Chapter 49

216 5 6
                                    

Books

"Galit ka ba?" tanong ko kay Denber.



Hindi niya ako pinansin at nakanguso lang habang pinapanood niya akong kumain. We're having our lunch in mall, request ko na rin dahil shawarma ang ranta ko rito.



"Denber naman, payag din naman ako sa gusto ni Papa." sabi ko bago kumagat sa shawarma. He just sighed, before cleaning the side of my lips with tissue.



"I'm not mad."



"Maghintay na lang kasi tayo, darating din naman ang araw na 'yon." pang-kumbinsi ko sa kaniya. "You think so?" he asked, I nodded.



"Papa is trying you for sure. At ayoko naman sa loob ng limang buwan, malaki na ang tiyan ko roon, mahihirapan lang ako." paliwanag ko. He nodded.



"It's okay. As long as I'll marry you." he finally said. I smiled at him. "Don't rush things." saad ko. Tumikhim lang siya.



"Who wouldn't be? I'm dying here to marry you." he added. I just giggled.



Kumain lang ako roon, ganoon din naman siya. Habang kumakain ako, ramdam ko ang bawat sulyap niya sa akin kaya hindi ko magawang hindi siya tingnan sa huli.



"Bakit?"



Umiling siya, bago inayos ang kinakain ko. "Do you want anything aside from that?" he gently asked. Umiling ako bago kumagat na naman sa kinakain ko.



"Really? Wala ka na bang gustong kainin?" tanong niya ulit, umiling ako. "I'm fine with this." sagot ko.



Bumuntong-hininga siya. "After this, let's go to our penthouse. Ipagluluto kita ng pagkain."



Kumunot-noo ako. "Ha? Kumakain na nga ako." sagot ko. And really, our penthouse? Pag-aari naming dalawa iyon? Umiling siya bago nilagay sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko.



"It's still good if you'd take a healthy food and a proper meal. It's for your own good and for our baby." sabi niya bago pinupunasan na naman ang gilid ng labi ko gamit ang tissue.



Napatitig ako sa mukha niya. Why is he so perfect? Parang gusto ko na lang siyang itago dahil ang daming napapatingin sa kaniya habang nasa mall kami. Nag-init kaagad ang ulo ko roon.



Tumayo kaagad ako na ikinagitla niya. "You're right! Sa penthouse na lang tayo." sabi ko kaagad at mabilis na naglakad. Naiinis kasi ako na ang daming babaeng nakatingin sa kaniya.



Akin lang 'yan!



"Hey, careful..." naramdaman ko ang paghapit ni Denber sa baywang ko habang naglalakad ako ng mabilis. Tiningnan ko siya ng masama, napalunok siya.



"Why?" he asked. Inirapan ko lang siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi naman niya kasi kasalanan bakit umaagos ang kagwapuhan at kakisigan ng katawan. He's indeed an attention stealer. At iyon ang kinaiinisan ko, ang daming naglalaway sa kaniyang mga babae. Girls are drooling over him.



"Baby, dahan-dahan lang..." mahinang sabi sa akin ni Denber nang bigla-bigla akong lalakad at titigil. Napabuntong-hininga ako.



Nang makarating sa penthouse, ganoon nga ang ginawa ni Denber. Nagluto siya ng pagkain namin, ang dami na namang niluto. Gusto kong tanungin siya, dahil obviously ay late na siya para sa trabaho niya, pero kita kong mas tinututukan niya ang paghahain sa akin ng pagkain.




Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon