IASWAK2

1.3K 118 2
                                    

Coleen's Pov

Nakasubsob lang yung mukha ko sa may desk ko dahil medyo inaantok ako ngayon , nagsasalita lang sa may harapan yung teacher namin at yung sinasabi niya ay tungkol sa paglipat daw ng tatlong artist/musician dito sa Class 1-A.

Katabi ko si brei na ngayon ay natutulog dahil naririnig ko na yung mahinang hilik niya habang si sheki hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon.

Paboring ng paboring ang mundo ngayon at wala man lang akong maisip na mga bagay na ikakalibang ko , uhm matulog nalang kaya ako?

Habang malalim ang iniisip ko at may biglaang pumasok naman sa may pintuan at magkakahawak kamay pa silang tatlo , ay besties yarn?

"Good morning po maam" sabay sabay na bati nila sa aming guro na matamis na mga ngiti ang iginagawad sa kanilang tatlo.

"Okay pasok na kayo sa loob, Ahm class? I know na kilala niyo na sila dahil sikat silang artist dito sa Treston at ang pangalan ng banda nila ay Heartless Angels, so no need na para mag introduce pa sila sainyo and I hope na I welcome niyo sila ng buong puso at sana magkasundo din kayo." rinig naman dito sa classroom yung mga bulong bulungan puro ang ganda ng tatlo eme.

Naiinis na ako dahil hindi gusto ko nalang pala matulog pero  dahil sa ingay na nililikha nila ay naiirita ako, ang sakit kasi sa tenga.

Naibalik ko naman sa tatlong babaeng nasa harapan ang tingin ko at tila bay nahihiya sila dahil sila ang center of attraction ngayon dito sa classroom

Kilala ko sila pero hindi ko bet yung mga tinutugtog nila dahil puro kakornihan lang naman ang mga iyun.

In short kilala ko lang sila pero hindi ako isang fan nila , marami din kasi akong nakikita na mga t-shirt ng fanatics nila.

"Maupo na kayo doon sa may gilid ng bookshelf at magsisimula na ang klase ko"Nagising naman si brei dahil doon at napatingin din sa mga bagong salta na mahinhing lumalakad sa may likuran na upuan.

"Ganda naman ng bungad ng pagising ko may nakita ako agad na chicks! Bet ko yung babaeng yun oh" turo niya sa babaeng pinakamaliit sa tatlo , sabagay maganda naman talaga siya at sobrang puti niya to the point na para siyang bampira.

"Babaero ka talaga brei! Madami ka kaagaw dyan kaya wag ka nang magbalak pa." singhal naman ni sheki sinamaan nalang siya ng tingin ni brei at muling ibinaling ang atensyon sa dalagang nakakuha ng atensyon niya.

"Anong pake ko sa kanila? Bugbugin ko pa sila isa isa eh. Kakasa ba sila sa akin pag ganun? Mga mahihinang nilalang!" nakangising tugon ni brei habang nakatingin pa din doon sa babae , parang amy ata pangalan nun pero ewan di naman ako interesado kung sino man siya.

Napailing nalang ako at ipinatong na sa may upuan yung paa ko , napatingin naman yung nasa harapan ko dahil yung paa ko nasa likuran niya.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay at napaiwas nalang siya ng tingin at nagpokus na sa harapan.

Nagkaklase na yung teacher namin at tahimik lang ang lahat wala rin naman akong gana para gumawa ng eksena kaya natulog nalang talaga ako.

"Coleen? Gising! Break time na hoy! Hoy coco?! Tama na kakatulog at nagugutom na si sheki!" napamulat nalang ako ng mata at nakita ko si brei na nakangiti pa sa akin ngayon, nagkukusot kusot nalang ako ng mata ko baka kasi may muta ako.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now