Chapter 8

2.9K 46 0
                                    

Amethyst's POV


Breaktime namin ng biglang tumawag si Daddy.


"Yes, Dad?" sabi ko sa kanya sa kabilang linya.


"8pm later anak."


"For what?"


"We have a dinner with your future husband and his family."


Natahimik ako. Shit. Talagang ipapakilala nila sa akin yun? Argh! Kainis. Siguro ito yung kapalit ng kasiyahan ko. Gusto kong sigawan si Daddy at sabihing ayaw kong makilala ang taong yun.


"Anak? Still there?" natauhan ako ng magsalita si Daddy.


"Ah.. Yes dad.."


"Aasahan ka namin anak."


"Okay po." wala sa mood na sagot ko atsaka ko pinatay ang cellphone ko. Okay, ito na siguro yung time para gawin yung plano ni Trish. Pakshet. First time ko to in my entire life! Kung hindi man maniniwala sila Dad atleast ma-realized lang nila na gagawin ko ang lahat wag lang makilala ang lalaking yun. In that case, di na nila ako pipilitin. Ayoko kasi talaga. Hello? Ngayon pa ba ako susuko kung kailan abot kamay ko na si Jace?


"Hey Amethyst! Are you alright?" biglang tanong ni trish.


"I'm not okay Trish." I said sabay tayo ko at hinatak ko siya palabas ng cafeteria.


"Hey! Where are we going?" hingal na tanong niya.


"Sa mall." maiksing sagot ko ng hindi siya tinitingnan.


"Amethyst naman e! Mall?Nahihibang ka na ba?! Alam mo namang mayayari ako nito sa Dad ko." pagmamaktol niya pero hindi ko siya pinapansin hanggang sa marating namin ang parking lot.


Binitiwan ko siya at hinarap.


"Trish. Tumawag sa akin si Daddy at sinabi niya na may dinner kami later kasama yung future husband ko and his family." sabi ko sa kanya.


"Oh, tapos? Ano connect nun sa pagpunta mo ng mall? Bibili ka ng Dress?"


"Trish naman e! Sabi mo tutulungan mo ko! Pupunta tayo ng mall para mamili!"


"Bibili ka na nga lang ng damit kelangan kasama pa ko?"


"Ang slow mo naman e! Bibili tayo ng damit na gagamitin ko para sa ppagpapanggap ko!" naiinis na sagot ko sa kanya.


"Are you sure?" nakangising tanong niya.


My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon