Chapter 33

142 6 5
                                    

Appointment

"Where have you been?"

Unang tanong kaagad ng mga Kuya ko. Paano sila hindi magtataka? Natapos na ang opening at pag-announce sa partnership ng Walden at Smith!

"Why are you wearing flats?" si Kuya Vilex.

"Wait, why do you have a bruise on your ankle?" si Kuya Viston naman na nangusisa.

Nagsitanungan pa sila, at halos hindi ko masundan pa. "K-Kuya, ayos lang ako." sagot ko sa kanila. Nang tingnan nila ako ay hindi pa rin kampante sa sagot ko.

"Are you really okay?" Papa asked me. Kaagad akong tumingin kay Papa, sabay tango at ngiti. "Natapilok lang kaya...inagapan ko na."

"Hindi ba bagay sa suot ko, itong sandals?" tanong ko sa kanila, at dahan-dahan na ginalaw ang aking paa.

"No, it was fine. It looks good." Kuya Vrey complimented. I fight the urge to smile. Saan kaya 'to nakuha ni Denber? Baka sa kung sino-sinong babae?

"Where did you get that, by the way?" Kuya Vorge asked me. Doon ko lang napansin na nakatayo kami sa isang gilid. Marami pa rin ang mga tao, at may kaniya-kaniya nang ginagawa.

Nagkatitigan kami ni Kuya Vorge, nangangapa siya ng maisasagot ko, samantalang ang ibang Kuya ko ay tumutunghay na rin sa akin. Naghihintay ng sagot. Pero mabuti na lamang at agad na nagsalita si Papa.

"Boys, don't ask your sister like you're investigating her." napatingin ako kay Papa, he smiled at me. Napakamot sa batok ang mga kapatid ko.

"What if it's a man?" Kuya Vrey asked. Kumunot-noo si Papa. "Bakit, Vrey? Pagbabawalan mo ba kung ganoon?"

Tumikhim si Kuya. "Tss."

"Your sister is now a woman. I hope you understand that, ilang years na walang nanligaw sa kaniya dahil bantay sarado kayo sa kaniya." sabi pa ni Papa. At least may kakampi ako.

Rinig ko ang reklamo ng mga kapatid ko. "She's still young! She's just 27!"

Nag-argumento pa sila roon, pero sa huli, natahimik kami nang sabihin ni Papa na harapin na raw namin ang mga Walden sa VIP table. Nasa harapan kasi iyon, nasa ibang table rin ang mga nasa top ten na matataas na business. At habang naglalakad kami papunta roon, kumabog ang dibdib ko. Nakaupo silang lahat doon!

Kita ko pa roon si Viela. She's grown up now. Naging mature na rin ang pangangatawan, at magaling magdala ng suot. At ang mag-asawang Walden, oh fudge! Kinakabahan ako.

"Why are you trembling?" Kuya Vrey asked me. Siya kasi ang umaalalay sa akin habang naglalakad. Nang tingnan ko si Kuya ay napailing lang ako. Ramdam ko ang buntong-hininga niya.

"Don't worry, personal stuffs is out of business stuffs." bulong niya sa akin. Tumingin ulit ako kay Kuya, sabay ngiti ng pilit.

Nang makalapit kami ay ramdam ko kaagad ang tingin sa akin ni Denber. Maging ang pamilya niya. Kaagad silang tumayo.

"Nice to see you again, Mr. Smith." sabi ng Mommy ni Denber, bumati rin ang Daddy niya sa amin. Silang magkapatid ay ganoon din, pero kita ko ang pagpasada ni Denber sa kapatid ko na nakapaligid sa akin. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang, pinanggigitnaan ako ng mga kapatid ko, na parang binabantayan nila ako.

At hindi nakatakas sa akin, ang panliliit ng mga mata ng mga kapatid ko kay Denber. Alam ko namang alam nila na, siya ang nakaraan ko.

"Why don't you have a seat?" Mr. Walden said. Kaagad kaming umupo, still, nasa gitna ako ng apat kong magkakapatid. Napatingin ako kay Viela na tila nakakita ng multo. Akala ko magagalit din siya sa akin, pero napangiti ako nang ngitian niya ako at kawayan bahagya, iyong dalawa lang kami ang nakakapansin.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now