Chapter 13

111 5 3
                                    

Baby

"Why aren't you answering my texts and calls, Jia?" he asked while driving.

"Busy ako. May tinapos lang na paper works." sabi ko bago kinuha ang cellphone sa bag. Nag-text kasi si Lachlan.

From: Lachlan

Mag-usap na lang tayo next time, Jia. Galit yata ang boyfriend mo.

Napakunot noo ako sa tinext niya.

From: Me

Hindi ko iyon boyfriend Lachlan, sorry nga pala kanina.

"Busy ka rin naman ngayon pero narereply'an mo 'yang ka-text mo." bigla ay sabi ni Denber kaya napatingin ako sa kaniya. Ibinaba ko ang cellphone ko. Kita ko ang higpit na paghawak niya sa manibela.

"Hindi naman ako busy ngayon ah? Wala naman akong ginagawa." panlaban ko naman. Sinulyapan niya ako gamit ang blangkong mga mata bago tiningnan ulit ang daanan.

"Kinakausap kita kaya busy ka." pirmi na sabi niya. Umirap ako sa hangin bago tumingin sa bintana.

"Akala ko hindi matutuloy ang pupuntahan natin?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Ramdam ko ang muling pagsulyap niya sa akin pero binalewala ko na lang iyon.

"What? Why it wouldn't?" he asked. Ngumuso ako bago pinagkrus ang aking braso sa aking dibdib.

"Kasi may tinuruan ka kanina. Akala ko overtime." sagot ko sa kaniya. Nang titigan ko siya ay magkasalubong na ang kaniyang mga kilay.

"What did you say?" he asked. Halos mag-usok na ang tainga ko dahil sa pag-uulit niya. Hinarap ko siya ngunit hindi man lang nagulat.

"Ang sabi ko, akala ko hindi matutuloy dahil may tinuruan ka kanina! Baka overtime! O baka nakalimutan mo na may lakad tayong dalawa!" sigaw ko sa kaniya.

"Sana hindi mo na lang ako inaya kung may uunahin ka pa pala!" pasunod ko pa bago alisin ang tingin sa kaniya. Malalim ang hininga ko habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Bakit galit ka?"

Of all the words, bakit iyan pa ang tinatanong niya?!

"Eh ikaw kasi! Paaya-aya ka pa, uunahin mo pa iyong Loire na iyon!" galit na sabi ko sa kaniya. Nang sulyapan ko siya ay nakataas na ang sulok ng bibig niya.

"Bakit ka ba ngingiti-ngiti riyan! Bwisit!" sigaw ko. Mas lalo siyang napahalakhak sa pagsigaw ko. Nang tingnan niya ako ay tuwang-tuwa ang mukha habang ako naman ay nagpupuyos ang galit sa kaniya.

"Alam mo?" tipid na tanong niya. Mas lalong nalukot ang mukha ko sa tanong niya.

"Ay hindi! Itanong mo sa Bunny baby ko at nang makakuha ka ng sagot." inirapan ko siya pero rinig ko pa ang maliliit na halakhak niya.

"Bakit ko pa tatanungin si Bunny, nandiyan ka naman." sabi niya. I hissed and stared at him.

"Hinuhugutan mo ba ako, Denber?" tanong ko sa kaniya. Saglit pa siyang napatingin sa daan bago ako sulyapan.

"Ano'ng hugot doon sa sinabi ko?" tanong niya pabalik. Mukhang wala talagang alam kaya bumuntong hininga ako.

"Wala, ang sabi ko kung nag-enjoy ka ba sa pagturo sa Loire na iyon," bitter na sabi ko sa kaniya. Nanatili na ang paningin ko sa daan habang siya naman ay ramdam ko ang bawat paninitig niya sa akin.

"No, I didn't. Hindi ko siya tinuruan," sagot niya sa akin kaya humalakhak ako nang mabagal bago sulyap sa kaniya na nakatingin sa daan.

"Utot mo mabaho. Akala mo maloloko mo ako? Rinig na rinig ko ang usapan niyo kanina sa library!" sabi ko sa kaniya. Napatingin siya bahagya sa akin.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now