Chapter 6

123 9 3
                                    

Rejected

Unti-unti kong minulat ang mata ko.

Ramdam ko ang pamamanhid ng aking katawan. Ang pamilyar na amoy ng mga gamot at ang puting silid na kinaroroonan ko. Malabo ang aking paningin noong una pero maya maya ay luminaw na ito.

"Gising ka na hija!" napatingin ako kay Aling Jena, gulat na siya ang nagbantay sa akin dito. Lumapit siya sa akin bago hinawakan nang marahan ang aking kamay na may nakatusok na karayom dahil sa IV fluid.

Napadaing ako nang maramdaman ang pagkirot ng aking mga braso, nawala na ang pamamanhid dahil sa paggalaw ko.

"Huwag ka munang gumalaw nang masyado, Jia. Hindi pa hilom ang mga sugat mo." aniya at hinaplos ang aking noo, ramdam ko kaagad ang kirot sa bandang sentido ko.

"A-Ano po'ng nangyari?" mahina kong tanong habang inaalala ang nangyari kahapon. Ang huling alaala ko lamang ay iyong binato niya sa ulunan ko ang martilyo.

"Naaksidente ka hija,"

Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig at kaagad na tiningnan si Aling Jena.

"A-Ako po? N-Naaksidente?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Tumango siya bago inayos ang ilang hibla ng buhok ko.

"Oo, dalawang araw ka nang tulog dito sa ospital." mas lalong nabuang ako sa sinabi niya. No, this...this isn't right.

"Wala ka bang maalala hija?" tanong niya sa akin. Wala akong naisagot, hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganito. Paano? Paano naman ako nadisgrasya eh tandang-tanda ko pa kung paano ako nagkaganito!

"Pinaalis kami nang gabing iyon ni sir Hudson dahil may pinabili siya sa amin para sa malapit na selebrasyon nila ni ma'am Lauren, ang kanilang anniversary. Hindi nga rin po namin alam bakit sa ganoong oras pa ng gabi. Pero naiintindihan namin dahil mayroon namang bisita, siguro kailangan ninyo ng privacy kaya umalis kami." napatingin ako kay Aling Jena nang sabihin niya iyon. I still can't believe.

"P-Paano po ako naaksidente?" garalgal na tanong ko. Bumuntong hininga siya bago napaisip saglit.

"Alas diez na noong pauwi kami, nang tumawag si sir Hudson, sinabi niya sa amin na bilisan ang pag-uwi para may kasama siyang maghanap sayo. Nawawala ka raw kasi matapos ang pagkilala sa mga bisita, hindi mo nagustuhan iyong ugali ng isang panauhin kaya umalis ka gamit ang isang kotse. At iyon, nagpatulong kami sa mga police, nahanap ka sa isang kalsadang malapit lang din sa village, nabunggo mo yung malaking puno. Dahilan nang pagbasag ng mga salamin at pagbaon nila ito sa katawan mo kaya marami kang sugat. Buti at na-rescue ka raw agad,"

"N-No," naiiyak na sabi ko. How can that man fake what happened?! Paano niya iyon nagawa! Napakademonyo!

"Hija," ani aling Jena kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sila M-Mom po?" mahinang tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya bago napatingin sa wall clock ng aking kinaroroonan. "Wala sila hija, nasa trabaho. Ang mga kapatid mo naman ay binibisita ka ngunit may pasok sila kaya iniwanan ka muna,"

Pigil na pigil ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kalupit sa akin si Dad Hudson.

"A-Ano ang nakalap sa imbestigasyon?" tanong ko kay Aling Jena bago bumaling sa mga pasa sa katawan ko.

"Totoong disgrasya ang nangyari, hija. Wala naman silang ma-trace na mga kakaibang prints doon at hindi kita ng CCTV camera ang nangyari sa iyo. Basag-basag ang salamin ng kotse at malakas ang puwersa nang pagkakatama mo," aniya.

Then maybe he used a glove! Hindi nga siya nasayangan sa kotse na ginamit niya para hindi siya mabintangan eh! Naiiyak ako, sobrang bigat sa dibdib. Nakakainis.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon