Chapter 19

115 7 0
                                    

Chase

From: Lachlan

Are you free later?

Umagang-umaga pa lamang ay text na ni Lachlan ang sumalubong sa akin. Sakalukuyang nasa loob kami ng kotse ni Denber, at papunta na sa unibersidad.

Bahagyang napatingin sa akin si Denber dahil dinig niya rin ang pagtunog ng cellphone ko. Napakagat siya sa labi, nais magtanong pero pinigilan ang sarili. Ramdam ko ang paghaplos niya sa kamay ko, na kanina pa niya hawak.

"It's a friend," sabi ko naman kaagad kay Denber, kahit hindi siya nagtatanong. Bumalik ang tingin niya sa akin bago tumingin ulit sa daan, kita ko ang pag-ukit ng ngiti sa sulok ng labi niya.

Napailing ako bago nag-reply kay Lachlan.

Me:

I'm sorry, I have no time. May kailangan akong puntahan mamaya. Mag-usap na lang tayo sa ibang araw.

Kahit pakiramdam ko na may kakaiba sa text ni Lachlan, binalewala ko pa rin iyon dahil ayokong pangunahan na naman ng takot ang utak ko.

"Denber..." mahinang sabi ko, nang hindi nakatingin sa kaniya kundi sa labas ng bintana. Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin nang bahagya.

"Hmmm?"

"Do you believe in true love?" wala sa sariling tanong ko. Alam kong natanong ko na rati ito, pero gusto ko muling pakinggan ang pananaw niya mula rito.

"Part of me says, no. But eighty-two percent part of me says, yes." sagot niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Ngumuso ako, habang nakatingin sa kalsadang puno ng polusyon.

"Why? Do you still not believe....on it?" he breathlessly asked me. Gentle caress from his hand calms me already.

"I don't think so. But, I want to believe it." sagot ko sa kaniya. Tama naman kasi na, hindi porket naranasan ng iba, mararanasan na ng bawat isa.

Maybe I was just so bitter about my parents. My parents because they had me, which is particularly mistake. Inaasam ko na, pagmulat ng kaisipan ko ay matunghayan kong nagmamahalan ang magulang ko. Pero ang inakala kong tunay kong Ama, siya pa mismo ang nananakit sa akin.

Akala ko, matutunghayan ko ang magandang pamilya. Pero ganoon na lamang ang panlulumo ko sa muling naisip, alam kaya ng totoo kong Ama na nabuo ako? Hindi ba't parang one night stand lang ang nangyari? Ano'ng dahilan? Ano'ng dahilan ni Mom?

"I can prove it you," mabining sabi niya kalaunan. Napatingin ako sa kaniya dahil doon. Humagalpak ako nang tawa, dahilan para mapatingin siya sa akin saglit at napakunot-noo, bago tumingin ulit sa dinaraanan namin.

"P-Prove? It's because I am your current present, Denber. Paano kung dumating ang araw na magiging alaala na lang lahat ng ito 'di ba?" sabi ko, natatawa pa rin. "Kahit na ano'ng pangako pa 'yan, kung lumipas ang oras, mare-realize mo na lang na, ayaw mo nang ipagpatuloy ang pangako na 'yon kasi hindi ka na magiging sigurado."

Tiningnan niya ako gamit ang naguguluhang mata. "What are you talking about?" he said, still perplexed. I bit my lower lip before trying very hard to avoid my lips to form a smile.

Huminga ako nang malalim at bahagyang humarap, hinawakan ko ang isa niyang kamay bago marahan na hinaplos. Softly caressing his protruded veins, and it's kinda attractive, and very manly.

"Time changes everything. Makapangyarihan ang oras, para baguhin lahat mula umpisa, Denber." mahinang sabi ko sa kaniya.

"Doon mo rin masusukat kung gaano katatag ang puso mo, na mahalin ang isang tao sa tagal ng panahon. Pero gaya ng sabi ko, nababago lahat iyon ng oras. Maaaring, determinado ka sa akin ngayon, tapos bukas, mararamdaman mo na lang na gusto mo nang umatras."

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon