IASWAK4

942 103 2
                                    

Coleen's Pov

Naglalakad na kami sa hallway patungong cr nang makasalubong namin ang isa sa myembro ng mortal na kaaway namin dito sa treston at yun ay walang iba kundi ang grupo nila yzabelle.

"Hey hey hey! Miho? What a small world indeed! Imagine mo yun nag iisa ka sa ngayon?" Sambit ni sheki at tinignan si miho simula ulo hanggang paa , ako naman ay napangisi na lamang sa kanya.

"Wala akong time para pag aksayahan kayo ng panahon kaya tumabi ka dyan sa dinadaanan ko!" Iritableng sambit nito kay sheki , napahalakhak nalang si brei at sheki dahil sa sinabi ng babaeng ito.

Pati ako ay nakisabay na din , lakas ng guts niya para sabihin iyun ah? Katulad ng kasintahan niya ay nagtatapang tapangan din itong hampaslupa na ito.

"Kung wala kang oras para pag aksayahan kami pwes kami madami kaming oras para bugbugin ka miho?!" nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko at halata sa mukha niya ang takot.

Akmang tatakbo na siya nang bigla siyang patidin ni brei , gumagapang na siya ngayon na tila bay gusto parin makatakas sa amin.

"Paano ka naging myembro ng D.Y gang kung lalampa lampa ka naman pala? What a waste member ah?" Wika ni sheki saka hinawakan niya yung buhok nito at iniangat, masama naman ang tingin niya kay sheki ngayon na siyang ikinatawa ko.

Gusto ko ang ipinapakitang katapangan nito gayung alam niya mismo sa sarili niya na may mangyayaring hindi maganda sa kanya bago pa man siya makalabas sa cr na ito.

"Paano hindi magiging kabilang yan eh jowa ba naman siya ng leader, sabagay maganda ka naman miho pwede bang akin ka nalang ah? Mas higit na mas better naman ako kesa kay Yzabel" Dinilaan naman ni sheki ang mukha ni miho at nabigla siya nang biglang sampalin siya nito.

Akmang susuntukin na sa mukha ni sheki si miho nang pigilan ko ito napatingin nalang siya sa akin na tila bay nagtataka.

Napangisi nalang ako at mukhang alam na niya yung nais kong sabihin at ipahiwatig sa kanya.

Mukhang nakaka excite tong araw na to ah , mukhang magagamit ko ng husto itong kamao ko.

Tinignan mo na namin yung paligid at buti walang katao tao ngayon dito kaya sinenyasan ko na si sheki at brei na hilahin siya patungong cr.

"Bitawan niyo ko! Somebody please help me! Heeelllllpp!" Pagpupumiglas niya habang hawak hawak siya ngayon nila sheki at brei.

Nakarating na kami ng cr at agad ko nang nilock yun , nagsisisigaw naman tong babaeng to na siyang ikinairita ko.

Agad ko na siyang tinadyakan at napahandusay nalang siya sa may sahig ng cr na ito.

"Anong feeling miho? Masakit ba? Kung ano ang ginawa ng grupo mo sa pinsan kong si cole ayun din ang gagawin ko sayo ngayon din bilang ganti!" Bakas naman ang takot sa mga mukha niya ngayon , kumuha na ako ng balde at pinuno ito ng tubig.

Nag paplano pa lang naman talaga ako ng gagawin kong paghihiganti pero mukhang pumapanig sa amin ang tadhana at nakita pa namin siyang nag iisa.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now