IASWAKS2C8

401 50 2
                                    

Amy's Pov

Kasalukuyang nasa school na ako ngayon , magkasabay pa din kami kanina sa kotse ni coleen pero hindi niya ako iniimik since kagabi pa dahil sa kaganapan kahapon.

Pilit ko siyang iniintindi at kinakausap kaso parang wala lang ako sa paningin niya , kung alam ko lang na nagseselos siya kay gabb edi sana hindi na ako umattend ng party.

Nakatingin lang ako sa may kisame at nag iisip ng kung ano ano about dun sa lipstick na nakita ko sa damit ni coleen kahapon.

Hindi naman siya gumagamit ng sobrang pula na lipstick pero bakit mayroong lipstick sa may bandang kwelyuhan ng damit niya?

Hindi kaya? Argh amy , hindi magagawa ni coleen yang iniisip mo? Pero nasaan siya? Nung time na nasa party ako? Hindi siya umuwi ng condo sabi ni manong guard at nung umaga naman ay tanghali na siya nakauwi.

"Pst! Pst! Mandeng?!" Tawag naman ni Laney sa may likuran ko , napalingon naman ako sa kanya at tinignan siya ng nakapagtataka.

"LQ kayo ano?? Anyare? Pansin ko din pati sila Frances At Coleen ay hindi nagpapansinan , anong meron dun sa mag bestfriend?!" Takang tanong naman ni laney sa akin napailing nalang ako at tinignan si frances na nagbabasa ng notes ngayon habang si coleen naman sa may likuran at natutulog lang at nakasandal ang ulo sa may lamesa.

"Hmp it's about gabb--" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang may marinig ako na boses na nanggagaling kay gabbo.

"Amy?? Laney?? Eto burger oh! Alam kong hindi pa kayo nag umagahan mukhang ang lungkot ng mukha niyo eh!" Aniya naman ng bagong dating na si gabb , tinignan niya naman ako ng diretso sa mga mata dahil parang ayaw ko pa kunin yung inaabot niyang pagkain.

"Amanda? Nangangalay na si gabbo oh? Kung ayaw mo edi sakin nalang yan? Gutom pa naman ako!" Sabi ni laney saka kinuha yung burger na inaabot sa akin ni gabbo.

Hindi pa nga ako nag umagahan kasi nga hindi ako nakaisip ng lulutuin ko kaninang umaga , wala naman kasi akong tulog dahil sa pag ooverthink ko kung saan galing si coleen kahapon at tsaka yung lipstick na sa may kwelyuhan niya.

"Okay lang ako,  salamat sa pagkain gabb! Hmp laney tara samahan mo ako sa canteen??" Sabi ko sabay tayo , napatango nalang si gabb at tsaka tinignan ako ng malungkot.

"Kala ko ba di ka gutom?!" Aniya ni laney habang puno ang kanyang bibig , napatingin naman ako kay gabb at napabulong na im sorry.

Hindi ko pwedeng tanggapin yung inooffer niya na pagkain kasi baka mas lalong lumabo ang sitwasyon , alam kong ayaw ni coleen na lumapit sa akin si gabb kaso nga lang kaibigan ko si gabb eh.

"Hindi man ako gutom pero alam ko si coleen nagugutom na yun , kaya tara samahan mo ako" sabi ko saka naglakad na palabas nakasunod lang sa akin si laney sa ngayon nang biglang may tumunog sa phone ko.

It was a message galing kay miho na nasa states na ngayon, medyo matagal din kaming hindi nagkausap simula nung sa states na siya nag aral.

Si daddy kasi ay doon nadestino kaya ayun , nagkahiwa hiwalay na kaming magpamilya.

Sibs❤️

Amy? Uuwi na kami mamaya ni daddy dyan?! Punta kayo ni coleen ah for the family bonding! May good news din ako na sasabihin sa inyo ni mommy.

Sabi niya sa text nanlaki naman ang aking mata dahil doon, gosh talaga bang uuwi na sila daddy? Argh ano kaya yung magandang balita na sinasabi niya?

"Mandeng?! Napag isipan mo na ba yung offer sa Japan? Argh kung sakaling mag oo ka edi magkasama na tayo dun luluwas next next month! Pagkatapos ng graduation natin" sabi naman ni laney , nawala naman yung ngiti ko dahil doon.

"Sinabi ko naman sayo laney na buo na ang desisyon ko , I will not go! That's final" confident na sabi ko pero sa kaloob looban ko din ay nanghihinayang ako pero wala eh.

Mahal ko si coleen at ayokong mapalayo sa kanya , i will choose her until the end.

"Miss ano pong order niyo?!" Tanong naman ng nagbabantay sa canteen , napatingin ako sa may harapan kung saan nakalagay yung mga pagkain.

"Tig dalawang Cheese bacon sandwich , Coke , Chocolate cake and Water po" magalang na sabi ko tumango naman ito at kinuha na at nilagay sa paper bag yung order ko , kinuha ko na yung wallet ko and then nagbayad na ako.

Mabilis lang kaming nakabalik sa classroom at napatingin naman ako kay coleen na nakasubsub pa din ang ulo niya sa may lamesa.

Dahan dahan na akong lumapit sa kanya at tsaka hinawakan ang kanyang buhok.

Inilagay ko din yung ulo ko sa may lamesa at pinagmamasdan lang ang gilid ng kanyang mukha.

"Mahal ko?! I'm sorry kung nasaktan ko yung damdamin mo nang hindi ko namamalayan? May dala akong pagkain ngayon , kain kana mahal ko alam kong nagugutom kana pangako ko hindi na mauulit yun , sige na kausapin mo na ako" sabi ko sabay tapik ng balikat niya , napaangat naman ang ulo niya at pinaningkitan ako ng mata.

Nagpapanggap ka lang pala na tulog ah , hay nako my coconut kala ko ako lang topakin sa atin noon pero mas malala kana talaga ngayon.

"Busog nako!" Maldita niyang sabi sa akin napataas naman ang kilay ko dahil doon, anong kinain niya? Yung desk?

"San ka naman nabusog? Hindi naman kita nakitang kumain dito sa classroom ah?!" Mataray din na sabi ko sa kanya , abay hindi ako papatalo ano? Kung maldita siya edi siya na hahah swapay.

"Makita lang kita na nakangiti na ako ang dahilan ay busog na busog na ang puso ko mahal ko!" Namula naman bigla ang pisnge ko dahil sa simpleng pagbanat niya lang sa akin, lumapit naman siya sa akin at tsaka hinalikan ako ng mabilis sa may labi.

"Ops! Bawal na gawain yan kapatid! Akala ko ba sabi ni sir ay magkakapatid tayong lahat dito sa classroom? Pero bakit may nagtutukaan dito ah?! Hahahaha" bitter na sabi ni laney nagtawanan naman ang lahat dahil doon, sa di inaasahang pagkakataon ay nakita kong nagpa simpleng napairap si Frances sabay lumabas ng classroom.

Ganun din naman ang ginawa ni gabb , anong problema nilang dalawa bakit sila mag walk out , hmp nevermind na nga lang.

"Bati na tayo love ah? Hindi ako sanay na hindi mo ako pinapansin? Sa sunod pangako ko na lahat ng gagawin ko ay sasabihin ko sayo at ikaw din ah? Update mo ako lagi" sabi ko sa kanya , hinila niya naman ako upang yakapin ng mahigpit.

Grabe yung pintig ng puso ko ngayon , kakaiba pa din talaga ang nagagawang pagpapakilig ng nag iisang coleen trinidad.






Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕 Bawi ako sorna in advance 🥲

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now