Chapter 5

142 9 0
                                    

Dilim


Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasiyahan sa pag-take ng quizzes. Paano ba naman, first time ko yata ang makakuha ng mataas na grado sa quiz.

"Himala at tila gising ang diwa mo ngayon, Rillachavez." anang professor ko. Ngingiti-ngiti naman ako sa kaniya.

"May inspiration po, sir!" biro ko sa kaniya. Nagtawanan kami bago nagproceed sa mga iba pang lessons.

Hindi ako sigurado kung matutuloy pa ba ang lunch na sinabi ko kay Denber pero sana naman. Lunch break na namin at ako ang huling lumabas dahil inaayos ko ang mga gamit ko.

"Gagi! Si Jia yata ang hanap!" rinig kong bulungan sa labas. Kumunot ang noo ko. Nang matapos ang ginagawa ay unti-unti akong lumabas. Nginitian ako ng mga estudyanteng nasa labas.

Ngumiti rin ako pabalik. Maya maya ay narinig ko ulit na nagbubulungan sila.

"Sasha! Try mong makipag-usap dali!" bulong ng mga babae sa isang kaibigan nila na dakilang malandi.

Inis na inis ako sa hitsura nila dahil parang wala silang pride! Nang matingnan kung sino ang pinagkakaguluhan nila ay halos irapan ko sila hanggang maglagas ang eyelashes ko!

Nakahilig si Denber sa malapit na railings, nakabulsa ang isang kamay at ang isa naman ay hawak ang kaniyang cellphone. Seryoso ang tingin niya sa cellphone, bahagyang nakayuko kaya naman ang kaunting hibla ng buhok niya ay tumatama malapit sa mata niya.

"Gosh! Wait lang parang mawawalan ako ng hininga!" maarteng sabi naman ni Sasha at pinaypayan pa ang sarili.

Bitch, hindi kayo ang ranta niyan. Ako!

Nang magsimula nang maglakad iyong si Sasha ay inunahan ko sa siya, halos rumampa na rin ako at pinapamukha na mas lamang ako sa kaniya. Humakbang ako pababa sa hagdan hanggang matanaw niya ako.

Ang seryoso niyang titig ay biglang nangunot noo, kaniyang ibinaba ang cellphone at umayos ng tayo. Paano hindi magtataka ang tingin niya sa akin, e para talaga akong rumarampa sa harap niya at ang sama pa ng tingin ko na para kay Sasha naman talaga.

Nang makalapit ako ay nginitian ko siya bago hinawakan ang braso niya. "Tara na sa planned lunch natin," medyo nilakasan ko para naman marinig nila. Nanatiling nagtataka si Denber at nakatingin sa aking kamay na nakasabit sa kaniyang braso. Magtatanong pa sana siya pero nilakihan ko ang mga mata ko at isinenyas na huwag munang umimik.

Hinila ko na siya palayo at bahagyang nilingon si Sasha na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nang makalayo kami ay binitawan ko si Denber at unti-unting humalakhak.

"Is your brain still fine?" he asked that in a low baritone voice. Tiningnan ko siya at nginitian. Nagsalubong ang kaniyang kilay dahil alam kong mukhang creepy ang ngiti ko ngayon.

"Oo naman! Malapit ko na ngang maperfect kanina ang quiz ko e! Bumilib pa yung professor kong panot," sagot ko. Napailing siya at napahawak sa kilay bago ako tiningnan bahagya.

"Kailangan ba lahat detalyado?" he asked. Proud akong tumango. Tumingin ako sa dinadaanan namin.

"Oo naman! Para naman hindi ka mahirapan kung sino o ano ang tinutukoy ko." sagot ko. Rinig ko ang halakhak niya. Fudge! Habang pinapakinggan iyon naninindig ang balahibo ko. Sa halip na pansinin ay binalewala ko iyon.

"Good influence ka, Denber. Perfect ka talagang maging kaibigan!" sabi ko sa kaniya. It's true, he's a good influence. Mas maganda na sigurong sa kaniya ako makipagkaibigan. Ayoko na sa mga babae baka mang-agaw na naman. Well, hindi natin alam kay Denber, paano pala kapag bakla siya in real? Or baka bisexual siya?

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon