Chapter 21

117 5 1
                                    

Accident

Happiness can be a sign of danger, sometime. Some great old authors always say, happiness is the way next to tragedy.

Indeed, it is true. Habang nararamdaman ko ang kasiyahan kasama si Denber, nararamdaman ko na ang panganib matapos ang kasiyahan. Sa tingin ko, hindi pa ako handa.

"What's hard on making the datas huh? I said from the lowest to highest percentage! I didn't told you to just put the names randomly!" a supervisor yelled at me.

Na-assign ako sa isang malaking kompanya para sa unang araw ng internship. Marami akong kasamang ka-blockmates ko, ngunit hindi ko kasama si Denber. Halos pagtawanan ako ng mga ka-blockmates ko dahil sa narinig nila.

"Sorry, Mrs. Funtanilla," magalang na sabi ko sa matandang kanina pa ako pinapagalitan. Huminga siya nang malalim at hinilot ang kaniyang noo. "Repeat fixing again this datas, I need it in 30 minutes!"

Iyon ang huling sabi niya, umaalingawngaw pa sa kuwartong kinaroroonan namin. Napatingin tuloy ako sa maraming reports na nasa mesa ko. Sa kabilang cubicles naman ay nagtawanan ang mga kasamahan ko sabay iling.

"Unang araw pa lang, baka mabigyan na ng mababang grades." bulungan nila. Inirapan ko lang sila isa-isa. Bumuntong hinga ako bago nilunod ang sarili sa pagtra-trabaho.

Ang hirap pa lang magtino. Narealize kong, hindi na talaga ako basta dalaga. Marami na akong kailangang gawin para sa kinabukasan ko. Sumasakit ang ulo ko kaiisip.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon din ang nangyari, mas magaling akong maghandle sa ideas at mag-manage ng mga processes, kaya nga lang napapagtanto kong nahihirapan ako sa mga datos. Mahina ako sa words.

Gabi na nang makauwi ako, halos matulog na ako sa elevator dahil sa pagod. Hindi rin ako sanay sa paulit-ulit na suot kong for business attire, at mga high heels. Matamlay akong naglakad sa hallway.

Maayos naman ang takbo ng araw na ito. Medyo nagi-improve ako sa mga ginagawa ko, pero may mga kahinaan pa rin ako na hirap kong hilahin para mas magawa ko pa ito nang mabuti.

Paiba-iba ang kompanyang pinupuntahan per week, ang pinakamahirap lamang ay 'yong unang kompanya. Masungit kasi ang mga officers doon.

Pagbukas ko ng pintuan, napatingin kaagad ako sa kusina dahil may naaamoy akong nagluluto. Napangiti kaagad ako nang makita si Denber na nakaputing damit at pants lang, naka-apron ito at busy sa pagluluto ng kung ano. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko kaya nilagay ko ang bag ko sa mesa bago siya lapitan at yakapin mula likod.

Napatuwid siya bahagya dahil sa ginawa ko, ngunit kalaunan ay nagpatuloy sa pagluluto, ngunit ang isang kamay ay nasa braso kong nakakapit sa kaniya.

"Tired?" he huskily asked. I smiled widely.

"Nope, just a touch of your hug is enough. I'm recharged already." sabi ko sa kaniya, I felt his body shake. Narinig kong humalakhak siya.

"Kung pinapakilig mo 'ko, mamaya na lang..." aniya. "Baka mapabayaan ko ang niluluto ko kapag halikan ulit kita riyan," nakakalokong sabi niya sa akin kaya natawa ako at hinampas siya bahagya.

"Halik na naman, puro ka halik. Nakakarami ka na," sagot ko naman. Humalakhak muli siya at sinulyapan ako. "You don't know how much, I love kissing your lips." he said, grinning to me. Napailing na lang ako, adik nga talaga.

Matapos niyang magluto ay kumain na kami, nakakahiya man pero halos maging bata ako dahil mula paghain ng pagkain ko at pag-asikaso sa kakainin ko, siya lahat ang gumawa.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon