Chapter 25

2.9K 67 0
                                    


Cloud's POV

Ngiting ngiti akong pumasok sa school ngayon. Masaya ako dahil buong maghapon din kaming nagkasama ni Aileen kahapon at natutuwa ako dahil umaayon ang lahat sa plano ko although hindi ko pa naibabalik ang loob ni Aileen sa akin ng buo.

What happened yesterday was just normal but for me, it was really great because she's with me.

***FLASHBACK***

Pagkaalis na pagkaalis ni Jace ay mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at nilapitan si Aileen na ngayon ay mag-isa na sa table at halata sa kanyang disappointed siya sa pag-alis ni Jace.

"Aileen?" I said at nagkunwari akong nagulat na makita siya sa lugar na iyon.

Nag-angat siya agad siya ng tingin at nagulat pa siya ng makita ako, "C-Cloud... Anong ginagawa mo dito?" she asked.

"Napadaan lang para kumain, may bibilhin sana ako. Ikaw? Ba't mag-isa ka lang? Where's Jace?"

Nagulat naman ako ng bigla niya kong hinatak sa kamay at pinaupo sa harap niya. Siyempre napangiti ako dun, "Sssshh. Wag kang masyadong maingay, baka may makarinig pa sa'yo at makilala nila ako."she said.

"Okay, I'm sorry. So, where's Jace?" I asked again and I'm playing innocent.

"N-nasa... Shooting pa siya. Medyo bored kasi ako kaya nagpunta ako dito sa mall." she answered then she looked away. She's lying. Bakit ba niya pinagtatakpan yung siraulong Jace na yun? Tss.

"Oww. Tsk, tsk. Walang kwentang boyfriend, why did he let you go in a public place like this? Ikaw? Hindi k aba natatakot na baka may makakilala sayo?"

"Kaya nga ko naka-disguise diba?" she crossed her arms and she just rolled her eyes.

"Kahit na. Ako nga, nakilala kita e. Artista ka Aileen at pag may ibang nakaakilala sayo dito for sure mahihirapan kang makalabas sa mall na 'to. " I said to her at nag-pout lang siya. Ang siraulo talaga ni Jace. Talagang ditto pa nila binalak na mag-date e pag pinagkaguluhan sila baka masaktan pa si Aileen, tss. Puwede namang sa mga private restaurants na lang, "Sige na, sasamahan na lang kita ngayon kung saan ka man pupunta. Babantayan kita para mas safe ka at ako ng maghahatid sayo pauwi." I added.

"Okay lang naman ako Cloud. I can handle myself—"

"Aileen, please? Kahit ngayon lang, wag ng matigas ang ulo. Ayoko namang hayaan ka lang ng mag-isa."

Nabuhayan ako ng loob when she nodded and gave me her sweetest smile.

***END OF FLASHBACK***

Sinulit ko ang araw na yun na kasama siya. I really missed her. Kumain kami, nanoood ulit ng sine, nag-ikot ikot sa mall, naglaro sa arcade, nag-shopping, nag-ice cream atsaka ko siya hinatid sa kanila. At yun yung rason kung bakit napakasaya ko ngayon.

"CLOUD!"

Napailing ako ng marinig na naman ang boses nay un. Ang tindi talaga ng babaeng 'to, nasa pintuan pa lang siya ng classroom sumisigaw na, ts.

"What?" seryosong tanong ko sa kanya ng makaupo siya sa tabi ko. Para siyang timang na todo ngiti at akala mo kumikislap ang mga mata kaya pinitik ko lang siya sa noo at nag-pout lang siya kaya bahagya akong natawa.

"Ito naman... ibabalita ko lang sana yung happy moments namin ni Jace kahapon, Og my gosh!" sobrang tuwa na sabi niya at parang kilig na kilig pa. Ts. babae nga naman.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon