Chapter 29

115 5 5
                                    

Dead

Mula nang iwan kami ni Denber dito kanina, nagkagulo na.

Isang oras pa kaming nanatili roon ni Lachlan, tulala lamang ako at inaalu niya nang hindi ako matigil sa pag-iyak. Magpapalit na sana ako ng damit, para matanggal na ang wedding gown nang makarinig kami nang putukan ng baril sa paligid!

"Ms. Jia and Mr. Lachlan! Magtago kayo! Inaatake kami ng tauhan ni Hudson! Sa tingin ko ay nalaman na niyang kasabwat ako ng mga Smith's!" sigaw ni Kuya Lewis, rinig ko pa ang pagkasa niya ng baril at pagtawag ng back-up mula sa mga Smith's yata.

"Jia!"

Hinila kaagad ako ni Lachlan, nakasuot pa kami ng pang-kasal. Inalalayan ako ni Lachlan kahit ramdam kong, hirap siyang itakas ako dahil sa mga paa ko. Papasok na sana kami sa isang silid, nang mula sa loob ay may sumabog dahilan para hilahin ako kaagad ni Lachlan palayo, at sabay kaming tumilapon sa nabasag na wall glass.

Puro sigawan na ng tao, usok, putukan ng baril at iba pang kaguluhan ang nangyayari. Kita ko mula sa lugar kung saan ako tumilapon ang pagdating ng armadong mga lalake, nangunguna roon si Kuya Lewis at Kuya Jovrei, ito na yata ang mga back-ups nila, habang nakikipagbarilan sa kumpulang tauhan ni Hudson.

Agad akong nagulat nang lumapit bigla sa akin si Lachlan at sapuin ang mukha ko. "Are you okay?" he worriedly asked.

"Mr. Tuanza! Tumakas kayo! Nanguha na ng attorney si Hudson! Padadaliin na niya ang kasal ninyong dalawa! Lumiko kayo sa kaliwang kalsada, sa may eskinita, may tatlong tauhang nag-aabang doon upang ilayo kayo rito!" sigaw ni Kuya Lewis.

Nataranta si Lachlan at kaagad akong inalalayang patayo, nakatayo naman ako pero hindi ako lubusang makalakad. Nanghihina na ako, wala na akong lakas para ipagpatuloy ito. Lalo na nang matumba ako at muntikang mapasalampak sa sementadong kalsada kung hindi lang ako sinalo ni Lachlan.

"Hold on, Jia. Kailangan nating tumakas. Baka bigla tayong pabalikin sa isla at ipakasal, kailangan nating makatakas ngayon, may pag-asa pang mailigtas ang pamilya mo sa isla dahil papunta pa lamang si Tito Hudson doon. Alam kong protektado na ni Kuya Edward ang pamilya mo." pag-aalu niya sa akin.

Nakinig ako sa sinabi niya, pero sa tuwing susubukan kong maglakad ay nabubuwal lamang ako. Kaya naman kaagad akong binuhat ni Lachlan upang makalayo. Ngunit ganoon na lamang ang gulat namin nang patay na ang tatlong sasalubong sana sa amin.

"K-Kuya Lewis! Namatay 'yong tatlong susundo sa amin!" sigaw ko, alam kong narinig niya ito. Rinig ko ang malutong na mura ni Kuya Lewis.

"Bumalik kayo! Baka mahuli kayo at ibalik sa isla! Mas mahihirapan si Kuya Edward na itakas ang pamilya mo kung pati kayo ay madamay pa roon!" sabi niya at rinig ko ang pag-utos niya sa mga kasama niya na sundan kami.

Liliko pa sana kami pabalik nang tamaan ng bala si Lachlan sa balikat, dahilan para pareho kaming matumba. "Lachlan!" nag-aalalang sigaw ko at tiningnan siya.

Mariin siyang nakapikit. "Run a-away!"

"I won't! You're bleeding!" natataranta kong sabi. Umiling siya. Ngunit bago pa kami makapagsalita nang marami ay hinablot na ako ng tauhan ni Hudson! Si Lachlan naman ay hinila nila.

"Don't you dare touch her!" galit na sigaw ni Lachlan sa mga humablot sa akin. Piglas ako nang piglas doon, pero walang magawa. Kita ko ang paghihirap sa mukha ni Lachlan. Napapikit ako nang mariin.

Narinig ko sa earpiece na nagagalit si Kuya Lewis dahil hindi kami nasundan nang pinasunod niya.

Naging mabilis ang pangyayari. Kaagad kaming pinalibutan ng tauhan ni Hudson, kaya naman bawat atake ng tauhan ng Smith's ay hindi kami makuha-kuha. Lalo pa't puro usok na ang paligid.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now