Chapter 38

159 5 0
                                    

Still him

"What the hell happened to you?!"

Parang kidlat ang klase ng pagtanong ni Kuya Vilex, nang dumating ako sa bahay. Busy siya kanina sa pagce-cellphone sa sala, ngunit nang dumating ako ay halos magsalubong ang mga kilay niya.

"Kuya, cook for me." utos ko sa kaniya, pero hindi siya roon natinag. Tiningnan niya ang kabuuan ko. Alam kong nakakatawa ang hitsura ko ngayon, kung ano ang kagulo ko kanina ay mas magulo pa ngayon, mainit kanina at traffic sa edsa, nagtaxi lang ako dahil hindi ko na ma-contact ang driver.


"Asmin." matigas na wika ni Kuya, pero dahil sa pagod bumuntong-hininga na lamang ako. "I'll... I'll tell you later, just please, cook for me first." sabi ko kay Kuya bago dumeretso sa itaas.


Pagkarating sa kwarto ay kaagad akong naligo. Pinipilit kong iwasan na maisip muli ang mga nangyari kanina. Gustong-gusto kong kutusan ang sarili ko, dahil bigla na lang akong nag-outburst kanina. Ang haba-haba pa ng speech ko sa harap niya!



Pipikit-pikit ang mga matang hinila ko ang sarili ko papunta sa ibaba. I am just wearing my pajamas. Kanina pa talaga kumakalam ang sikmura ko. Tamang-tama pagbaba ko ay nakita kong naghahain na ng pagkain ang Kuya ko. May ilang katulong din na tumulong sa kaniya, ngunit kalaunan ay pinaalis na niya ang mga ito.



Kaagad akong lumapit sa mesa, napatingin sa akin si Kuya. Hindi pa rin nagsasalita, pero inihainan niya ako ng pagkain. Na-touch ako sa effort niya, akalain mo? Pinoy recipes pa talaga ang mga niluto, nga lang, puro gulay ang niluto, kakaunti lang ang may karne.



Nang mailapag niya sa harapan ko ay kaagad ko iyon nilantakan. Hindi ako tinanong ni Kuya, pero ramdam ko ang panunuri niya sa akin habang kumakain ako.



"Slow down, I won't take your food." mahinang aniya, pero nanatili pa rin ako sa pagkain ko. Hanggang sa bigla na lang tumayo si Kuya Vilex at umupo sa tabing upuan ko. Nagulat ako nang hilahin niya ang isang kamay ko, kaagad akong napatingin sa kaniya.



"What happened on your finger?" masama ang tingin sa akin. Ngumuso ako, bago nilunok ang nginunguya. "W-Wala." sagot ko, sabay hila sa aking kamay.



I heard him sigh.



Kita ko ang pagtayo niya, bago nagtungo sa harap ng ref, at may kinuha sa itaas no'n. Taka ko siyang tiningnan nang bumalik siya sa tabi ko, bago ilapag ang first aid kit.



"You're so careless." mahinang aniya. Alam ko. Bumuntong-hininga na lang ako habang pinapanood siya na gamutin ang sugat ko, may idinampi pa siyang cold compress.



Nang matapos ay hinayaan niya akong tapusin ang pagkain ko. Ako pa sana ang maghuhugas ng pinggan, pero siya ang nagpumilit kaya wala akong nagawa kung hindi ang panoorin siya habang nasa high chair ako.



"Kuya... Do you have a girlfriend right?"



Bahagya siyang napatingin sa akin, bago pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan. "Yeah, why?"



"You won't still...leave here in our house right?" I asked him.



"Are you thinking that I'll leave you and Papa?" he asked. Nang matapos siyang maghugas ay nagpunta siya sa harap ko.



"Hindi naman... Pero may posibilidad tama?" kasi iyon naman talaga ang totoo, one day, kailangan niya pa rin ang magsettle down katulad ni Kuya Vorge, paano pa kaya kapag lahat na silang Kuya ko? No, I'm not selfish. Siguro mami-miss ko sila.



Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Där berättelser lever. Upptäck nu