IASWAKS2C13

373 46 8
                                    

Coleen's Pov

Naglilibot lang ako dito sa school kasama si brei , hinahanap ko si amy kasi hindi ko siya nakita kanina sa classroom.

Nagbabakasakali ako na baka alam niya kung nasaan ito , nagtungo kasi ako sa bahay nila at wala daw siya doon sabi ng daddy niya.

Mukhang hindi pa nga nila alam yung ginawa ko sapagkat hindi man lang ako nakatikim ng masasamang salita galing sa kanya at kay tita.

May inopen up lang sila na kung nag away ba daw kami ni amy sapagkat umuwi siyang umiiyak kagabi at mugtong mugto ang mga mata.

Nabuhayan naman ako ng makita ko si laney kaso nga lang ay kasama niya si gabbo pero wala na akong pakialam pa.

"Laney? Alam mo ba kung nasaan si amanda? Can you please tell me?!" Tanong ko sa kanya , isang sampal naman ang nakuha ko galing sa kanya , gosh kutang kuta na yung pisnge ko sa mga sampal na aking natatanggap ah but I deserved it anyway kaya hindi ako aangal.

"Alam mo coleen? Ang kapal din ng mukha mo ano? Kahit anong gawin mo ay hinding hindi ko sasabihin kung saan nag iistay si amy ngayon!" Galit ma galit na sabi niya sa akin nakita ko namang napa ismirk lang tong Skribikin na to sa tabi.

"Laney?! Laney please?! I know na galit ka and deserve ko naman yung nararamdaman mong galit pero please can you tell me if amanda was okay? Hindi siya pumasok ngayong araw eh! Nag aalala na ako sa kanya" pagmamakaawa ko sa kanyang muli ngunit tinulak niya naman ako pero naalalayan ako ni brei.

"Alam mo sayang yung opportunity na sinayang ni amanda dahil lang sa basurang kagaya mo?! Dati troublemaker ka dito sa campus? Pero ngayon? Babaero ka na? At talagang magkaibigan pa yung tinarget mo ah? Bestfriend yarn?!" Inis na sabi ni laney at akmang aalis na nang hawakan ko ang kanyang pala pulsuhan.

"What do you mean sinayang na opportunity ni amy dahil sa akin? Tapatin mo ako laney ano yun?!" Curious na tanong ko sa kanya inirapan niya naman ako pero binaliwala ko iyun , kailangan ko malaman kung ano ba yung sinasabi niya.

"Inofferan ng Japan Music Incorporation si amy para maging artist? And guess what? Dahil sa ayoko niyang mawalay sayo ay mas pinili niyang tanggihan yun? Yung pangarap niya handa niyang baliwalain dahil sayo! Tapos eto lang igaganti mo? What an asshole!" Sabi niya sa akin sabay hawi ng kamay ko na nakahawak sa kanya , sinamaan lang ako ng tingin ni gabb at kung wala lang siguro si laney sa tabi niya ay baka nasapak ko na siya sa sobrang inis na nararamdaman ko sa mga tinginan niya sa akin kanina pa.

Flashback

"Alam mo kawawa si amy? Kasi ano bang mapapala niya sa matigas na ulo na meron ka? Isa ka lamang di hamak na walang alam sa buhay kundi ang manggulo ng buhay ng iba? Ni wala ka ngang pangarap na makamit sa buhay mo eh?! Ano bang maipagmamalaki mo sa kanya? Na handa niyang iwanan ang lahat para sayo? Sapat na ba yung pagmamahal na sinasabi niya para patunayan sayo na kaya niyang gawin ang lahat makasama ka lang niya" mahabang sabi ni daddy , nakasalubong ko siya sa may hallway ng treston at iiwasan ko na sana siya ngunit hinawakan niya ang aking kamay.

"Wag kang magsalita na para bang may alam ka sa pagmamahal dad? Kung ano man ang pakay mo dito sa school ay gawin mo na? Wala akong pake sa errands mo? And besides ayoko na kita makausap habang buhay! Magkalimutan nalang tayo! Wala ka ng anak at wala akong amang katulad mo!" Aniya ko sa kanya pabalik pinagtitinginan naman kami ng mga tao dito ngayon pero tinitignan ko lang sila ng masama upang magtuloy na sila sa ginagawa nila.

"Nais ko lang sabihin sa iyo na hindi ka ba nalulungkot para sa kanya? Ilang taon niyang pinaghirapan na maging idol , bumuo ng banda , maging kilala sa international ngunit sa isang iglap ay naglaho lahat ng iyun? Dahil ano? Mas pinili ka niya? Ikaw tatanungin kita? Ano bang handa mong isakripisyo para sa kanya gaya ng sakripisyong ginagawa niya para lang sayo? Use your mind coleen! Kung masaya ka sa pagbabagong ginawa mo para sa kanya , hindi porket nag stop ka na mambully at nagfocus ka sa pag aaral mo ay sapat na yun?! Matuto kang unahin naman saan sasaya si amy? Wag kang selfish! Wag kang gumaya sa namatay mong ina!" Tinanggal ko naman ang pagkakahawak ni daddy sa akin saka tinulak siya , umalis na ako dahil ayoko nang mapakinggan yung sinasabi niya.

End of the Flashback

Tuloy tuloy lang sa pagpatak ang aking luha dahil sa aking nalaman , dagdag pa yung naaalala ko yung mga sinabi sa akin ni daddy.

Papalabas ako ngayon ng university at nakasunod lang sa akin si brei , pumasok na ako sa aking kotse at tsaka mabilis na pinaandar yung engine.

Mabilis ding pumasok si brei para samahan ako hindi ko nalang siya inimik at nagdrive lang ako , balak kong mag inom ngayon upang makalimot.

Fast forward nakarating na kami sa bar , nauna na akong magreserve ng place at tsaka sumunod lang si brei.

Dumating na yung iinumin namin at mabilis ko iyung tinungga , gusto ko magpakalasing sa sobrang sakit din ng aking nadarama.

"Brei talaga bang ako yung nagiging hadlang sa pangarap ni amy? Totoo ba yung sinabi sa akin ni daddy?" Naiiyak na tanong ko kay brei kinuha niya naman yung isang bote ng alak at tsaka ininom iyun bago nagsalita.

"Alam mo coleen? To be honest oo naiisip ko yan nung una na ikaw ang nagiging hadlang sa pangarap ni amy , ngunit alam mo? Sa paglipas ng panahon napag isip isip ko na hindi? Masaya si amy habang kasama ka niya , mas matamis yung ngiti niya habang nasa tabi mo siya? Aminado akong masaya din naman siya sa pagiging artist pero masasabi kong mas masaya siya sa piling mo coleen? That's why nga kaya niyang i let go lahat diba? Ganyan ka niya kamahal!" Malungkot na sabi sa akin ni brei , hindi ko naman maiwasang hindi maiyak , tama silang lahat sagabal ako sa pangarap ni amy.

Ilang taon niyang pinangarap maging artist at nung dumating ako sa buhay niya nagbago ang lahat , madami siyang isinakripisyo sa akin pero ako? Wala akong nagawang tama sa kanya?

Nagawa ko pang matemp kay frances na inosente , edi sana okay ang lahat? Okay sana ang lahat kung hindi nalang ako nag exist at nakilala ni amy.

"Madami na siyang isinakripisyo sa akin maybe this time ako naman ang dapat mag sakripisyo brei?!" Sabi ko kay brei saka ininom muli ng sunod sunod yung isang boteng alak.

"What do you mean by that coleen? Wag mong sabihing---" natigilan si brei sa pagsasalita nang bigla akong magsalita.

"I'll let her go brei! It's time na para sarili niya naman yung sundin niya at lalo na yung pangarap niya na nahahadlangan dahil sa akin" malungkot na aniya ko saka nagtuloy tuloy lang sa pag inom ng alak.

Mahal kita at dahil don kailangan kitang palayain amy , masakit pero ayun ang dapat kong gawin.





A/N: Tuloy o istap na?😆

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now