Special Chapter

1.3K 25 1
                                    


Cloud's POV

After 5 years.

[Love, baka hindi muna kita mami-meet later. I have an urgent meeting with my client in Boracay. I need to meet him later at night with my secretary. Good thing my dad, allow me to use his private jet kaya aalis na 'ko maya-maya lang.] she said as she answered my call.

"Matatagalan ka ba bago makabalik dito?"

[Hindi naman, Love. Babalik rin ako agad.]

"You want me to go with you?"

[Hindi na. Alam kong busy ka rin sa work mo. Ia-update na lang kita time to time.]

"Wala akong tiwala sa kliyente mo."

[Eh? Bakit naman?]

"Nadala na 'ko love e. Halos lahat kasi ng clients mo na lalake nagkakagusto sa'yo. Tss. Kung hindi mo pa sasabihing ako ang boyfriend mo, liligawan ka talaga nila."

[You can't blame them. Sa ganda ng girlfriend mo?]

"Kaya nga todo bakod ako sa'yo e. O kaya sasabihin ko na lang sa mga nagkakagusto sa'yo na maldita ka, prinsesa, mahilig mag-shopping at nakapa-bratinella."

[Go, love. Tell them para naman matahimik na ang buhay ko. Sa sobrang ganda kasi ng girlfriend mo nagkakagulo na sila. You think it's easy? Haays.]

Napailing na lang ako at napangiti dahil sa mga hirit niya. Inaatake na naman siya ng pagka-GGSS niya. "Love, maganda ka naman talaga e. Pero humble lang tayo ah?" biro ko sa kanya. She hasn't changed at all at hindi ko hihilinging magbago siya dahil doon ko siya minahal.

[Ewan ko sa'yo. Napaka-supportive mo talaga e, no? Anyway, I'll hung up na ah. May tatapusin pa 'ko e.]

"Lagi ka ng busy, love. Nakalimutan mo na ata ang future husband mo."

[Sus, nagtampo pa. Babawi ako sa'yo pagkatapos nito. Masosolo mo rin ako, Love.] bahagya pa siyang natawa matapos sabihin iyon kaya para akong timang na napapangiti dito sa office.

"Sige na, tapusin mo na 'yang tatapusin mo. Tawagan mo 'ko kapag paalis ka na tapos pagkarating mo doon sa Boracay ah?"

[Opo. Bye na, I love you.]

"I love you, more." I mumbled smiling before she ended the call.

***************

"Sir, magdadagdag pa po ba kami ng candles or okay na 'to?" tanong na isa sa mga tauhan ko na busy sa pagpi-prepare para sa candle lit dinner na hinahanda ko.

"Add some more. Pati doon sa left area lagyan niyo ng mas marami pang pink roses. 'Yung foods, handa na ba? Make sure na dim ang buong area mamaya at 'yung candles lang ang magsisilbing lights ah. Please. I want everything perfect for this," I reprimanded.

"Opo, sir."

Napangiti ako at napatango sa kanya. Napabuntung-hininga ako habang pinagmamasdan ang lahat na abala. Hindi na 'ko makapaghintay sa mangyayari.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon