IASWAKS2C37

602 62 24
                                    

Author's Pov

Ting! Ting! Ting!

Unti unting iminulat ni coleen ang kanyang mga mata at may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Coleen? Oh my gosh! Sa wakas ay nagising kana din! Matutuwa sila na malaman ito ngayon, saglit lang at tatawagin ko ang doctor nang sa ganun ay malaman nilang gising kana!" Saad ni frances na masayang makita si coleen na gising na din sa wakas , mahigit isang buwan din siyang na comatose dahil sa nangyaring aksidente sa pagitan nila ni jaydee.

"Minho?" Mahinang sabi niya saka biglang tumulo na ang kanyang luha hindi niya alam kung tama ba ang nakikita niya sa ngayon.

Na si frances ang una niyang nakita sa pagmulat ng kanyang mga mata , na akala niyang nagpakamatay dahil sa namatay ang kanilang anak.

Litong lito na siya ngayon na sanhi upang manakit ang kanyang ulo kung kaya'y napahawak siya doon, maya maya ay dumating na ang doctor at chineck na ang kanyang condition.

"Coleen? Does your head hurts a lot? Tapos may naaalala ka na parang nangyari sa totoong buhay tama ba ako coleen?" Tanong ng doctor kay coleen na ngayon ay namimilipit sa sakit na kanyang nadarama dahil sa mga memoryang nagsisipasok sa kanyang utak.

"Minho? Frances? Bakit mo pinatay si minho yung anak natin?" Naiiyak na sabi ni coleen kay frances na gulat na gulat sa sinabi ng kanyang kaibigan.

Napailing naman ang doctor dahil mukhang hindi pa nasasagot ni coleen ang tanong niya ay alam niya na agad ang sagot sa kanyang katanungan.

"Ahmm? Miss Trinidad? Dahil sa na comatose ka nga ng mahigit isang buwan ay ang lahat ng naiisip mong nangyari ay isa lamang panaginip at ilusyon? At cause lang yun ng shock? Maaari mong ipainom sa kanya ito iha nang sa ganun ay medyo manumbalik yung mga memorya niya , yung totoong memorya niya at hindi yung pumasok lang sa isipan niya" mahabang aniya ng doctor saka iniabot ang gamot kay frances na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa din sa sinabi ni coleen.

"Thank you doc!" Pagpapasalamat ni frances saka tinignan ang phone niya tsaka tinext na din yung dalawa niyang kaibigan na sila brei at pinsan niyang si sheki.

"Si amanda? Nasaan siya frances? Buhay ba siya? Please sabihin mo sa akin anong nangyari?" Sunod na sunod na tanong ni coleen kay frances napangiti nalang ng pilit si frances sa kanya saka hinawakan ang dalawang kamay ni coleen.

"Buhay siya coleen? Kaya wag ka nang mag alala , magpagaling ka muna sa ngayon ah? At pag naka recover kana ay maaari na natin siyang puntahan at sabihin din sa iba na buhay ka" mahinahong sabi ni frances pero ramdam niya yung kirot sa kanyang puso , yung feeling na siya yung nasa harapan ni coleen pero si amanda pa din ang hanap nito.

"Waahhh!! Totoo nga! Sa wakas at gising kana din boss coco! Sabi ko na nga ba hindi talaga mamamatay ang masamang damo!" Biglaang sulpot nila brei saka sheki na hingal na hingal sa kadahilanan na tumakbo sila nang mabilis para makarating kaagad sa room ni coleen.

Sa kabilang building lang naman sila naninirahan sapagkat nagrent sila ng condominium doon nang sa ganun ay mabilis nilang mapuntahan si coleen.

Nasa Manila General Hospital na sila at hindi pa nga alam ni amanda hanggang ngayon pati si laney na kaibigan nito na buhay si coleen.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now