IASWAKS2C28

413 75 18
                                    

Author's Pov

Kasalukuyang nakahiga lang si amanda sa may kama niya at hindi siya mapakali sa kanyang pagkakahiga , tumayo siya at tsaka nagtungo sa may kusina upang magtimpla ng gatas upang mawala ang iniisip niya at tsaka makatulog na siya dahil madaling araw na din.

Sa bawat pagkuha niya ng gatas sa may garapon ay naaalala niya na naman yung moments na lagi siyang pinagtitimpla ni coleen ng gatas sa tuwing hindi siya makatulog.

"Argh! Erase! erase! Mas lalo akong nababadtrip sa nilalaman ng isipan ko! Amy naka move on kana kay coleen at hindi na masyadong masakit na makita mo siya ulit okay?" Aniya niya sa kanyang sarili saka naglagay ng asukal sa may baso na may lamang gatas saka dahan dahan iyong ininom kahit mainit pa nga iyun.

Napatigil naman siya sa pag inom ng gatas nang makarinig siya ng tunog na nanggagaling sa cellphone niya kaya napabalik siya kaagad sa may kwarto niya at agad na sinagot iyun.

OTPC

"Hello A-amanda! Gosh patungo kaming hospital ngayon! Kasi si cody inaapoy ng lagnat at hindi ko na alam ang gagawin ko!"

"Huh? Paanong nangyari yun? Saan mo siya dadalhin na hospital ate miho?"

"Sa Merville Medical Hospital Amanda! Malapit na din kami dito! Ipapa VVIP ko nalang siya para makadiretso ka din dito!"

"Papunta na ako dyan ate miho!"

"Amy? Don't forget na magtalukbong ah baka may makakita sayo incase dito!"

"Ate miho? Wala na akong pakealam pa doon! Pupunta ako dyan nang walang harang ang mukha! Oh sige na at aalis na ako!"

"Sige mag ingat ka amy! Si Gabb papunta na din dito sapagkat nasabihan ko na siya!"

EOTPC


Sa sobrang pagkabigla ni amy sa kanyang nalaman ay nanginig ang kanyang kamay na sanhi upang mabitawan niya yung basong hawak hawak niya.

"Aahhhh!" Sigaw niya saka dali daling hinawakan yung bandang paahan niya sapagkat nasugatan siya at napaso din nung nalaglag ang baso.

Pero hindi naman niya ininda yun sa halip ay dali dali niya nang kinuha yung susi ng sasakyan niya saka pumunta sa labasan at sumakay sa sasakyan.

Nakasuot lamang siya ng pambahay na sobrang nipis kung makikita niyo at halata sa kanya ang sobrang pag aalala sa kanyang anak na si cody.

Fast forward ay nakarating na siya sa hospital at dali daling nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang anak without minding yung mga taong nakapaligid sa kanya.

Ang nag ma matter lang sa kanya ngayon ay ang makita ang kanyang anak at kung ano na ang kalagayan nito.

Pagbukas niya ng pinto ay agad na siyang lumapit sa kanyang anak at hinawakan ang kamay nito sapagkat madaming nakatusok sa kanya na paraphernalia.

"Ate miho anong sabi ng doctor? Anong meron kay cody at bigla lang siya nilagnat ng ganito?" Nag aalalang tanong ni amanda sa ate niya saka pinalapit din sa kanya si zai na nag aalala din para sa kanyang kapatid.

"A-ah amy? Sabi ni doc ay may dengue daw si cody , marahil ay dahil sa nagtungo ang mga batang estudyante kanina sa fish pond at kung saan saan pa kaya posibleng nakagat siya ng lamok" malungkot na aniya ni miho sa kanyang kapatid saka lumapit ito sa kanya.

"Damn! Paanong ang bilis naman ng epekto sa kanya nun?" Di makapaniwalang sabi ni amy dahil bakit nga naman parang kay bilis ng pangyayari.

"Napag alaman ko din na mahina lang daw ang metabolism ni cody kaya mabilis siyang kinapitan ng dengue at isa pa sa bad news ay walang donor ng dugo para sa kanya! Sapagkat Ab negative siya at isa yun sa rarest blood amy! Alam kong alam mo na ang ibig kong sabihin!" Napalunok naman at bakas sa mukha ni amy ang pagkalungkot dahil sa sinabi ni miho sa kanya.

"Fudge!!!!" Napapahawak sa may ulo na sabi niya saka niyakap din si zai nang mahigpit.

"Amy kailangan na masalinan ng dugo si cody sapagkat maaaring maging kritikal ang buhay niya!" Dagdag muli ni miho sa kanyang kapatid,. Napatingin naman sila nang sabay kay jhoe na nandito din nang bigla itong tumayo saka akmang bubuksan na ang pinto.

"Oh jhoe? Saan ka pupunta?" Tanong ni amanda sa kanya saka napayuko naman saglit si jhoe.

"Need ng dugo ni cody diba? Amy? I know na magagalit ka din sa akin sa gagawin kong ito but this is the only way na maililigtas natin ang anak mo? Ang anak niyo to be specific! Kailangan malaman na ni coleen ito amanda!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ni jhoe kung kaya ay napatingin sa kanya si amanda na tila bay hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"Pati ba naman ikaw jhoe?" Napataas na din ang boses niya dahil doon saka napailing iling , bigla namang sumingit sa usapang muli si miho.

"Amanda! Please lang! Jhoe , you may go na and ask help kay coleen! Tell her the truth and everything! Gawin mo ang lahat para makumbinsi siya at mapapunta siya dito sa lalong madaling panahon!" Nagmamadaling umalis na si jhoe dahil nga pinayagan na siya ni miho sa nais niyang gawin habang si amy naman ay hindi makapaniwala sa sinabi din ni miho.

"Ate miho!" Pagtawag niya sa pangalan ng kanyang ate ngunit pinigilan naman siya nitong magsalita pa.

"Please lang amanda? Para kay cody oh! Hahayaan mo nalang ba na mamatay yung anak mo dahil sa ayaw mo lang na makilala sila ni coleen?" Napatingin si zai kay amy na tila bay nagtataka sa pinag uusapan ng kanyang mommy at tita.

"Hindi naman sa ganun ate" tugon ni amanda sa kanya saka tinakpan ang tenga ni zai upang hindi marinig ang usapan.

"Amy? Tama na ang pagmamatigas mo? Eto na yung tamang oras para doon at wala ka na dapat pang isipin kundi ang makakabuti sa anak mo" aniya nito saka binigyan ng yakap si amanda sapagkat alam niyang nasasaktan din ang kanyang kapatid.

"I know! Nasasaktan ka at may karapatan kang mag ka ganito pero amy? Kailangan na ni cody ang dugo ni Coleen kahit ikaw hindi mo maidodonate ang dugo mo sa anak mo sapagkat hindi naman kayo ang magka match amy" mahinahong sabi ni miho kay amanda tuloy tuloy lang naman ang pagbuhos ng luha ni amy habang nakatingin ng diretso sa anak niyang nakahiga sa may kama.








A/N: Short Ud🥲 Argh! Ang lungkot ni kashi amy sa live niya! Anyway bukas na ang head up! At dahil dyan! May pa ayuda ako for CocoTyang!

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now