IASWAKS2C3

592 55 3
                                    

Coleen's Pov

Panay lang ako tingin sa may transferee na walang sawang sulyap ng sulyap kay amy, pag ako nabadtrip sa kanya ngayon ay for sure dudukutin ko yang mga mata niya.

Napahawak nalang ako sa may batok ko argh kailangan kong kontrolin ang sarili ko sapagkat nangako na ako kay amy na hindi na ako gagawa ng kung ano ano man ngayon na din na graduating na kami sa college.

Maya maya ay tumunog na yung bell kasabay nun ay ang pagtayo ko ngunit napasimangot naman ako nang magpunta si amy dun sa transferee na yun na panay pa cute lang sa kanya kala mo pogi eh no?

Pogi siya sa paningin ng iba pero sa akin? Tsk mas lamang naman ako kahit papaano sa kanya at tsaka yung buhok niya lang na mala lalaki ang nagpalakas ng appeal niya slight lang ah.

Hindi ko siya pinupuri or kung ano sapagkat naiinis ako sa pagmumukha ng tukmol na ito.

"Coleen?! Kumalma ka sapagkat childhood bestfriend yan ni Amy si gabbo at nakakagulat lang sapagkat saktong naging kaklase natin siya" sabi naman ni laney sabay tapik niya sa may bandang likuran ko upang kumalma ako kahit papaano.

Lumapit naman na ako dahil hindi ko na talaga nagugustuhan na nag kakausap sila , hmp sabihin na nating close sila , okay gets ko yun at naiintindihan ko iyon pero hindi naman pwedeng maging malapit sila sa isa't isa kagaya nang natutunghayan kong pagyayakapan nila.

Hinila ko na agad si amy nang sa ganun ay kumalas na sila sa pagkakayakap sinamaan niya naman ako ng tingin at ako naman ay pinanlakihan lang siya ng mata.

"Ah baby si Gabb nga pala , my childhood bestfriend siya yung sinasabi ko sayo dati na matagal ko nang hindi nakikita" maiinis na sana ako pero may pa baby ang tyang amy niyo , imbes na mainis ako sa kaharap ko ngayon ay nabalot ng kilig yung katawan ko.

Gusto ko siyang halikan ngayon at ipagsigawan sa lahat ng tao dito sa classroom na akin lang tong babaeng to.

Akin lang siya at walang pwedeng umagaw pwede kang tumingin pero mainggit ka nalang sapagkat nasa akin na tong babaeng to at walang pwedeng umagaw sapagkat makakapatay ako.

"Ah okay?" Walang gana kong sagot sa kanya at tsaka hinawakan ang kamay niya nang sa ganun ay malaman nitong gabb na eto na taken na si amy.

Hindi yung napakalagkit niya pang tumingin sa fiancee ko hindi porket kaibigan siya nito ay pwede niyang tignan si amy ng parang may pagnanasa .

Oo maiisyu ako pero hindi niyo ako masisisi kung ganito ba naman kaganda yung kasintahan mo ay baka isako mo na siya at itago mo nalang siya nang sa ganun ay walang makakita sa kanya.

"Hi I'm Gabb! What's your name?! Hindi ko akalaing may jowa kana pala amy ah congratulations sa inyo" masayang sabi niya ngunit nahahalata ko sa mga mata niya na hindi siya masaya , pinanganak akong manghuhula kaya lahat ng mga sinasabi or nasa isip ko ay madalas tama hahaha

"Im Coleen Trinidad , fiancee ni amanda,. Nice to finally meet you Skribikin!" Sabi ko sabay kinuha na din yung iniabot niyang kamay niya at nagkamayan kami.

Gusto kong pisilin yung kamay niya dahil mainit talaga ang dugo ko sa kanya kaso baka pag awayan pa namin to ni amy kaya kontrolin ang emosyon coleen.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now