Chapter 17

120 4 6
                                    

Locked

"Masuwerte siya, dahil babae siya."

Madiin na sabi ni Denber habang nasa loob kami ng kotse niya. Ang sinabing susunod kaagad kami kay Mom, ay nauwi muna sa paggagamot niya dahil hindi siya mapakali na hindi nagagamot ang mga kalmot ng bruha na iyon.

I smirked, "And what if not?"

Tiningnan niya ako ng malamlam. "I would've punch her then," aniya bago tinapos ang paggamot. Igting ang kaniyang panga nang tinapos iyon. Tila may galit na hindi pa naaalis. Matapos niyon ay pinaandar na niya ang sasakyan, papunta sa sinasabi ni Mom na restaurant.

Ngumuso ako habang pinapanood siya na nakakunot noo lamang habang nagmamaneho. "May problema ka ba?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya bago umiling at niliko ang sasakyan. "Nothing..." he said as his hand approached my hand and caress it for a while. I smiled, and drifted my gaze away from him.

"Does your Mom have an idea about what happened to you?" he asked in the middle of silence. Napatingin ako sa kaniya. Diretso lamang ang tingin sa daan.

"No..." sagot ko. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya. "I know she knows already," he huskily said. Kaagad akong huminga ng malalim. "I think so, iyon ang sinabi niya kanina."

"She was so worried about you," aniya. Napatingin ako sa kaniya. Kanina ba iyon? "Paano nga pala kayo nagkita kanina?"

"Nakasabay ko siya nang papunta na sana ako sa Dean's office, dahil bali-balita sa paligid na naroon ka." sabi niya.

"She looks so worried as she whispered something on herself every minute. At doon, tinanong na niya ako bakit daw sunod ako ng sunod sa kaniya..." he chuckled. Napanguso ako, patuloy niyang hinahaplos ang kamay ko.

"And I told her about you, that I need to find you so that no one would blame you, and I have a proof. Doon siya naging interesado kaya habang papunta kami sa Dean's office, nakuwento ko ang simula ng lahat kung bakit kayo nag-away ni Loire."

"Inamin mo siguro kay Mommy na nagselos ako, kaya nagawa ko silang i-report!" I whined. Tumawa siya bago ako sulyapan at umiling.

"Galit ba sa akin si Mom?"

Umiling siya bago pinagpatuloy ang pagmamaneho. "She's not. Minura pa nga niya iyong mga nakaaway mo kahit halata na ikaw naman talaga ang may gawa ng simula," aniya kaya kaagad ko siyang nahampas.

"You're so nakakainis!" singhap ko habang lukot na ang mukha ko. Humalakhak naman siya bago nagseryoso kaagad.

"But...are you really jealous, that time?" he asked. Napatakip bibig ako at kaagad nag-iwas ng tingin. "Kung oo, mapaninindigan mo ba?"

"Bakit hindi? Kung gusto ko rin naman..." aniya. Nag-init ang buong mukha ko pero hindi ko na nagawang makasagot pa dahil kinakabahan na ako kung ano ang susunod na lalabas sa bibig namin. Mabilis pa naman ang tibok ng puso ko.

Though hindi ko maiwasang mapangiti dahil kay Mom. I'm just happy...for seeing her today. Kung makipag-away kaya ako palagi para puntahan niya ako?

Napasapo ako sa ulo ko, my god, baka itakwil ka na ng Mommy mo Jia kung palagi ka na lang may gulo!

Mabuti na lamang at naayos na ang gusot sa damit ko at maayos na rin akong tingnan. Paano ba, hindi lang ako ginamutan ni Denber, sinuklayan at inipitan pa kanina.

Paglabas namin sa kotse, kaagad niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ba siya nai-intimidate kay Mom? Mom is so fierce though. He looks so cool as he roamed his eyes around the restaurant.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now