IASWAKS2C31

595 76 47
                                    

Amy's Pov

Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko ngayon si coleen habang nilalaro niya si Zai , wala ang saya lang na makita silang magkasama.

Hindi ko kasi inakala na darating pa sa time na ito at makikita ko sa mga mata ni zai na sobrang saya niya na makilala si coleen.

Bigla naman nawala ang aking mga ngiti nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si frances kasama ang maliit na bata at mukhang ito na nga ang anak nilang dalawa.

Sapagkat katulad ni cody ay kamukhang kamukha din ito ni coleen mula ulo hanggang paa at yung pag uugali nito the way na tumingin siya.

"Anong ginagawa mo dito hon?" Aniya ni coleen na sobrang gulat na gulat , napatingin din naman si zai doon at mukhang hindi niya din nagustuhan ang kanyang narinig galing kay Coleen.

"Dadddiii i miss you! Why didn't you get back to home yesterday? Mom and I was really concerned about you!" Aniya nung bata gusto ko man na irapan si frances dahil mukhang ginamit niya pang excuse yung bata para magtungo dito ay hindi ko nalang ginawa.

"Minmin? Dadi has something to do pa that's why hindi ako nakauwi kagabi , anyway this is your sister? Meet Zairah Nicole!" Pagpapakilala ni coleen kay zai sa anak niyang si minho agad naman napangiti yung bata at tsaka niyakap si zai na hindi nagustuhan ni frances kung kaya't mabilis niya itong inilayo sa anak ko.

"What are you doing frances? You're hurting minho? As well as zai!" Medyo inis na sabi ni coleen kay frances dahil sa ginawa nito agad namang lumapit sa akin si zai dahil feeling ko natakot ito sa ginawa ni frances.

"Sa tingin ko naman tapos na yung pagdonate mo ng dugo hon? Kaya let's go home na!" Bakas sa mukha ni frances yung pagkainis niya , aba aba dapat nga ako yung mainis sayo dahil nasa territoryo din kita.

"Hon? Could you please lower your voice? Natatakot na yung bata sa tono ng pananalita mo ngayon" sabi niya kay frances saka hinawakan ang kamay nito sa harap ko pa.

Hindi naman masakit ano? Yung parang nagmumukha na akong kabit ngayon sa pagitan nila sapagkat kasal sila at kami naman ni coleen ay may unting comeback na ganap kagabi.

"Bibili mo na ako ng maiinom ng dalawang bata at tsaka pagkatapos nun ay uuwi na tayo" sabi niya saka binuhat niya na yung bata at tsaka pinalapit niya din si zai sa kanya upang buhatin din , bali dalawa silang hawak ni coleen ngayon at lumabas na ito ng kwarto.

Akmang sasama na din si frances sa kanila ngunit hinawakan ko ito sa may bandang kamay niya tinignan niya lang naman ako ng masama dahil mas humigpit yung pagkakapit ko sa kanya.

"Bitawan mo ako amanda! Kung nangangarap ka na naman na mapasa iyo si coleen ay ngayon pa lang puputulin ko na yung pag asa mong iyun!" Galit niyang saad sa akin ako naman ay palaban din dahil hindi ko siya binitawan sa pagkakahawak ko sa kanya.

Feel ko na this is the time na mailabas ko lahat ng hinanakit ko nung last 7 years ago.

"Hindi ako makikipagkompetinsya sa kagaya mong nagbabalatkayo frances! Hindi lang ikaw ang kailangan si coleen , diba akin naman talaga siya simula pa lang? Pero dahil sayo? Sa kakatihan mo! Nasira ang relasyon namin!" Pagduduro ko pa sa kanya napairap naman siya sa akin at tsaka napa ismirk pa na ikinainit ng dugo ko , ang kontrabida ay mamanatiling kontrabida talaga ano?

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now