IASWAKS2C12

395 45 19
                                    

Amy's Pov

Tama nga sila, hindi ka pwedeng maging masaya ng labis sapagkat grabe yung magiging kapalit nun at eto na nga nangyari na.

Maikling kasiyahan kapalit ng sobrang sakit na katotohanan , na hindi ko inaasahang mangyayari sa talambuhay ko at lalo na ni coleen.

Parang pinipisat yung puso ko habang naglalakad ako palabas ng restaurant agad na akong pumara ng taxi upang makauwi sa bahay namin.

"Wait amy?! Let me explain please? Pakinggan mo naman yung side ko please love!" Naiiyak na sabi ni coleen , tuloy tuloy lang ang aking pag iyak habang nakatingin sa kanya, damn it hurts!

"Mahal mo na ba si frances? Please give me an answer ng diretso coleen?! Mahal mo na ba siya? Kaya ba grabe nalang ka lagkit yung pagtingin at pasimpleng sulyap mo sa kanya huh? Tama ba ako coleen?! Na hindi na ako yung nilalaman ng puso mong yan?!" Sabi ko sabay dinidikdik ko yung daliri ko sa may bandang dibdib niya , napayuko nalang siya sa akin at tsaka niyakap ako mahigpit.

"Hindi sa ganun amy! Mahal kita! Mahal na mahal amy!" Sabi niya sa akin pero tinulak ko naman siya at pinunasan yung mga luha ko sa aking mata.

"Kung mahal mo talaga ako coleen edi sana hindi ka gumawa ng bagay na ikakasakit ko coleen?! Huhuhu ang sakit! Ang sakit sakit! Hindi ba ako naging sapat coleen?! Hindi pa ba ako sapat?! Nakakatuwa lang na yung biro ko kanina ay naging realidad! What a great day!" Sigaw ko sa kanya saka sumakay na sa may taxi agad ko na iyong nilock upang hindi na siya makapasok pa.

Panay naman siya katok sa windshield at nagsisisigaw sa may labas.

"Please amy! Patawarin mo ako!" Sabi niya habang nakatingin lang sa akin ng diretso at kinakatok katok yung windshield.

"Manong magdrive na po kayo?!" Sabi ko kay manong sabay pinunasan yung mga luha ko at panay naman habol si coleen nung umandar na yung sasakyan.

Napapapikit nalang ako sa sobrang sakit na aking nadarama ngayon at napapaisip ako kung ano ang naging kulang ko at kay frances niya pa nahanap yun?

Maya maya ay nakarating na ako ng bahay bumungad naman sa may gate sila mommy and daddy , nagtataka sila nang makita ang mugto kong mga mata.

"What the heck happened anak? Bakit ka umiiyak? Sino ang dahilan niyan?!" Nag aalalang tanong sa akin ni daddy , napailing naman ako at napangiti sa kanya.

"I'm just tired dad? Let me rest na muna bukas nalang ako magkukuwento" Walang ganang sabi ko sa kanila at dumiretso nalang sa may loob ng bahay.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay dun na muling nagsimulang tumulo ang luha ko nang makita ang mga litrato namin ni coleen sa loob ng kwarto ko at bawat edge ay may frame naming dalawa.

Pinangtanggal ko iyun saka pinangtapon sa may gilid sa sobrang galit ko , pati yung desk ko ay pinantanggal ko yung mga laman at yung picture namin ay pinanlagay ko lahat sa may mini basurahan namin.

Malalakas na tunog ang nalikha ng pagwawala ko kaya nagulat ako nang biglang bumungad si ate miho saka sinarado din kaagad yung kwarto ko.

"Anong nangyari amy ah? Bakit ka nagwawala? It's about coleen ba? Please tell me?!" Aniya niya sa akin napaupo naman ako sa sobrang panghihina ko ngayon at nakakaramdam ako ng labis na pagkapagod at hilo.

"Ate miho she cheated on me! Coleen cheated on me with frances!" Naiiyak na sabi ko sa kanya , lumapit naman siya sa akin at tsaka niyakap ako ng mahigpit.

"Iiyak mo lang yan amy? I know what it feels , hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kabuuan but andito lang ako for you amy!" Sabi sa akin ni ate miho , nabigla naman ako nang biglang maramdaman ko yung feeling na parang bumabaliktad yung sikmura ko.

Napatayo naman ako bigla nang dahil doon at agad na nagtungo sa may cr upang magsuka.

Sinundan naman ako ni ate miho at nakita niya akong panay suka lang sa may sink , hinaplos haplos niya yung likuran ko at hinawakan din yung buhok ko upang hindi mabasa.

"Amy?! Dinatnan ka ba this month?" Takang tanong sa akin ni ate miho napatingin naman ako sa may salamin at tsaka nag isip kung dinatnan ba ako this month o hindi.

Nang maisip ko na ay napailing ako , napatingin naman siya sa akin na tila bay masaya, anong meron?

"Gosh?! Baka buntis kana amy?! Need nating magpa check up bukas kung nakabuo na nga talaga!" Masayang sabi niya sa akin, ako buntis? Damn sa nangyari ngayon gugustuhin ko pa bang ipanganak ito?

"Ano kaba ate miho? Wala lang to? Baka masama lang talaga sikmura ko kaya ganito" sabi ko sa kanya saka lumabas na sa may cr at naupo sa may kama ko , nakasunod lang naman siya sa akin at tsaka inayos na yung kalat sa may baba na nilikha ko.

"We'll just try lang naman amy! Para malaman kung ano bang kalagayan mo" Rebat niya pang muli , hindi naman na ako umimik pa at kinuha ko nalang yung phone ko para patayin kasi panay tawag ngayon si coleen

Kinabukasan

Nakarating na kami sa may St. Luke Medical Hospital at magkasama kami ni ate miho , hindi namin ipinaalam kila dad kung saan kami magtutungo sapagkat sasama sila pag nagkataon.

Nagtungo na kami sa office nung doctor upang magpa check up , nagpakuha na din ako ng sample ng ihi ko for the pregnancy test at hinintay yung results nun.

A few minutes later ay lumabas ng may ngiti sa labi yung doctor ko at tsaka lumapit sa akin na may hawak na envelope ito na ata yung results ng test ko ngayon.

"Hi Miss Isidto! Im glad to say na 4 weeks ka nang nagdadalang tao! At isa panh good news sapagkat twins ang magiging anak mo!" Sabi niya na ikinagulat ko , gosh? Twins? Ang magiging anak ko?

Halos mapatalon naman sa sobrang saya si ate miho sa aming nalaman pero ako naman ay natahimik lang sapagkat paano na?

May kasalanan sa akin si coleen at hindi ko alam kung paano ko pa nanaisin na makasama siya ganung ang sakit sakit nung ginawa niya.

Pero alang alang sa magiging anak namin ay isasantabi ko yung sakit na aking nadarama dahil sa panloloko niya sa akin.







A/N: Nakabawi na ako ah hahah

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now