Chapter 1

440 12 5
                                    

Dance

"Bunny, what do you think? It's a good choice right?" I lazily asked my cat while sitting on my swivel chair in front of my study table.

"Napalampas ko naman na ang one week, do you think it's good to dump him na? Of course! He's too possessive! Nakakasakal siya! What do you think Bunny?"

Nakatingin lang siya sa akin gamit ang mapupungay na mata. Kaagad akong ngumuso. "Ang tamad mo! Kahit man lang 'meow!'  wala kang sinasagot! Puro ka lamon! Tamad na pusa!" masungit kong sabi bago talikuran siya at kinuha ang cellphone sa bedside table.

Nakita ko roon na uploaded na ang bagong dance challenge tiktok ko. At wala pang isang minuto nang marinig ang sunod sunod na notification. Umalingawngaw ito sa aking pandinig bago akong sumayaw muli sa saya.

"Oh my gosh bunny! I'm really famous now!" histeryang sigaw ko sa kwarto bago excited na binuhat ang aking pusa at inikot. Narinig ko ang sunod sunod na 'meow' niya kaya tumawa ako.

"Ito na talaga ang spotlight ko! Buti pinagpala akong dancer—aray!" natauhan kaagad ako nang matisod ako dahil sa gulong ng swivel chair dahilan para madulas ako.

Dumaing ako dahil ang sakit ng pang-upo ko. Inis akong umupo at tiningnan ang pusa kong naninindig ang makapal na orange na balahibo.

"Ikaw kasi! Kasalanan mo! Hayst!" naiinis na sabi ko bago siya bitawan at pinatay ang wifi ng cellphone ko.

"Jia! Dinner!" sigaw ng ate kong mas malamig pa sa yelo. Umirap ako sa hangin. Hindi siya sinagot. Aba manigas siya!

Hanggang sa umalis ang yapak niya. Siguro bumaba na. Bumuntong hininga ako bago inayos ang sarili ko. Nagpalit ako ng spaghetti strap tops at faded na denim shorts. Ang makeup ay pinanatili ko sa aking mukha. I don't care if mom's gonna scold me.

Nang makuntento ako sa sarili ay kinuha ko ang cellphone ko bago binitbit si Bunny. She's a girl okay?

Ang aming tatlong palapag na bahay ay mamahalin tingnan. Halos lahat ng makikita ay nakakabutas ng bulsa. Mula sa paintings, mga chandelier, ilaw, shelves, vases, staircase, walls, at iba pa ay aabot ng million. What can I say? E, iyong may ari nito masyadong elegante. In short, mayaman kasi.

"You will eat a lot tonight okay?" pag-aalu ko sa pusa ko na kanina pa ginagalaw ang cute niyang buntot. Niyakap ko siya ng mahigpit na halos hindi na siya makahinga.

"Nanggigigil ako sayo Bunny! Kung gawin kaya kitang siopao?" pananakot ko sa pusa ko at nilakihan pa ang aking mata bilang pananakot sa kaniya. Nag-ingay naman kaagad siya kaya tumawa ako.

"Of course not baby! Mommy will never kill you okay? Panggigigilan lang ng slight na slight okay? Iyong kurot lang." humagalpak ako nang tawa nang matantong, si Bunny na lamang ang nagpapangiti sa akin dito sa bahay.

Nang makarating ako sa dining table, as usual. Ako pa rin ang hinihintay. Bakit pa nila ako hinihintay? Hindi ba sila makakain ng wala ako? Wow, ha. Napakasweet. Note the sarcasm there.

Halos lahat sila ay tahimik, ang mga katulong ay nasa likuran ng hapag. Naghihintay lamang kung anong sasabihin ng kanilang amo.

"We are waiting for you for almost more than thirty minutes, Jia Asmin. You don't respect us?" ang matalim na boses ni Mommy ang umalingawngaw sa buong mansyon.

"Come on, Mom. Wala sa akin ang kaldero, kutsara, kanin, tinidor, ulam—"

"Jia Asmin!" Mom screamed. I sighed, defeated. Ang mga kasama namin ay nanonood lang sa amin. Tila kabisado na ang paulit ulit na drama namin ni Mommy sa tuwing kakain kami.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon