Chapter 35

152 5 8
                                    

Son

Hila-hila pa rin ako ni Denber, at hindi ako makapaniwala.

Mabuti na lamang at hindi pala ganoon si Denber. Pero habang naaalala ko kanina ang ginagawa ni Loire, hindi ko maiwasang hindi mainis. Bakit niya inuungol ang pangalan ni Denber? Nakakainis!

Napatingin ako kay Denber, nag-iinit ang pisngi ko dahil hawak niya ako sa pulso ko, may napapatingin man sa amin, hindi pa rin ako kumibo. Parang nagugustuhan ko pa ang nangyayari. Si Denber ay walang pakialam kahit pinagtitinginan kami.

Pero kung iisipin, may nangyari na kaya sa kanila ni Loire? Nanlumo ako sa katanungan ng isip ko. Hindi ko na itatanong pa, sigurado naman ako na may nangyari na. Hindi nga mukhang may itinatago silang relasyon ni Loire? Pero bakit nakikichugchugan si Loire sa ibang lalake?

Gusto kong saktan ang aking sarili. Kung ano-ano na lang ang iniisip ko! Nagagalit ako sa katanungang iyon. Ano naman kung may nangyari sa kanila? A man will always be a man. He only loves once but he get attracted with a lot of woman. Ganoon 'yon.

"Jia?" halos mapatalon ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Nakakunot-noo siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na tumigil kami sa elevator, at kami lang ang sakay nito. Halos magpeke ako ng ubo.

"U-Uh, may sinasabi ka?" tanong ko, pinilit maging matapang. Nag-iwas ako ng tingin, napatingin na lang ako sa metal sa harap namin. Pero sa sobrang kinis niyon, tila salamin na kaya naman kitang-kita ko ang pagtingin niya sa akin.

"I said, where have you been? You're nowhere to be found." aniya. Totoo kayang si Kuya Vrey mismo ang nag-utos sa kaniya? Pero bakit? Last time I checked, mainit ang ulo ni Kuya kay Denber ah?

"Nanood ng— I mean, naglibot lang." napapikit pa ako bahagya. Muntikan na, ano ba'ng pumasok sa kukote ko at muntik ko nang sabihin na nanood ako ng live show ng pornography? Hay, kagagahan nga naman hindi maalis sa dugo ko.

Kita ko ang pagtango niya, bago nag-iwas ng tingin. Napatingin tuloy ako sa repleksyon niya, sa sapatos niya kasi siya nakatingin. I bit my lower lip, gusto kong kapahin ang puso ko at patigilin sa pagtibok. Para kasing narevive ulit ito matapos mamatay, ngayon ko lang na naman naramdaman ang mabilis na pagtibok nito.

Maybe he changed, mula sa physical features niya dahil mas gumwapo siya. Pero ramdam ko. Ramdam ko pa rin na ang dating Denber na nakilala ko, bitbit niya pa rin hanggang ngayon. Sana nga lang.

"H-Hindi ka ba talaga nakipag-sex?"

Kung siya biglang napatingin sa akin, ako naman ay halos malagutan ng hininga. Hindi ko alam na ang katanungan sa isip ko ay lumabas na mula sa bibig ko. What?! Bakit ko inulit ang tanong?! Tinanong ko na iyan kanina ah!

"Why the hell are you asking?" nang lingunin ko siya ay namumula na ang tainga at leeg niya. Napangiwi ako at nagpilit ng ngiti.

"W-Wala lang. Sorry, para kasing may gumagawa ng milagro kanina sa isang office..." gusto kong takpan ang bibig ko, iyan. Kaya ayokong nagsasalita dahil walang kontrol ang bibig ko. Umigting ang kaniyang panga at nag-iwas ng tingin.

"I don't mix such things while in work. I'm a busy man." he answered. "Okay..." tila hindi ako kumbinsido. Kinutkot ko ang mga kuko ko kahit malinis. Napayuko ako.

Bakit nga ba ako ganito? Ano naman kasi kapag nakikipag-ano siya? I bit my lower lip. But he said he don't mix such things in his work right? So meaning, kapag wala na siyang trabaho saka lang siya—

"And for you to know... I didn't and won't have sex with other girls." paos na pahabol niya, bago bumukas ang elevator. Nag-ugat ako sa kinatatayuan ko. Kung hindi pa niya ako nilingon ay baka sumara na ang elevator, kaagad akong lumabas. Namumula pa rin ang tainga at leeg niya.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now