IASWAKS2C7

493 55 6
                                    

Coleen's Pov

Bigla akong nagising sa kadahilanan na biglang tumunog ang aking cellphone , halos mapatayo naman ako dahil doon pero agad akong nagtalukbong ng makita ko ang sarili ko na nakahubad.

"Damn it!" Mahinang aniya ko at nabigla naman ako nang biglaang bumukas ang pintuan at iniluwa ang medyo nakangiting si Frances.

Pinagpupokpok ko yung sarili ko dahil doon , anong pumasok sa isip mo coleen at hindi ka nakapag pigil ha? Si Amy? Pag nalaman niya tong ginawa ko o namin siguradong masasaktan ko siya.

"Do you regret it?! Yung nangyari sa atin kagabi coleen?! Tell me yes or no?!" Walang emosyong saad niya sa akin, napatingin naman ako sa may sahig dahil doon at tsaka dahan dahang pinulot yung damit ko at isinuot na yun.

Tahimik lang ako dahil nagbibihis ako ngayon , lumapit naman siya sa akin na medyo nagpakaba sa akin.

"Ginusto mo ba? Or napilitan ka lang?! Be honest coleen! I give you all?! Pati yung iniingat ingatan ko kaya please! Tell me?! Ginusto mo ba o aksidente lang ang lahat?!" Medyo naiiyak na tanong niya sa akin hindi naman ako nakasagot dahil doon.

Inayos ko na yung damit ko at akmang kukunin na yung bag ko nang biglang umupo siya bigla sa may sahig habang nakahawak sa kanyang mukha na humahagolgol sa iyak.

Hindi ko naman maiwasang hindi maawa sa kanya , gosh si amy kanina pa tumatawag sa akin.

Kailangan ko nang umuwi at hinahanap niya na ako , ni hindi ko man lang siya nasundo kagabi sa party.

"Yes I regret it! Maling mali frances im really sorry but si Amy lang ang tanging mahal ko at nais kong mahalin hanggang sa huli , patawad!" Sabi ko sa kanya, gusto ko siyang yakapin ngunit hindi maaari kasi nga hindi maitatama ang isang mali kung dadagdagan ko pa ng isang mali.

Iniwan ko na siyang luhaan dahil doon at tsaka hinawakan ang doorknob , nanginginig naman ang kamay ko habang hawak ko iyun.

Damn! Grab it and go coleen! Mali ka na nga na natukso ka tapos parang ayaw mo pang umalis?! Damn coleen use your freakin mind! Do it na.

Aniya ng utak ko na nag aaway na ngayon pero sa huli mas pinili ko nalang na umalis.

Kanina pa ako hinahanap ni amy kaya need ko nang makauwi sa bahay , baka nag aalala na yun sa akin kasi nga nakailang missed calls na din pala siya mula kagabi.

Fast forward nakarating na ako sa may parking lot ng condominium at dali dali na akong sumakay ng elevator , may dala dala akong donuts ngayon para kay amy.

Alam kong nagtatampo yun sa akin kaya need kong bumawi sa kanya , argh yung ginawa ko?! Hindi na mawala wala sa isipan ko.

Gosh coleen napaka tanga mo? Alam mo yun?? Anong mukha nalang ang ihaharap mo kay amy?! Pag nalaman niya yun huh? Anong mukha coleen?

Napatigil naman ako sa paglalakad ko ng makita ko si amy kasama si gabb sa may harap ng condo namin, bigla namang nag init ang ulo ko dahil sa aking nasaksihan , ang gandang bungad sa umaga huh?!

"Gosh Love?! Bakit ngayon ka lang? Hindi mo alam kung gaano ako sobrang nag alala sayo?!!" Nag aalalang sabi ni amanda saka niyakap ako , nakatingin lang ako ng walang emosyon kay gabb na may dala dala pang donuts din.

So alam niya rin na favorite food ni amanda ay donuts?! What the heck? Hindi niya ba nakikita na mayroon ng kinakasama si amy? F I A N C E ! May fiance na yung tao hindi ba pwedeng lumayo layo na siya dun?

"Anong ginagawa niyan dito amy?" Medyo iritang tanong ko habang nakatingin lang kay gabbo ng diretso napangiti naman siya ng nakakaloko sa akin.

"Chill bro?! Amy was just asking for a favor na ipahanap ka kasi hindi ka pa daw nakakauwi simula kagabi nung maihatid ko siya dito sa condo niyo" mahinahong sabi niya sa akin ewan ko ah pero biglang kumulo yung dugo ko sa aking narinig , bakit naman sa dinami dami ng tao na pwedeng maghatid kay amy ay siya pa? I don't trust her!

"So ikaw ang naghatid sa kanya huh? Anong karapatan mong ihatid siya? Eh kasama niya naman sila jake at laney para ihatid siya pauwi?!!" Medyo inis kong sabi sa kanya , nilapitan naman ako ni amy saka hinawakan ang aking kamay upang pigilan na sa pagsasalita.

"Coleen?! Gabb was just trying to help me kasi sobrang lasing na din sila laney at jake at si gabb na din mismo ang naghatid sa kanila" aniya naman sa akin ni amy na mukhang nahihiya na ngayon dahil sa inaasta ko sa kaibigan niyang napaghahalataan ko na may gusto sa kanya.

First day palang ay nababadtrip na ako sa pagmumukha ng gabbo na to talaga.

"Kahit na---"

"Eh kung sana pumunta ka don? Edi sana ikaw ang naghatid kay amy pauwi diba? Saan ka nga ba? At hindi mo sinipot ang girlfriend mo?! Hmp fishy!" Rebat niya naman na mas nag boost sa galit at inis na aking nararamdaman , agad ko na siyang kinwelyuhan dahil doon at inambahan ng suntok.

"What did you say huh?! Kung ingodngod ko kaya yang pagmumukha mo sa sahig ng malaman mo kung sino ang kinakalaban mo?! Alam mo matuto kang ilugar ang sarili mo huh?!" Galit na galit na sabi ko habang nakatingin lang ng diretso sa kanya , abay inuubos niya ang aking pasenya.

"Coleen stop it!" Pagpipigil naman ni amanda sa akin, hindi pa din ako tumitigil sa pag higpit ng pagkapit ko sa kwelyo nitong bida bida na to.

"Alam kong lumugar pare?! Pero yung ginawa mong pang iindian sa fiance na sinasabi mo? Hindi makatarungan yun? Tapos ako na tong nagmagandang loob na ihatid siya , sa akin ka pa talaga galit?!" Rebat niya naman sa akin halata na ang galit din sa kanyang mga mata at sa mukha niya din.

"Kaibigan nga lang ba ang gusto mo huh gabbo?? Dahil alam kong hindi!" Niyugyug ko na siya dahil doon, kung hindi lang ako nagpipigil ngayon baka kanina ko pa siya nasuntok.

"Coleen please stop it okay?! Bakit ba pinapalabas mo na si gabb ang may mali huh?! Tinulungan niya lang ako at wag mo kaming iniisyuhan kung yan ang nasa isip mo" aniya naman ni amy napabitaw nalang ako sa pagkakapit ng mahigpit dito sa mukong na to dahil doon.

"So kinakampihan mo siya?!" Inis konh tanong sa kanya , napayuko naman siya sa akin na tila bay parang medyo natatakot na din.

"Wala akong sinabi---" hindi niya na natapos yung sasabihin niya nang bigla akong pumasok sa loob saka nagsalita ng malakas.

"Fine!" Huling sinabi ko saka pumasok na sa loob ng condo unit namin agad na akong nagtungo sa may kwarto namin at agad na nilock iyun at pinagsusuntok yung pader sa sobrang galit.








A/N: Daily Ud tayo dito😊 Goodnight pala guyz❤️

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now