IASWAKS2C16

415 58 14
                                    

Amy's Pov

1 year Later

Kasalukuyang magkakasama kami nila mom and dad sa iisang kotse kasama ang kambal kong anak , buhat buhat ko si Zachary Cody at buhat naman ni mommy si Zairah Nicole.

Si daddy naman ay busy sa pagmamaneho sapagkat sa simbahan nga ang punta namin dahil ngayong araw bibinyagan ang dalawa kong anak.

Nasa Simbahan na sila ate miho kasama ang kanyang anak na si Tiffany , nandun na din si gabb na inaasikaso yung venue.

Sobrang laking tulong niya sa akin lalo na sa mga bata sapagkat parang siya na yung tumayong kasangga ko nung tuluyang iwanan ako ni coleen.

I've totally move on naman na at sa ngayon aatupagin ko nalang yung pagiging artist ko sa japan while trying to hide na may dalawang anak na ako.

It's my only way to protect Haru And Taki , ayun ang nickname nila nung nagstay kami sa japan hanggang dito sa pilipinas.

"Grabe antaba talaga ng pisnge ni taki ano? Pati din si haru? Mukhang hindi talaga nagmana sayo anak ah?!" Pangangantyaw naman ni mommy sa akin , tinignan lang ako ni daddy sa may front mirror.

Napatingin nalang ako kay Haru at tsaka nilaro laro yung kamay niya , kamukhang kamukha niya si coleen.

"Grabe ka naman hon? Kuhang kuha nga ni amanda yung mga mata nila eh! Tsaka sobrang taba din naman ni amanda nung bata palang siya" sabi naman ni daddy , nagbabatuhan lang sila ng usapan habang ako ay pokus lang sa pag aalaga sa anak ko.

Naka mask ako habang may dalang mask na din mahirap na at baka maspotted pa ako dito, private naman yung church na pagbibinyagan sa kanila bali pag nakapasoka ko dun ko nalang tatanggalin yung mask at nakaharang sa mukha ko.

"So anong balak mo pagkatapos nito amy? May upcoming album ka sa japan next week? Paano mo maaalagaan sila Haru at Taki nito pag nagkataon?!" Tanong naman sa akin ni mommy , wala ngang magbabantay sa kanila doon sapagkat busy din naman ako sa career ko.

Hindi din naman pwede na si gabb nalang lagi ang asahan ko sapagkat may career din naman siya doon.

Isa siyang actress sa japan at artist din na kagaya ko , malaki na ang natulong ni gabb kaya ang hustle na kung hihingi pa din ako ng tulong sa kanya hanggang ngayon.

"Ako po ang bahala mommy? Dadalhin ko po sila sa japan na dalawa , iaask ko nalang si ate miho na dun na din mag stay sa condo ko nang sa ganun ay may mag alaga kila Haru at Taki" aniya ko hindi ko pwedeng iwanan sila dito sa pilipinas sapagkat hindi ko kakayanin iyun.

Naiwanan na kami ni coleen at hindi ko naman gagawin sa mga anak ko ang ginawa sa amin ni coleen.

Hanggang sa makakaya ko ay gagawa ako ng paraan upang makasama ko sila , mas importante sila sa akin kesa sa anumang bagay dito sa mundo.

"Nandito na pala tayo sa church? Hmp amy? Ako na bahala dyan kay cody? Diretso ka nalang sa loob at naghihintay na ang mga bisita doon" aniya naman ni daddy, binigay ko na nga sa kanya si cody at tsaka lumabas na ng kotse at nagtungo sa loob.

Bumungad naman sa akin si Gabb na pormang porma ngayon , niyakap niya ako at nakipag beso beso ganun.

Para sa akin wala namang isyu yun pero sa mga taong nasa paligid namin? Hindi ko nalang alam.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now