Chapter 2

4K 75 2
                                    

Amethyst's POV


O to the M to the G! Ito na talaga 'yun!

Heto at naglalakad na kami sa hallway papunta sa office ng future husband ko kuno. What should I do? I don't want to see him and I don't want to meet him. Ayoko ng lahat tungkol sa kanya.

"Uhm Dad? I need to go to the comfort room," I said nervously.

"Are you nervous hija?" mom asked while holding my hand.

"Slight."

"Sige na Amethyst at bumalik ka agad," dad seriously uttered without looking at me. Nasa unahan kasi namin siya ni mommy.

Naglakad ako patungong comfort room as fast as I can. Malapit na sana ako sa may entrance ng CR ng may makabangga sa akin. Pero guess what, ni hindi man lang ako nilingon para mag-sorry, tss.

"Sorry huh!" sarcastic na sigaw ko sa bumangga sa akin.

"It's okay," sagot naman nito ng hindi man lang ako hinarap at tuluy-tuloy lang siyang naglakad. Timang ba 'yun? Pero wait, his voice seemed so familiar. Saan ko nga ba narinig 'yun?

Isip. Isip. Isip. Brain blast! Char. Bakit ko ba iniisip pa 'yun e wala naman akong pakealam do'n. Ang importante sa akin ngayon ay ang makatakas sa malaking kalokohan na 'to.

I entered the comfort room and faced the mirror. I stared at my self. I asked myself suddenly, what if I'm already married? Tagapag-alaga ng makukulit na anak, tagapag-luto, taga-gawa ng gawaing bahay, tagapag-silbi sa asawa, haggard, wala ng time para mag-shopping, no! I can't bear to have a life like that!

As in, no freakin' way! Kaya kailangan ko na talagang makaalis dito.

Agad akong lumabas ng CR at tumakbo patungo sa elevator. May kakapasok pa lang na lalaki at buti na lang nakapasok na ako bago pa ito magsara. Nakasandal ang lalake sa likuran habang nakayuko ito at nakapamulsa ang dalawang kamay. Wait, familiar 'yung suot niya pero saan ko nga ba siya nakita? Aish. Ewan, ayoko na mag-ala Jimmy Neutron.

The elevator has started to went down. Finally, nakatakas na 'ko--

But I was startled when the lights inside the elevator suddenly turned off at naramdaman kong bigla itong huminto. So, what's the meaning of this, trapped kami?

Bigla kong naalala, dalawa lang pala kaming nandito. Damn, it's so dark pa naman. Paano kung masamang tao pala 'yung nasa likuran ko tapos bigla na lang niya 'kong sakalin? 'Di ba sa mga movies may mga gano'ng scenario? Kung alam ko lang na ganito ang mga mangyayari, sana hindi na lang ako tumakas at pumayag na lang ako na makilala ang aking future husband. Aish. Ano ba naman 'tong mga pumapasok sa isip ko.

Pero kasi... sinong hindi mababahala sa mga sitwasyong ganito kung 'yung taong kasama mo ay walang imik? Hindi kaya patay na siya? Tapos multo na lang niya 'yung nasa likod ko? Oh my gosh. Napayakap na lang ako sa sarili ko sa sobrang takot. Ilang minuto na kasi ang lumipas mula ng huminto ang elevator ay hindi pa rin siya nagsasalita. Ni hindi ko man lang siya narinigan ng kahit na anong reaksiyon.

"I hate this life! Wala man lang bang magre-response sa labas?" I started. Baka sakaling sumagot 'yung lalaki sa likuran ko at maisip kong mali pala 'yung mga pumapasok sa utak ko. But I'm wrong. Hindi talaga siya nagsasalita.Ni-'ha' ni-'ho' wala talaga. Hindi kaya na-suffocate na 'to at namatay na? Ang init pa naman dito sa loob. "Hey dude, still alive? Are you still breathing there?" I asked, trying again if could answer me. "Ang tagal ng rescue no? Aware ba silang may tao dito sa loob? Kapag ako talaga nakalabas dito, I will report them to the management!" I added.

Teka, ang dami ko ng sinabi ah pero no reply pa rin? Baka naman patay na talaga siya? Try ko kaya magsalita ulit? Kaso anong sasabihin ko? Magku-kuwento ba 'ko? Anong iku-kuwento ko? Lovelife? Study life o everyday life? Ewan, bahala na nga.

"Alam mo-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas 'yung ilaw at kasunod nito ang pagbukas ng pinto ng elevator.

"Ang daldal mo." I heard the guy said ng malampasan niya 'ko. Heck, ayan na naman 'yung familiar voice na 'yun.

Out of my curiosity, hinabol ko siya.

"Hey, wait!" I shouted. Kaso masyado siyang mabilis maglakad as if may humahabol sa kanya. "HOY! SABI KO SANDALI LANG!" sigaw ko ulit sabay bato ko sa kanya ng sandals kaya ayun, sapul siya sa ulo.

Kaya naman ng dahil sa ginawa ko, inis siyang humarap sa akin.

Nanlaki ang aking magagandang mata ng malaman ko kung sino siya. "Ikaw?" I asked with my eyes still wide open.

"You?" tanong naman niya ng nakataas ang kilay.

"Are you stalking me?" segunda ko. Inunahan ko na, baka ako ang tanungin no'n e.

"In your dreams," he answered in blank expression. Mukhang lalaban na naman 'to ah. Huh! Akala niya siguro mapapatalo pa 'ko pagkatapos ng ginawa niyang pagpapahiya sa akin sa mall.

"If that's the case, then what are you doing here?" pagtataray ko.

"Should I really need to explain? Stalking na ba agad ang tawag mo dito? Hindi ba puwedeng coincidence muna?"

"Weh? Aminin mo na kasi... you're one of my stalker, right? It's okay for me, sanay naman na 'ko na palaging may sumusunod sa akin e although nakakatakot. You know, gano'n naman kasi talaga kapag magaganda," I uttered na mas lalong nagpakunot ng noo niya.

"What the-- YOU'RE WASTING MY TIME!" bulyaw niya sa akin 'tsaka ako tinalikuran.

"STALKER! STALKER! STALKER!" paulit-ulit na sigaw ko. Mukhang effective kasi hinarap niya ulit ako at bakas sa kanyang mukha ang pagkapikon kaya naman...inulit ulit ko pa.

"Could you please stop telling me that I'm you're stalker? Alam mo ba ang ibig sabihin ng STALKER, MISS? It's just a time waster and I-DON'T -HAVE-TIME-TO-FOLLOW-SOMEONE-SECRETLY! And besides, sino ka ba para sundan ko? I'm not even interested in you!" galit na sabi niya sa akin. Itanong ba naman sa akin ang meaning ng stalker? Anong tingin niya sa akin, shunga?

"Alam ko meaning ng stalker, baliw!" sigaw ko rin sa kanya at nakuha na naman namin ang atensiyon ng mga empleyadong naroon.

"E 'yun naman pala e. Then stop telling me that I'm your stalker! You're not even worth to follow."

"Excuse me, ang kapal naman ng mukha mong sabihing I'm not worth to follow. Aish. Fine, fine... I quit. I think it's enough for me to see your face like that. You look like an evil who wants to kill someone. HA-HA-HA! So pathetic," I said then I gave him my most playful smile. Masyado na 'kong nag-enjoy na asarin 'tong napaka-guwapong ungoy na 'to. Kailangan ko ng umalis kasi baka hinahanap na 'ko ng parents ko.

Parang nasemento si handsome evil guy sa kanyang kinatatayuan kaya natawa ako sa hitsura niya. Pikon na pikon ang loko. At least nakabawi na 'ko sa kanya!

Tumakbo na 'ko palabas at nung medyo nasa bandang exit na 'ko ay muli ko siyang tinawag, "Psst. Hoy!" I shouted that's why he looked at me. "Ingat ka my stalker!" I added. I even waved my hand and gave him my sweetest flying kiss before I left.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon