IASWAK33

668 77 5
                                    

Coleen's Pov

Kanina pa si amy sa loob ng banyo at ewan ko ba kung bakit ako napapangiti dahil sa naging reaksyon niya kanina , like nagseselos ba siya? Hahah magkasalubong kasi yung kilay niya kanina.

Tapos ang sama pa niya makatingin doon sa babae na nagtatanong lang naman sa akin ng direksyon kaso may pahawak effects pa yun sa akin eh.

Napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang lumabas sa may cr buti naman at naisipan niya pang lumabas , basang basa nga yung mukha niya pati damit niya.

Mukhang naghilamos siya nang bonggang bongga sa cr ngayon ah haha halata kasing pulang pula siya kanina nung naglalakad pabalik ng room.

Siguro dahil yun aa pagsabi ko na asawa term haha kinilig kana niyan amanda? Hindi ko naman matanggal yung tingin ko sa kanya ngayon.

"Tama na kakatitig mo sa akin at lutuin mo na yang niluluto mo dahil nagugutom na ako ng sobra , tsk nakuha pa kasing lumandi don sa baba kesa magluto ng uulamin namin ngayon" natawa naman ako nang bahagya sa sinabi niya narinig ko din kasi yung huli niyang sinabi , argh nagseselos nga siya..

Huli ka tyang! Pero hindi ka kulong , pero yung puso ko ikaw lang ang laman"

"Selos yarn?" Napatingin nalang ako sa niluluto ko fudge nakakahiya ka self bakit mo binanggit yun ,takte ka mauuna ka pang maluto kesa sa adobong baboy na to.

"Huh? Selos ka dyan sino ba ako para magselos? Ano ba kita?" Masungit niyang saad nalungkot naman ako pero hindi ko na siya nilingon pa.

Wala naman ako lang to si coleen na walang nagmamahal, aw sadgurl yan self hahah okay lang yan atleast 3 days kong masosolo yung taong mahal ko.

Habang inaantay maluto yung ulam ay nanuod naman si amy sa tv nang we bare bears haha ang cute lang tignan ah sa tanda na niyang yan nanunuod pa siya ng ganyang palabas.

Bigla naman pumasok sa isipan ko yung naging ganap kaninang umaga sa pag uuspa namin ni laney.

Flashback

Kakatapos ko lang maligo at nag bo blower pa nga ako nang buhok balak ko kasing magpunta ng mall upang magliwaliw lang at tsaka kumain ganun at mag groceries.

Akmang paalis na ako ng bahay nang may biglang tumawag sa may phone ko pag tingin ko unknown number ang nakalagay, balak ko na sanang hindi sagutin ngunit nag text sa akin yung tumatawag ngayon.

Unknown Number

Hi coleen? It's me laney yung kaibigan ni amanda na classmate mo din , mahal mo diba si amy? Then if yes sagutin mo yung tawag ko dahil may mahalaga akong sasabihin sayo ngayon din.

Nagtaka naman ako anong mahalagang sasabihin niya sa akin ngayon? Kinakabahan ako sa text niya ah pero let's try nalang na marinig kung ano man ang nais niyang sabihin.

OTPC

"Hello?" Unang bungad na sabi ko , nagulat naman ako sa mga susunod na sasabihin niya sa akin.

"Coleen magimpake kana ngayon na dahil may trip ngayon to batanes si amy at ako sana ang kasama niya ngunit ibibigay ko na itong time na to para sayo" nabigla naman ako sa sinabi niya ano daw batanes? Trip with amy? Ang bilis naman niyang magsalita rapper ba siya sa past life niya?

"Huh anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya , bakit parang nirereto niya ako ngayon kay amy eh magjowa naman na ngayon yung dalawang kaibigan niya na yun na amnesia ba siya?

"May gusto ka sa kanya diba? Then try to win her if talagang may gusto ka sa kanya at sincere ka sa nararamdaman mo" huh paano niya nalaman? Ay hindi na importante pa yun , yeah mahal ko si amy ngunit masaya na ako na makita siyang masaya kahit sa piling pa yan ng iba ay goods na ako.

"She and jaydee are together na diba?"

"So ano naman? Asawa nga naagaw eh jowa pa kaya!" Sabi pa niya na ikinatawa ko kaibigan ba talaga siya nila o tropa ko siya? Parang sa akin siya may support eh.

"Kaibigan ka nilang dalawa diba bakit mo to ginagawa ngayon?" Ewan ko pati ako gulong gulo na kausap siya ngayon nagtutunog kasi na against siya sa relasyon nila amy at jaydee which is hindi maganda kung kaibigan ka nila.

"Hay nako wala nang madaming tanong! Pumunta kana ngayon din sa NAIA terminal 3 nandun na si amy at nag aantay gaya nga ng sinabi ko this is your chance kaya ano papayag ka ba o hindi?" Napaisip naman ako kung may opportunity na dumating edi i grab na agad iyun , once in a lifetime opportunity nga naman ang makasama mo sa trip nang dalawa lang kayo ng taong minamahal mo.

"Sure I'll go there , thank you laney!"

"Saka ka na mag thank you pag naging kayo na ni amanda anyway goodluck!" Huling sabi niya bago niya ibinaba yung tawag , hmp ang weird ah pero bahala na gagayak na nga ako.

EOTPC

Mabilis na akong nag impake ng damit ko at bali mga 10 minutes ang inabot ko aa pag aayos lang tapos dumiretso na ako sa baba upang mag abang ng taxi.

Buti nalang talaga at nakasakay ako kaagad ,mabilis lang kaming nakarating dahil sa sobrnag bilis na magmaneho ni manong driver.

Naglibot libot lang ako and then nakita ko na si amy na mukhang naiinip na sa kanyang kinatatayuan ngayon kaya agad na akong lumapit sa kanya.

End of the Flashback

Napabalik ako sa wisyo nang biglang may nag snap sa harap ko si amy lang pala , napatulala nalang ako sa niluluto ko at muntikan na palang masunod fudge.

Agad agad ko nang pinatay yung stove and then tinikman ko muna yung luto ko , okay naman yung lasa niya argh mabuti nalang at nandyan si amy kung hindi baka tuluyan na akong naging lutang.

Inilagay ko na sa plato yung ulam habang si amy naman ay naghain na ng kanin , okay naman na lahat ngunit parang may kulang talaga.

Kinuha ko na yung wallet ko and then akmang lalabas na ako nang biglang nagsalita si amy.

"Oh saan ka na naman pupunta? Kakain na tayo coleen tapos may balak ka pang umalis" sabi pa niya napahawak nalang ako sa may batok ko tapos nagsalita.

"Bibili lang ako ng softdrinks sa baba , babalik din agad ako saglit lang" binuksan ko na yung pinto ngunit nagsalita na naman siyang muli , ano na naman kaya ang gusto niyang sabihin?

"Softdrink lang pala eh magpadeliver ka nalang , darating naman agad yan eh tara na bumalik kana dito at kakain na tayo bawal pag antayin ang pagkain" rebat pa niya wala na nga akong nagawa kundi bumalik na at maupo , bakit ba ayaw niya akong palabasin?







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now