Chapter 22

2.5K 46 0
                                    



Amethyst's POV

Walang sabi sabi ay umalis si Jace pagkatapos niya kong makita. We're both shock. Gosh, di ko alam kung anong gagawin ko, I didn't expect this.

"K-kelangan ko siyang makausap." I said. Akmang lalabas na ko para habulin si Jace ng pigilan ako ni Cloud sa braso.

"No. You stay here, hayaan mo siya." seryosong sabi niya.

"Pero Cloud... baka kung anong isipin niya... I need to explain everything to him!"

"Do you think he cares? And besides, hayaan mo siya kung anong gusto niyang isipin. Hindi na natin kasalanan kung madumi ang utak niya." padabog niyang isinara ang pinto atsaka niya ko tinalikuran.

He's really mad. Cloud is really mad of Jace. Wala akong nagawa, napa buntung-hininga na lang ako at sumunod sa kanya sa sala. Siguro kapag lumamig na ang ulo niya, magpapahatid na ko pauwi.

***KINABUKASAN***

Jace's POV

I hate myself when I start over thinking about many things. Until now, hindi pa rin mawala sa isip ko yung nasaksihan ko kahapon. Di nga ko nakatulog ng maayos dahil dun e. Alam kong pangalawang beses na ni Amethyst na mapadpad sa unit ni Cloud pero iba na ngayon dahil magkasama sila buong magdamag hindi kagaya nung una na umalis din si Cloud agad.

Did they do 'it'? –Yan yung tanong pabalik-balik sa isipan ko. Amethyst isn't like that, right? Pero...bakit kasi sila magkasama at talagang suot niya pa yung mga damit ni Cloud. What the hell happened beween them? I want to ask Amethyst personally but I don't know how because in the first place, I have no right.

"Damn this fuckin' shit!" I shouted sabay hampas ko sa manibela.

Wala akong choice because I am a celebrity—and this the perks of being a celebrity. Ugh!

Mabilis akong nag-park pagkarating ko ng school. Off ko ngayon sa taping kaya pumasok na lang ako. Gusto kong maging normal kahit bilang esudyante man lang kaya mas pinili kong pumasok sa school kesa mag home study kahit ang hirap hirap lalo na sa buhay na meron ako.

"You, jerk!" galit na sigaw ni Cloud at sinuntok niya agad ako pagkababa ko pa lang ng sasakyan.

"What the fuck was that for?!" I asked irritated.

"Dahil gago ka. At sorry nga pala dahil na-late yang suntok na yan. Supposedly kahapon dapat kita sinuntok but I don't want to interrupt your moment with Amethyst." he said sarcastically and smiled bitterly.

Nagpanting ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ni Amethyst at naalala ko na naman yung nasaksihan ko kahapon kaya sa inis ko ay sinugod ko siya at sinuntok rin, "Mas gago ka Cloud! Alam mong gusto ko si Amethyst!" I shouted.

"At alam ko kung gano ko kamahal si Aileen!" he shouted back. Buti na nga lang at nasa parking lot kami. Wala pang mga estudyante since maaga pa.

"So yun pala ang ikinagagalit mo?" tanong ko kahit alam ko namang yun talaga yun but I have no choice, I need to keep that secret—that me and Aileen are just pretending for the sake of our career. Hindi ko siya masisisi kung bakit siya galit sa akin ngayon because I know, it's me who ruined our friendship in the first place.

"You want me to answer that?! Oo Jace! Kasi alam mong mahal ko si Aileen pero ano 'tong ginawa mo? You're the one who knows that I will do anything to win her back pero ginago mo 'ko! Ano 'to, talo talo ganun?! You're my best friend for pete's sake and I trusted you! Alam mo ba yung pakiramdam, Jace? Nakaka-putangina!" galit na galit na bulyaw niya sa akin.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon