Chapter 18

2.5K 43 1
                                    

Cloud's POV

"Yes." walang pasubaling sagot ni Jace sa tanong ni Aileen kung gusto ba nito si Amethyst. Napansin ko namang nag-iba ang aura ni Aileen sa diretsahang sagot ni Jace, "And I'm going to court her." dagdag pa ni Jace na siyang nakapagpagulat sa aming dalawa ni Aileen.

"I knew it man! Sinasabi ko na nga ba't tama ang hinala ko. Tss." natatawang sabi ko sa kanya na tinawanan lang din niya.

"Pero Jace—"

"I know Aileen... You're worried about the movie. Pero wag kang mag alala dahil after ng movie ko siya liligawan, iniisip ko rin naman yung career natin." Jace answered.

"Pero nag-click na tayo sa viewers at sa mga fans mo, do you think after the movie paghihiwalayin na nila tayo? I guess no." kibit balikat na sabi ni Aileen.

"Jace, I think she's right." saad ko kahit labag iyon sa loob loob ko.

"Cloud?" baling sa akin ni Jace na para bang hinihiling niyang kampihan ko siya.

"You know the showbiz industry Jace. Kayo pa lang ang kauna-unahang love team na nag-click agad in just a month. Aileen's right...sure hit ang movie niyo for sure kaya imposibleng pakawalan kayo ng management na may hawak sa inyo. Besides, just think about Aileen dahil baguan pa lang siya compare naman sayo na marami ng sumusuporta kahit sa ibang bansa." I explained kahit labag sa loob kong loveteam sila, ayoko pa rin namang maiwan sa ere si Aileen.

"Guys, don't worry about it dahil wala rin naman akong balak i-public ang panliligaw ko kay Amethyst. Ayokong madamay siya sa magulong buhay na meron ako."

"Amethyst will surely get lots of bashers."sabi pa ni Aileen sabay sip ng juice niya.

Naapabuntung-hininga na lang si Jace. Lintek na Jace 'to, sa dami ng babaeng makakasalamuha niya, sa baliw na Amethyst pa yun na-inlove. Pag-ibig nga naman. Sabay-sabay din naman kaming natahimik ng bumalik si Amethyst. Nagtaka pa nga siya sa nadatnang atmosphere.

"What?" itinaas ko ang kilay ko ng balingan ko si Amethyst na madilim ang mga titig sa akin. Hindi siya sumagot at inirapan lang ako bago niya ipinagpatuloy ang pagkain. Tss. Inaatake na naman ng kabaliwan niya.

********

Amethyst's POV

"Thanks for today." Jace smiled at me. Damn that smile. Para akong yelong unti-unting nalulusaw.

"Ako dapat ang mag-thank you Jace kasi ininvite mo ko." medyo nahihiya pang sabi ko, kasi naman grabe makatitig 'tong si Jace.

"Hala siya, pabebe." bulong ni Cloud na nasa likod ko kaya siniko ko siya.

"Jace, let's go." sigaw ni Aileen na nasa shotgun seat na ng kotse ni Jace. Istorbo lagi to e, sarap batukan. Psh.

"Tol, take care of her." Jace said to Cloud which make me smile for the nth time.

"Take care of her, too." Cloud whispered pertaining to Aileen. Kainis, para tuloy kaming switch partners.

Nasa byahe na kami ni Cloud ng maisipan kong magbukas ng twitter—na dapat ay di ko na lang ginawa. First spot na naman kasi sa trending list si Jace at Aileen, hell yeah! JaceLeen daw, yuck! At ang nakakainis pa eh yung caption ni Aileen sa picture nila Jace kanina, 'Congratulation kiss to your album launching success! Love yaaah! @callmejace'. Umismid na lang ako at pumunta sa notif ko. Simple lang naman yung caption ko sa picture namin ni Jace kanina. Marami ang nag-retweet at marami din ang nag-comment.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon