IASWAK26

687 70 7
                                    

Jaydee's Pov

Nandito lang ako sa bahay ngayon at naglalaro lang ng mobile legends kasama yung pinsan ko , nakahiga lang ako ngayon at panay ako pantrashtalk sa mga nakakalaban ang yayabang kasi sobra.

Hindi naman ganun kalakas kung maglaro , tapos sabayan mo pa yung magjowang nakasama namin dito sa team , duo lang kasi kami ng pinsan ko at may trio na kakampi.

"Jaydee! May naghahahanap dito sayo sa baba! Bumaba ka na muna at itigil muna yang laro mo dahil sobrang ingay mo dyan ngayon at naririnig ka dito sa baba!" Sigaw ni mommy na panay din katok sa may kwarto ko.

Hays sino na naman ba yang naghahanap sa akin? Wala naman akong ineexpect na bisita ngayon ah? Tsk. bakit kasi hindi to soundproof tong kwarto ko lagi nalang ako napapagalitan pag naglalaro ako.

Eh nakaka excite maglaro eh kaya hindi ko maiwasang mapahiyaw ngayon , argh bahala nang mag intay yung bisita ko dyna sa baba ayoko mabawasan ng points no pag natalo kami.

"Dong? Tapusin na natin agad for sure inis na si tita sayo sa kakatawag niya , magpush ako sa top ikaw bahala sa mid,. Hays napakapabigat kasi ng trio na nakasama naton mga bugok maglaro!" Inis na sabi ng pinsan ko tumango nalang ako at pumunta na yung hero ko sa may mid lane upang magpush.

"Jaydee! Ano hindi ka ba talaga bababa dyan ngayon? Nag aantay yung bisita mo dito sa baba abay mahiya hiya ka naman!" Singhal ulit ni mommy napakamot nalang ako sa aking ulo at biglang itinapon yung cellphone ko sa may kama at padabog na naglakad pababa.

Hays ano ba yan ang epal naman eh kung kelan sabado may bibisita pa sa bahay at ang masaklap hindi ko pa alam kung sino ni wala man lang pasabi na kung ano.

"Sino ba kasi yan--- omg babe! ikaw pala yan , bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito ngayon? Napag antay pa tuloy kita pasensya kana ah!" Bigla akong lumapit kay amy at binigyan siya ng mahigpit na yakap at halik sa may noo lang.

"Ikaw huh! Nakailang tawag pa si tita sayo bago ka bumaba anyway free ka ba ngayon? Nais ko sanang magpasama sa mall eh may bibilhin lang ako na regalo para sa birthday ni Daddy tomorrow , tita punta po kayo bukas ah pati sila rozian yayain mo na din jaydee" ani ni amy tumango nalang ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya ,anlambot talaga ng kamay niya at napakasarap hawakan.

Sobrang swerte ko at naging girlfriend ko siya hindi lang dahil sa maganda siya kundi napaka caring , honest at clingy niya din sa akin.

"Ano na babe? Titignan mo nalang ba ako ngayon? Baka naman gusto mong sagutin muna yung tanong ko kung available ka ba ngayon? Baka kasi may gagawin ka o hindi kaya maglalaro ka pa ng mobile legends" sabi niya pa na tila bay nagmamaktol , pinisil ko nalang yung napaka cute niyang pisnge bago nagsalita.

"Syempre naman babe I'm always available naman basta ikaw wait lang ah , magbibihis lang ako saglit upo ka muna dyan sa may sofa babe , babalik ako agad" ani ko sa kanya at mabilis na umakyat ng kwarto ko upanh kumuha ng damit tapos pumasok sa cr upang magbihis , well naligo naman na kasi ako kanina kaya magbibihis nalang ako ngayon.

Ayoko din pag intayin yung prinsesa ko nang napakatagal no? Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako kaagad.

Nawala naman ang ngiti ko nang makita ko ngayon si madie na nasa may bungad ng gate namin , anong ginagawa niya dito ngayon?

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now