IASWAK27

693 72 4
                                    

Coleen's Pov

Nasa laboratory kami ngayon dahil nga may gagawing experiment sa Bio Chem na subject namin , itong dalawa kong kasama na si brei at sheki ay nagchichikahan lang ngayon habang ako at todo pakikinig sa teacher namin kahit sobrang boring talaga.

Napansin ko naman na wala si frances ngayon , anong oras na ah at ni minsan di naman siya nalate sa klase namin.

"Sheki? Anong nangyari bakit wala pa si frances hanggang ngayon?" Tanong ko kay sheki bigla naman nagbago ang awra nilang dalawa ni brei, wait nagtatanong lang ako ah.

"Yiiiee hinahanap mo ah! Ano ba coleen kinikilig ako , type mo na ba si Frances ngayon?" Pangangantyaw pa ni brei , ngiting ngiti naman tong si sheki dahil sa sinabin ni brei , di ba pwedeng concern lang? Kaibigan ko na din naman siya.

"Baliw ka anong oras na kasi at magsisimula na yung task ngayon , alam mo naman tong si sir hindi siya nagpapakuha ng anumang special activities" seryosong sabi ko tinignan naman ako ni brei nang tingin na parang hindi satisfied sa sinabi ko ngayon.

"Absent siya ngayon coleen , may lagnat daw siya sabi ni tita tapos iniabot nalang sa akin yung excuse letter niya" sabi ni sheki tinusok tusok naman niya yung gilid ko at inaasar pa ako lalo, inapakan ko nalang yung maliit niyang paa para tumigil siya sa ginagawa niya sa akin.

"Ah ganun ba okay"

"Oh bakit parang nalungkot ka boss ococ ah hahaha ikaw huh concern kay frances" di ako malungkot sadyang di lang ako sanay na wala siya or hindi namin siya kasama sa room.

"Wag kang maissue brei kutungan kita dyan eh , makinig nalang kayo ni sheki sa sinasabi ni prof dahil individual task to bahala kayo dyan di ko kayo tutulungan" pagbabanta ko nanahimik na sila at nakinig na napatingin nalang ako saglit sa pwesto nila jaydee , laney at amy.

Mukhang may hindi pagkakaintindihan sila amy at jaydee ah para kasing umiiwas si amy sa kanya , baka may kinalaman yun sa babaeng nakita ko? Hmp di ko sure ah.

Nagawa na namin yung task namin at kasalukuyang nasa coffee shop ako ngayon hindi ko kasama sila brei at sheki dahil may pinuntahan sila at hindi na ako nag abalang magtanong pa , may nakita naman akong bata na nasa labas.

Bali namamalimos siya ganun , tumingin nalang ako sa menu upang tignan kong nay pancakes pa ba na available or sadwhich para maibigay ko man lang sa kanya.

Nakabili na ako at lumabas na ako ng coffee shop upang iabot yung pagkain at syempre drinks dun sa bata.

Nakangiting tinanggap niya naman iyun at nagpasalamat siya sa akin dahil ilang araw na talaga siyang hindi daw nakain kasi nga wala daw nagbibigay sa kanya na mga tao and then wala na rin siyang magulang bali sa kalsada nalang talaga siya natutulog.

Binigyan ko na rin siya ng 1k at sinabihan ko siya na tipidin niya iyun para sa pang araw araw na pangkain niya at tsaka pag napadaan ulit ako sa coffee shop na to ay bibigyan ko siya ulit ng pangkain niya or groceries ganun.

Medyo may kalayuan kasi to sa University at tuwing uwian or minsanan lang ako mapadpad dito.

Sa di inaasahang pangyayari ay nakita ko naman si Laney at Amy na magkatabi na nakaupo sa isang bench dito.

Pinagmasdan ko lang si amy at mukhang malungkot siya ngayon nakakita naman ako ng flower shop dito sa may gilid at bili na ako tapos ipinaabot ko nalang sa bata na binigyan ko ng pagkain.

"Kevin? Pakiabot ako nito doon sa babawng maganda na naka white na damit at nakajumper ah , pakisabi sa kanya na wag na siyang malungkot dahil hindi bagay sa kanya" sabi ko sa batang palaboy dito at tumango na lamang siya bago siya umalis ay ginulo gulo ko muna yung ulo niya.

Naaawa ako sa tulad niya kung pwede lang sana na ampunin ko siya or patirahin sa condo ko para may kasama ako ngunit hindi naman maaari dahil nga baka ma akusahan pa ako ng kidnapping chuchu.

Bumili na rin ako ng isang flower bouquet din at nang mapadaan ako sa may fruit stand ay bumili na dina ako bali dadaan ako ngayon sa bahay nila frances.

Kakamustahin ko lang naman siya kung ano ang lagay niya , ayun lang ah wag kayo maissue hahah.

Nakarating na ako ng bahay nila dahil alam ko naman na yun dahil malapit lang kila sheki ito medyo kinakabahan man ay nag doorbell na ako.

Napalunok naman ako ng laway ng bumungad sa akin ang isang babaeng nasa mid 30's ata di ko sure ah pero maganda siya mukhang mommy ni frances.

"Hello po good afternoon po ahm k-kaibigan po ak-ko ni frances , I'm Coleen Trinidad po" fudge bakit ako nauutal ngayon never naman ako kinabahan maliban lang pag kaharap ko si amy ah.

"Oh iha tara pasok ka sa loob , nasa kwarto niya si frances ngayon at nagpapahinga sobrang taas kasi ng lagnat niya eh , maupo kana muna iha at maghahanda lang ako ng meryenda" sabi ng mommy niya , sobrang laki ng bahay nila ah tsaka andami din nilang kasambahay dito.

"Ah tita ipapaabot ko lang po ito kay frances , hindi na rin po ako magtatagal kasi napadaan lang po talaga ako dito" pagpapalusot ko sabay abot ko ng flowers at nga fruits na nasa basket sa kanya.

Nakakahiya na kung magtatagal pa ako at tsaka nagpapahinga na rin si frances ngayon at baka makaistorbo pa ako.

"Dito ka na muna , diba dinalaw mo yung anak ko? Edi puntahan mo na muna siya sa kwarto niya for sure matutuwa yun pag nakita ka niya , alam mo bang ikaw ang bukambibig niyan dito sa bahay" sabi ng mommy niya na ikinagulat ko , fudge so nakukuwento niya pala ako sa mommy niya kaya pala gulat na gulat siya ng malaman ang pangalan ko kanina.

"Ah hindi na po tita--" bigla niya nalang ako hinila at hindi na ako nakapalag pa dahil paakyat na kami ng hagdan ngayon.

"Tara na samahan na kita doon ayoko naman na masayang yung pinunta mo dito ngayon" sabi ng mommy niya mas domoble ang kaba ko nang buksan niya ang room ni frances at pinapasok ako sa loob and then napangiti nalang siya bago isarado yun..

"Oh coleen? Napadalaw ka?"

"Ah nabanggit kasi ni Sheki na may sakit ka daw kaya napadaan lang ako saglit dito para icheck kung okay kana at tsaka para ibigay tong notes ko sa Biochem expirement kanina" kinuha ko na yung bag ko at tsaka iniabot yung insights ko about sa activity kanina may mga drawing din ako doon para mas lalo niyang maintindihan.

Sobrang putla niya ngayon at ang init niya dahil nung iniabot ko yung notebook ay nahawakan ko yung kamay niya.

"Thank you for this coleen I really appreciate it lalo na ikaw dahil dinalaw mo ako dito sa bahay" napakamot nalang ako sa may batok ko sa sobrang hiya ko ngayon , naupo naman siya sa may kama niya and then tinulungan ko nalang siya dahil mukhang hinang hina siya.

Bigla niya nalang ako niyakap at sobrang init nga ng katawan niya ngayon na parang masusunog ako.

"Pakiramdam ko okay na ako dahil nakita kita ngayon , ilang oras pa lang kitang hindi nakikita ay sobra na kitang namimiss coleen" medyo malungkot na sabi niya sa akin habang nakayakap pa din sa akin , napayakap narin ako sa kanya ng maramdaman kong may tumutulong luha sa kanya mga mata dahil ramdam ko iyun sa may balikat ko.






Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now