Chapter 45

2.2K 32 0
                                    


Amethyst's POV

"W-what did you say?" nauutal na tanong ni Cloud.

"I'm pregnant with your child," pag-uulit ni Aileen na hindi maalis-alis ang ngiti at halata sa hitsura nitong masayang masaya siya.

Habang ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. I don't know what should I react. Ni hindi maalis ang tingin ko kay Aileen at umaasang babawiin niya ang sinabi o kaya naman ay joke lang ang lahat.

Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko at kasabay nito ang snud-sunod na pagtulo ng luha ko lalo na ng ilabas niya ang pregnancy test na may dalawang linyang kulay pula.

Tumahimik ang lahat at pawang mga nagpapakiramdaman pero alam kong nasa akin ang mga mata nila maliban kay Cloud na ang atensiyon ay na kay Aileen pa rin.

"We're going to have a baby Cloud..." pagkasabi ni Aileen ng mga katagang iyon ay muli niyang niyakap ang tulala pa ring si Cloud.

That's not the scene I am expecting. Ako ang nagmukhang kontrabida sa kanila kaya naman ako na ang kusang bumitaw sa kamay ni Cloud atsaka ako tumakbo papasok ng pent house.

Dumiretso ako sa kuwarto at inilatag ang maleta ko sa kama. Kinuha ko lahat ng damit ko sa closet at inilagay iyon sa maleta kahit walang ayos. Ubos na ubos na 'ko kaya kailangan ko ng makaalis dito.

"Amethyst, let's talk."

Tila nanlambot ang tuhod ko ng marinig ang boses na iyon . He followed me and he locked the door. Hindi ko pa rin siya hinaharap dahil natatakot ako--natakot akong bumigay at tuluyan ng maubos ang pride na tinira ko para sa sarili ko.

"I-I'm going back to Manila," I said without looking at him and still fixing my things.

"No, please... let's talk about this first, please." he begged.

"Isn't it clear to you Cloud?" umiiyak pa ring tanong ko sa kanya ng magdesisyon akong harapin siya. "She's pregnant with your child," I added.

"But--"

"Okay, isang tanong isang sagot. May nangyari ba sa inyo?"

Kunot ang noo lang siyang tumitig sa akin at parang may pilit na inaalala. "I-I don't remember," aniya.

"Then let's end it here," muli kong hinarap ang maleta ko pagkasabi ko no'n atsaka ito isinara ng masiguro kong nailagay ko na lahat ng gamit ko doon.

"Pero Amethyst... s-sigurado akong walang nangyari sa amin."

"How sure are you if you don't remember anything? Nagawa ka nga niyang halikan noong tayo pa, what if... nagawa niyo 'yun the day when we broke up? The day before your accident?" I quickly wiped my tears as I said that. Binuhat ko na 'yung maleta ko at akmang aalis na pero bigla niya 'kong niyakap mula sa likod ng malampasan ko siya. He's hugging me so tight and I even heard his sobs. He's crying, damn.

"Are you going to leave me?" he asked crying. Patuloy lang din ako sa pag-iyak at hinayaan ko muna ang sarili kong damhin ang yakap niya dahil baka ito na ang huling pagkakataon na mayakap siya.

I heaved a deep sighed while wiping my tears bago inalis ang mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko. I faced him and I can't keep my tears from falling as I saw his face. I cupped his face and wiped his tears with my thumb. Pinilit kong ngumiti habang tinititigan ang kanyang mukha.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon