Chapter 12

2.6K 52 1
                                    

Amethyst's POV

"Nurse mukhang kailangan niyang maoperahan," seryosong sabi ni Cloud ng maibaba niya 'ko sa isang stretcher sa clinic.

Literal na nanlaki ang mga mata ko pagkatapos niyang sabihin 'yun. Natapilok lang ako operahan agad agad?

"Buwisit ka talagang ulap ka!" I blurted out when he suddenly laughed. Nakaupo siya sa tabi ko ngayon kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong hampas-hampasin siya.

"Ano namang nangyari diyan Ms. Tuazon?" nagatatakang tanong ni Nurse Cristine.

"Chismosa kasi," I heard Cloud whispered kaya naman tiningnan ko siya ng masama.

"N-natapilok po ako," I answered..

"Ah, sige wait for me here kukuha lang ako ng igagamot diyan para maiwasan ang pamamaga," ani Nurse Cristine bago kami iniwan.

"Hoy Ulap!"

"Kanina unggoy ngayon naman ulap, tss." He said without looking at me. "ANO?" parang naiinis na tanong niya.

"Salamat!"

"Ano ba 'yang salamat mo labas sa ilong! 'Yung sincere naman!"

"Ang arte mo!"

"Wow, welcome ah!" sarcastic na sagot niya.

"Bakit mo nga pala ako binalikan?" I asked.

"Pake mo? Trip ko e."

"Bakit nandito ka pa?"

"Ano ngayon sa'yo?"

"Umayos ka nga sa pagsagot mo!"

"Maayos naman ah! Ano bang problema mo?"

"Late ka na, bumalik ka na sa room!" I reprimanded.

"Inuutusan mo ba 'ko?"

"Ayoko lang naman ma-late ka ng dahil sa akin."

"Feeling mo naman dahil sa'yo kaya ako nandito. Inaantok kaya ako," sabi pa niya tapos nag-hikab siya atsaka humiga sa stretcher. Muntik pa nga 'kong mahulog kasi pinaurong niya pa 'ko. Kahit kalian talaga.

Ilang segundong katahimikan. Nakaupo lang ako sa may gilid niya habang siya ay nakapikit na. Seryoso talaga siyang matutulog siya?

I stared at his peaceful face. Grabe lang. Napaka-pogi talaga nitong unggoy na 'to, ang hirap ipagkaila.. Pointed nose, pinkish lips, mapupungay na mga mata. Aish! Bakit ko ba kino-compliment 'tong taong 'to?

"Huwag mo 'ko masyadong titigan baka ma-inlove ka. Mahirap na baka hindi mo na ko pakawalan."

I was startled when he suddenly talked while smiling. I quickly averted my gaze to somewhere dahil baka isipin niya pang type ko siya. Yabang e, tss.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon