Chapter 4

3.5K 58 0
                                    

Amethyst's POV

"Trish, help me! I can't take this anymore. I think I'm gonna die anytime soon," worried na sabi ko sabay higa ko sa kama ni Trish. Nandito ako ngayon sa bahay ni Trish dahil alam kong siya lang ang matatakbuhan ko sa mga ganitong problema.

"You know what Amethyst, wala naman akong nakikitang problema about diyan sa pagpapakasal mo e. Mukhang hindi naman maaapektuhan 'yang pag-aaral mo kasi sabi mo nga after graduation pa naman ang wedding 'di ba? And I think, galing naman sa magandang pamilya 'yung future husband, so... why not?" aniya.

"How dare you!" napabangon ako at tinarayan siya.

"Bakit ba kasi ayaw mo?"

"Basta ayoko. Wala pa sa isip ko ang magka-pamilya."

"Talaga ba? 'Yun lang talaga ang reason?"

"Bakit, ano pa ba?"

"Si Jace. Alam kong hanggang ngayon, umaasa ka pa rin na magiging kayo. Kilala na kitang babae ka. High school pa lang tayo patay na patay ka na diyan sa Jace Clarkson na yan."

Natahimik ako sa sinabi ni Trish. Oo nga no, si Jace. Si Jace Clarkson na isang sikat na sikat na artista.

"Bakit, nothing's impossible naman ah?" I said arching an eyebrow.

"Pinapansin ka ba?"

"E hindi naman ako lumalapit e."

"Kung lalapit ka, papansinin ka ba?" seryosong tanong niya kaya hindi agad ako nakapagsalita. "See? Kahit na sabihin mong mayaman ka, maganda ka or anything you can boast about yourself, hindi mo malalayo na artista siya at sikat na sikat. Take note, S-I-K-A-T. At isipin mo, ang daming naggagandahang babae din ang nagkakandarapa sa kanya sa araw-araw na pamumuhay niya, now tell me, may nabalitaan ka bang may pinatos siya sa kahit isa sa mga 'yun?"

"Oo na. Masama bang umasa?"

"Until now ba paninindigan mo pa rin 'yang motto mo na 'yan na nothing's impossible? Amethyst, you're pretty. Madami naman diyan ang nagkakandarapa sa'yo pero ano? Inaayawan mo sila because of that belief that you and Jace will be together in the future."

"E anong gagawin ko?"

"Go on a date with your future husband. Why don't you give him a chance?"

"Are you crazy? Ipagpapalit ko si Jace sa kanya? No freakin' way!"

"You know what Amethyst, infatuation lang 'yan. Hindi mo pa nga kilala 'yang Jace na 'yan, in love ka na agad? Nadala ka lang kasi gwapo siya or let's say, full package na kumbaga. Paulit-ulit na lang ba tayo sa ganitong usapin?"

"Ewan! Paano ba kasi tayo napunta kay Jace? We're talking about my problem, right?"

"Flash mo sarili mo sa inidoro, tapos."

"Good idea, Trish huh?" sarcastic na sagot ko sa kanya then I rolled my eyes.

"Fine. Then you must pretend that you're a tomboy."

"Good joke. It's funny. HA-HA-HA."

"I'm not kidding."

"Then you're crazy!"

"You asked for my help, right? I'm giving you the best option."

"So seryoso ka?"

"Yup."

" Trish naman e. Seryoso kasi!"

"Duh? Mukha ba 'kong nagbibiro?"

"Imposible naman kasi 'yang sinasabi mo e."

"Paano naging imposible yun aber? I know you can do it."

"How?"

"Paniwalain mo lang sila na 'yun ka talaga. Wear something new--"

"E palagi namang bago 'tong mga suot ko. Latest designs pa nga 'to at very trendy. You what Trish, may bagong labas ang Bench yesterday. Grabe, sobrang kikay niya and—"

"AMETHYST TUAZON! 'Yung totoo, damit ba ang problema mo?"

"I can't Trish. Mas gugustuhin ko pang i-flash na lang ang sarili ko sa bowl kesa magsuot ng mga panlalaki at umaktong lalake."

"Okay, then you must solve your problem on your own," aniya atsaka ako tinalikuran para harapin ang mga librong binabasa na nasa study table niya.

"O-okay, fine. I will do it," hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yun. Siguro ayaw ko lang talagang makilala 'yung future husband ko kahit na sabihin pa nilang after graduation pa ang kasal.

Nakangiting humarap muli sa akin si Trish atsaka sinabing, "Good."

"You will help me?" nag-puppy eyes ako as I asked her that.

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

"Yehey! Super thank you talaga bestfriend ko!" I kissed her on her cheeks and I hugged her.

"Tawagan mo na sila Tito, yari ka talaga do'n dahil sa ginawa mong pagtakas," she said.

"Oo nga pala. Ah basta, gagawa na lang ako ng dahilan. Sasabihin ko na lang siguro na nagkasakit ka."

"At talagang dinamay mo pa 'ko?"

"Gano'n talaga Trish. O siya sige, mauna na 'ko."

"You're going home?"

"Nope. Pupunta muna ko sa lugar kung saan makakapagpalamig ako ng ulo. Want to join?" tanong ko sa kanya ng may nakakalokong ngiti.

"As if I can join."

"Oo nga pala miss preso. Sige, una na 'ko. Bye!" natatawang usal ko 'tsaka ako lumabas ng kuwarto niya.

"Don't forget our plan Amethyst!" pahabol niya bago ko tuluyang maisara ang pinto ng kanyang kuwarto.

Saglit akong napasandal pagkasara ko ng pinto at napabuntong-hininga. Sana lang talaga makayanan ko ang kalokohang naisip ni Trish. Wala na ba talaga siyang maisip na ibang paraan? Sabagay, ako nga walang maisip kaya lumapit ako sa kanya.

Haays. Ako? The great fashionista, kikay and very gorgeous na si Amethyst Tuazon, magsusuot ng panlalake? Fine, para makaiwas sa nakakainis na arranged marriage magiging...t-tomboy ako. 


*************

A/N: It's just a very short chapter, sorry. Hehehe anyway, sorry sa mga typos and errors sa mga susunod na chapters, hindi ko pa po siya tapos i-edit pero understandable pa rin naman 'yung story.  :) 

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon