace Clarkson, right? At matagal din kayong magkakasama sa shoot niyo. Hindi ba malabong magkapalaagayan kayo ng loob since you really know each other very well?"

Bullshit na host 'to, sarap kotongan! Grr.

"No Aileen. Tell them you won't fall inlove for Jace. Tell them..." I whispered to myself praying that Aileen will say no.

"Let's see. After all, Jace is a good person." Aileen answered at bahagya pa siyang natawa.

Sa sobrang inis ko ay in-off ko yung TV. What the hell is she saying? May pa 'let's see' 'let's see' pa siyaang nalalaman, leche siya. Tss. So ibig ba niyang sabiin may possibility na magkahulugan nga sila ni Jace ng loob? NOOOO!

"Hey, Amethyst... still there?" Natauhan ako ng magsalita si Trish sa cellphone. Oo nga pala, naka-on call pa 'tong babaeng 'to.

"Trish, anong gagawin ko?!" I asked desperately.

"You're Amethyst Tuazon right?"

"What do you mean?"

"Si Amethyst Tuazon kasi na bestfriend ko hindi yun agad agad sumusuko e."

"Yep! You're right!" nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Trish.

"Yun nga lang bestfriend mukhang mahihirapan ka kasi mabigat na kalaban si Aileen. Mukang dumating na ang iyong greatest rival."

"Yung totoo? Dina-down mo ko o pinapalakas moa ng loob ko?"

"Pwede both? Pfft." she said laughing.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon