Chapter 3

173 9 2
                                    

Unwanted

Pagpasok na pagpasok ko palang sa penthouse ay gusto ko na kaagad umiyak.

It screams wonderfulness! The wall theme is gray, black and white. Mostly sa lahat ng parte ay puti ngunit ang mga outlines at disenyo ng interior designs ay kulay gray at black. Living area ang una mong makikita at mula pa lamang sa leather sofa, halatang napakagandang quality na.

Ang flat screen ay malawak sa harapan, ang round table na babasagin, tanaw ang pagsilip ng ilaw ng mamahalin chandelier sa itaas na may extension pa na mga maliliit na ilaw. Dimmed lights ang bawat sulok ng pader kahit malakas naman ang ilaw ng chandelier.

May nakasabit na mamahaling paintings sa pader, may kakaibang halaman naman sa gilid ng bookshelf sa tabi ng TV. Carpeted pa ang mamahaling marmol na sahig. May mga babasaging estante sa sulok na pwedeng paglagyan ng mga abubot. Sa sliding door malapit sa pinto ay doon ang daan tungo sa malaking kitchen, kumpleto na nga talaga ang gamit. L-shape type. Malawak ang dining area niyon at neat tingnan.

Gusto ko pa sanang magpunta sa second floor ngunit nahiya naman ng slight ang dugo ko kaya inis akong umupo sa itim na sofa sa sala. Pati iyon ay hinaplos ko, nakakainis! Ako ang nauna pero iba ang kumuha!

"Matatanggal na 'yang bibig mo kakanguso mo," sabat naman ni Denber. Nang tingnan ko siya ay umupo na siya sa single black leather sofa habang hinahaplos ang kaniyang braso.

"Ang galing mong manakit," reklamo niya habang hinahaplos iyon. Umirap ako bago humalukipkip.

"So let's talk, get your things out and I'll buy this penthouse." I straightly said. Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa akin bago bumuntong hininga at tiningnan ako ng tamad.

He is wearing white sweaters and black khakis. Ang kaniyang buhok ay bagsak na minsan ay nasasagi na sa kaniyang mata. He's so looking good to-why the heck I am describing this nerd?!

"Ayoko," maikling sagot niya bago sumandal sa backrest ng upuan. Napatadyak na ako sa inis.

"I'll pay double times!" giit ko. He smirked.

"I don't care about your money." nang-iinis na sagot na naman niya. Halos malukot ang mukha ko doon at ilang gahibla nalang ng pasensya ay talagang sasabog na.

"Denber! Just fucking sell this damn penthouse to me!" galit kong sigaw sa kaniya. He hissed and glared me.

"Minumura mo ba ako?" nanliliit ang pasensyang tanong niya. Ha! Kahit kailan talaga hindi naging stable ang lagay ng dugo ko sa lalaking ito! Pati atay ko umalog sa ka-epalan niya!

"Pwede ba? Isang usapan! Pinareserve ko ito, ako ang nauna so please lang. Umalis ka na. Ako ang may-ari-"

"Pero ako ang naunang bumili. Damn Jia, ang lakas lakas ng bunganga mo. Nakakabingi ka." aniya at hinilot ang sentido. Pinikit niya ang kaniyang mata bago tumingala. Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin.

Bakit ba hindi ko maitanggi na gwapo nga talaga siya?

"Payagan mo na kasing ibenta sa 'kin ito, please Denber." hindi ko alam kung bakit lumambing ang tinig ko roon at gusto ko na talagang tumalon sa karagatan dahil hinuli niya ang paningin ko.

"I bought this first, Jia. Kahit anong pilit mo sa akin, hindi mo makukuha 'to. I need a shelter for my own." pagpapaintindi niya. Sinapo ko ang sentido ko bago nag-iwas ng tingin.

"Pero ito nalang ang last option ko.." mahinang sabi ko. Narinig ko ang mahabang buntong hininga dahilan nang pag-angat ng tingin ko sa kaniya. Seryoso ang kaniyang paningin na nakakapanindig balahibo. Gusto kong iwasan ang titig niya ngunit nahihipnotismo ako.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant