Chapter 29

2.5K 52 0
                                    



Amethyst's POV

Today is the premiere night of Jace and Aileen's movie and I got one VIP seat. Yes, binigyan ako ni Jace ng VIP seat para anytime pwede akong pumunta at di ko na kailangang pumila. Di ko alam kung bakit ganito yung feeling ko ngayon, last week naman super excited ako sa showing ng movie nila pero ngayon parang excited na hindi.

"Hoy babae, ilang oras pa ba ang itatagal mo sa pag-aayos diyan?" Cloud shouted outside my room while knocking the door. I just rolled my eyes and heaved a deep sigh as I heard his voice. Nandito siya ngayon sa unit ko—as always at sabay kaming pupunta ngayon sa premiere night. He got VIP seat too and for sure galing kay Aileen yun.

Naka-dress ako ng above the knee and since sleeveless yun, I decided to wear a blazer dahil for sure aarteng parang conservative na tatay na naman si Cloud. And besides, simple lang talaga ang sinuot ko ngayon, mahirap nab aka matalbugan ko ang bida.

Lumabas na 'ko ng kwarto at naabutan ko siya sa may living room. Nakaupo siya sa may sofa at nakatalikod sa akin. Napangiti ako at akmang lalapit na sa kanya ng mag-ring ang cellphone niya.

"Oh Aileen, napatawag ka?" he answered at kahit nakatalikod siya sa akin alam kong abot hanggang tenga ang mga ngiti niya, "Wag kang kabahan...Just think about me. I mean, isipin mo lang na nasa tabi mo 'ko ngayon, I bet mawawala 'yang kaba mo. Pft, kidding...Sure akong maghi-hit yang movie niyo kaya stop overthinking about negative thoughts, okay? Sige ka, papanget ka niyan." then he laughed. He looks very happy kahit na sa phone lang sila nag-uusap, "Think positive, ikaw kaya si Aileen Samonte! You're the best actress for me...Papunta na kami, just wait for us okay? ....Sige na, I'll hang up. Bye, I love you." he said before he ended the call. Umakto naman akong natural ng bigla siyang lumingon sa direksiyon ko, "Kanina ka pa diyan?" he asked.

"Y-yeah." matipid kong sagot then I smiled, "And I'm sorry, I heard you. Close na pala kayo ulit? Kelan pa?" di maiwasang tanong ko.

He smiled. Yung ngiting akala mo sobrang saya niya? "I don't know kung kelan but it doesn't matter anymore pero last week lang kami nag-umpisang magtawagan ulit and I guess...everything is falling into place. Thanks to you."

"Saka mo na 'ko pasalamatan ulit kapag nagkabalikan na kayo. Tss."

"Para naming sinabi mong malabo kaming magkabalikan?"

"I didn't say anything."

"Ewan, tara na nga't umalis na tayo. Malapit ng mag-start yun, ang bagal mo kasi." aniya saka ako inakbayan. Inaalis ko yung kamay niya pero ibinabalik niya rin sabay tatawa kaya sinasamaan ko siya ng tingin pero at the end talo pa rin ako kaya hinayaan ko na lang tapos sabay kaming tatawa. We're both crazy, right?

*********

The movie was great. Na-justify ng mga casts ang bawat characters na ginampanan nila especially Jace, duh. The storyline ang concept is unique kaya hindi na 'ko magtataka kung papatok 'to sa takilya. Napanood ko lahat ng movies ni Jace at lahat ay maganda but this one is my favorite kahit naiinis akong si Aileen ang leading lady niya. Jace is really a versatile actor now and I'm so proud of him. Well, Aileen did a great job too.

"Dude, congratulations! Hanep, mas lalo kang gumaling ngayon ah?" bati agad ni Carl kay Jace at nagmanly hug sila same with Cullen exept Cloud, pagpasensiyahan niyo na bitter e. Tinalikuran na ni Jace yung mga reporters kanina para lang maharap kaming barkada. So sweet diba? And yes, nasa VIP din sila Carl, Cullen at Trish kanina at magkakatabi kami.

"Both of you did a great job. Talaga palang may chemistry kayo on screen." nakangiting saad naman ni Cullen.

"Hindi lang onscreen, kahit sa personal talagang may chemistry!" kinikilig pa na sabi ni Trish sabay siko sa akin. Tiningnan ko lang siya dahil di ko naman na-gets kung para saan yun.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon