IASWAK S2 SYNOPSIS

991 97 25
                                    

Amy's Pov

Nasa isang sulok lang ako ngayon ng condo unit ko , umiiyak at nasasaktan nang mag isa ewan ko ano bang ginawa ko at nangyari to sa akin , sa amin ni coleen.

Isang katok ang pumukaw sa atensyon ko ngayon napapunas nalang ako ng aking mga mata hindi ko kasi alam kung sino yung taong kumakatok ngayon.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si gabb na seryoso ang mukha , pumasok na siya sa loob at bigla niya akong niyakap.

"Anong ginagawa mo dito gabb--" naiiyak na tanong ko sa kanya hindi niya naman ako sinagot sa halip ay mas hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sa akin.

"Hanggang kailan mo kakayanin yang sakit  na naidudulot niya sayo? Alam mo amanda na may mga bagay talaga na kahit gusto mo ay kailangan mo din bitawan kung hindi na yun nakakabuti sayo. May mga tao na kahit napapasaya ka ay kailangan mong iwasan at iwanan." Napakalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking mukha tapos pinunasan niya yung luha ko gamit yung mga kamay niya.

"Gabb hindi ganun kadali yun , oo nasasaktan ako ngayon pero naniniwala ako na mag wo work pa din kami ni coleen , hindi kami aabot sa ganitong katagal na relasyon kung hindi namin sobrang mahal ang Isa't isa" ani ko sa kanya , kahit sobra na akong nasasaktan ay hindi ko kakayanin na maghiwalay kami ni coleen , labis ko na siyang mahal at hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin.

"Alam ko naman yun amy pero sa tingin mo ba kaya mo pa? May mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan ka lang kasi ayun yung tama eh at may pagkakataon na kapag ginawa mo na yun masasaktan at mahihirapan ka syempre sa una pero kung yun lang yung tanging paraan para makawala kana dyan sa sakit , i suggest na gawin mo na yun ayoko na kitang makitang nasasaktan amy she doesn't deserved you"  rebat niya pabalik sa akin , tama naman yung sinasabi niya pero I don't know hindi ko kayang palayain si coleen lalo na kung mapupunta lang siya kay frances.

"So who's the one who deserves me then? Kung hindi si coleen sino gabb? I don't think kaya ko pang magmahal muli kung hindi si coleen yun,. Masakit pero I can't let go of her not now" mas tumulo na lalo yung mga luha ko dahil doon , i know naman na parang na fall out of love na si coleen sa akin at ramdam ko na na si frances na yung mahal niya sadyang nagbubulag bulagan lang ako ngayon.

Matagal na may gusto sa kanya si frances since first year college ko pa alam yun pero hindi ko naman aakalain na hanggang ngayon may gusto pa din siya.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin sa akin to, parang kapatid na yung turing ko sa kanya pero sulutera pa la siya.

"Alam mo namang mahal kita amanda at hindi ko sinasabing ako yung mas may deserved sayo kaysa kay coleen pero kung ganyan na yung ginagawa niya sayo ay napakagago niya kung ganun, kung ako yung nasa posisyon niya ngayon ay mahihiya na ako fiance kana niya tapos kaibigan niyo pa yung ipapalit niya sayo , napaka walang hiya niya" galit na sabi niya sabay tumingin lang sa may bandang pintuan dahil biglaan nalang iyong bumukas.

"Coleen anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya simula kasi nung nag away kami nung nakaraan hindi niya ako magawang puntahan dito sa condo ko , hindi ko na rin naman ipinilit pa yung sarili ko na puntahan siya sa bahay nila or sa condo niya.

"Amanda let's break up...." Bungad na sabi niya na mas lalong nagpa hagulgol sa akin agad na akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"No please love I don't want to , kaya pa natin tong maayos , papatawarin kita sa mga ginawa mo please wag mo lang ako iwan" pagmamakaawa ko sa kanya mahigpit ang pagkakakapit ko sa kanya ngayon , ayoko, ayoko na mawala siya ng tuluyan.

Okay na maging tanga ako pero hindi ko hahayaang mawala siya sakin , not now na alam kong buntis ako at magkakaroon na kami ng isang pamilya na matatawag.

"Amanda naririnig mo ba yang sarili mo?! I cheated on you kaya please tama na itigil na natin to, you deserve to be happy at hindi pala ako yung taong magpapasaya sayo , wala akong ibang binigay sayo kundi sakit lang kaya please.... Let's break up para na din sa ikakabuti mo" sabi niya sabay tanggal ng mga kamay ko na patuloy na nakayakap sa kanya , hindi niya naman ako tinulak sadyang inilapit niya ako kay gabb at para maalalayan ako nito.

"No I don't want to...." Naiiyak na sabi ko lalapit sana akong muli sa kanya pero mahigpit na ang pagkakakapit ni gabb sa akin kaya hindi ko na yun magawa pa.

"Pagsisisihan mo to coleen!" Sigaw ni gabbo sa kanya habang siya ay nakatalikod na ngayon at mukhang aalis na ng condo unit ko.

"I know I won't gabb , just please take care of her alam ko namang may gusto ka sa kanya" alam ko sa tono ng pananalita niya na umiiyak siya ngayon pero bakit? Bakit kailangan niya akong iwan? Bakit si frances yung pinili niya kesa sa amin ng magiging anak niya? Fudge hindi niya pa pala alam dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya.

Lumabas na siya at magsasalita pa sana ako pero tinakpan na ni gabb yung bibig ko , ayun nalang sana yung chance ko para mag stay sa akin or sa amin si coleen pero..

"Giving up doesn't always mean you are weak sometimes it means that you are strong enough to let go amanda , kung mahal ka pa talaga niya mag iistay siya sayo amy hindi mo na dapat pang sabihin na magkakaroon na kayo ng anak para mag stay pa siya sayo , wala ako sa position para sabihin to pero i will take care of you two kahit anong mangyari , sisiguraduhin ko na aalagaan at mamahalin ko kayong dalawa ng baby mo" ani niya sa akin sabay niyakap niya ako, sobra na akong naghihina ngayon at hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit.

Yung pahinga ko napagod na , nagsawa na at iniwan na ako ng tuluyan akala ko dati sobrang napaka perfect na ng relationship namin pero darating pa rin pala talaga sa point na ito, hiwalayan.

Coleen's Pov

"Take care love , im really sorry dahil nasaktan kita pero i know this will be the best for you madami ka nang isinakripisyo sa akin , pati yung pangarap mo sinuko mo para lang sakin at ngayon ikaw naman ang kailangan kong isuko para lang sa ganun ay matupad mo na yung pangarap mo na nahahadlangan dahil ayaw mo akong mawalay sa piling mo., Mahal na mahal kita at dahil doon kailangan kitang i let go para lang sa ganun ay hindi na sa akin umikot ang mundo mo kundi para na din sa sarili mo , nasasaktan akong makita ka na nasasaktan din dahil sa akin i hope na gabb will help you to heal I don't expect na din na magkakabalikan tayo sa mga susunod na taon pero i really hope na if destined to be with each other tayo gagawa ng paraan si tadhana para pag tagpuin muli tayo ng landas" naiiyak na sabi ko habang nakasandal ngayon sa pintuan ng condo ni amy , rinig na rinig ko ngayon yung pag iyak niya kaya I'll decided nalang na umalis na baka kasi maabutan pa ako nila doon.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕 Simulan ko na pananakit? Charot

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now