Chapter 47

258 7 1
                                    

Baby

"Your clothes are still there, you can pick anything you want." he said while I'm inside of his walk-in-closet.

Hindi ko na siya sinagot pa at pumili na lang sa mga damit ko. Gabi na nang makauwi kami, pagkatapos kasi ng kanta ay nagdesisyon na rin kaming umalis, masyado siyang paranoid na para bang ikamamatay ko 'yong ulan.

Nang makapalit ng pink korean floral casual dress, inayos ko na rin ang kabuuan ko. Hanggang tuhod ko itong dress, kaya pwede na rin sigurong gamiting pantulog. Gamit ko ang kwarto niya dahil nandito lahat ng gamit kong iniwan ko noon.

Nang matapos, lumabas na ako para tingnan si Denber. Inihatid niya kasi muna ako sa bathroom kanina, sa ibabang bathroom na siya naligo kanina. Baka nagluluto na 'yon ng dinner namin.

Sakto namang nakita ko siya nang magpunta ako sa kusina, he's just wearing a black sando and gray shorts. Kita ko tuloy ang hulma ng katawan niya, napalunok ako nang makita ulit ang tribal tattoo niya sa kaliwang braso niya. Napabuga ako sa hangin, why do I feel hot sudden? Required ba 'to sa mga buntis?

Umupo na kaagad ako sa isang silya, hinihintay na tuluyan siyang makaluto dahil gutom na ako. Napatingin siya sa akin, nang hindi ko siya pinansin, bumuntong-hininga siya bago pinagpatuloy ang ginagawa.

I'm so lost on myself. Parang kailan lang galit ako kay Denber, nang makita siya ay naiinis ako, nag-away pa kami sa probinsya, pero sa huli sumama rin naman akong umalis, tapos tinataboy ko siya noong nasa mansion kami kanina, nang nasa sementeryo ako mas naging magulo ako, ang bilis magbago ng mood ko. Kanina ang clingy ko habang nagsasayaw kami, ngayon tinatamad naman akong pansinin siya.

Napanguso ako nang maglapag na siya ng pagkain.

"Gulay na naman. Ayoko ng gulay!" reklamo ko sa kaniya nang ibaba niya ang sauteed string beans and squash tapos 'yong bacon wrapped asparagus. Puro gulay! Mukha ba akong kambing?!

"Baby, it's healthy." mahinahong sabi ni Denber, bago ako tinitigan nang malamlam.  Ngumiwi lang ako bago nag-iwas ng tingin.

"Hindi na 'ko kakain." matabang na sabi ko. Ayoko ng gulay. Ayoko ng gulay!

"Jia come on, just eat." sabi niya, nang lingunin ko siya ay nakatingin na siya sa 'kin. Ngumuso lang ako bago hinarap ang inihain niya. Bigla siyang tumalikod at may sinandok na namang ulam. Mas lalong humaba ang nguso ko, kapag iyan gulay na nama—

"Fish Pochero. Do you want this?" he asked, before he put the plate in my front. Kanda iling na ako at pinipigilan ang paghinga ko. Nangunot ang noo niya nang tinakpan ko ang bibig ko.

"I-I don't want to eat that! Ang baho!" tinulak ko palayo ang platong may isda. Magsasalita pa sana siya nang maramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Muntik na akong matalisod, makalapit lang sa lababo. Napahawak ako sa magkabila nang dumuwal kaagad ako.

"Jia!" nag-aalalang tinig ni Denber at kaagad akong sinundan, patuloy pa rin ako sa pagsuka nang maramdaman ko ang pagsakop niya sa buhok ko at paghaplos sa likod ko. Patuloy pa rin ako sa pagduwal kahit sobrang sakit na ng lalamunan ko at ng tiyan ko.

I even made tears all the way doing this gross thing! Nanghihina akong nagmumog, si Denber na rin ang pumunas sa mukha at bibig ko gamit ang panyo niya. I can saw the worries plastered on his face. He even snaked his hands on my waist after it, all I can do is bring my weight to him. Sumandal ako sa dibdib niya matapos niyon.

"I-Is this part of the pregnancy, baby?" the vulnerable on his voice is visible. Nakayakap lang ako sa kaniya bago tumango. His rugged breathing brings me the assurance of him being nervous.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora