IASWAK37

746 92 7
                                    

Frances Pov

Nasa batanes na din ako ngayon narinig ko kasi na may sinabi si jaydee na she will kill coleen kaya kinabahan ako.

Nakasunod lang ako sa kanila mga armadong tao ang kasama ni jaydee ngayon at sobrang kabado ako nagpatawag na din ako ng ga pulis dito ngayon.

Nag iingat ako ng sobra ngayon baka kasi may mamakita sa akin edi mas nauna pa akong na deads nun pag nagkataon , nakarating na sila sa isang lighthouse at tanaw ko na din sila coleen sa taas.

Hindi naman masakit eh no? Nakita mo yung taong mahal mo na kayakap nang iba at mukhang masayang masaya sila ngayon.

Ilang putok ng baril ang narinig ko , kasabay nun ang paghandusay ng isang guwardya na mukhang nagbabantay doon sa may lighthouse.

Napadial ulit ako ng number ng police station dito sa batanes dahil kailangan na kailangan ko na ng tulong nila ngayon bakit ba ang tagal tagal nila?

Fudge makakapatay talaga si jaydee sa lagay na to , unti unti na akong lumapit nang pumasok na sila sa loob at mukhang papunta na sila ng taas upang tignan sila amy at coleen doon.

Nag uusap lang sila ngayon at nakikinig lang ako dito sa may bandang pintuan syempre nag dodoble ingat ako baka kasi may makakita sa akin ngayon.

Nanginginig na ako ngayon sa sobrang kaba ko , tatlong putok naman ang narinig ko ngayon , napatakip nalang ako sa may tenga ko ngayon sa sobrang takot ko.

Pagsilip ko ay duguan na si amy , sinigawan ni coleen si jaydee dahil sa ginawa niya kay amy na feeling ko para dapat kay coleen yung bala na yun.

Nagsapakan lang sila at nakakabawi si coleen nakatutok na din kay coleen yung mga baril ng tauhan ni jaydee na tila bay nag aabang nalang na senyasan sila ni jaydee na iputok na iyon kay coleen.

Nag aagawan sila ngayon ng baril at napatakip muli ako ng aking tenga ng biglang may pumutok na naman na baril , napaluhod si jaydee ngayon at akala ko siya ang natamaan ngunit nagulat ako nang makita na may tama sa may bandang tyan si coleen.

Nakatingin lang siya kay amy ngayon na para bang siya ang gusto niyang makita sa huling hininga niya , medyo na a out balance siya at nasa edge nga siya ng lighthouse which means maaari siyang mahulog.

At hindi nga ako nagkamali ngunit biglang napatayo si amy at hinawakan ang kamay ni coleen na ngayon ay nasa bingit na ng kamatayan.

"Hahhaahahahah" natatawang ika ni jaydee na ngayon ay nakaupo lang sa may sahig , baliw na ba talaga siya?

Gusto kong lumabas ngayon upang tulungan si amy na sagipin si coleen pero hindi ko magawa dahil nga baka mapahamak din ako pag nagkataon.

"Amu mahal na mahal kita at lagi mong tandaan yun ah , you need to let go of me na dahil nahihirapan kana" emotional na sabi ni coleen patuloy lang din sa paghikbi si amy ngayon na nasasaktan na din sa sobrang dami ng dugo na umaagos sa may kamay niya.

"No coleen please don't let go---" ani naman ni amy habang nakatingin lang sa baba kay coleen.

"I need to--" rinig kong sabi ni coleen kaya napaiyak nalang ako nang tahimik nang biglang sumigaw si amy at alam ko na nga ang nangyari.

"Coleeeen nooooo!" Naiiyak na sabi ni amy at nakatingin pa din sa may baba hanggang ngayon , nakarinig naman ako ng alingawngaw na paparating na ang mga pulis.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now