Chapter 28

114 5 1
                                    

I love you

Pakiramdam ko, nakatulog ako nang mahabang panahon.



Paggising ko ay marahan na paghaplos sa buhok ko ang naramdaman ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Nasisilaw sa liwanag na nagmumula sa bintanang may puting kurtina.



"Thank goodness..."



Napatingin ako sa gilid ko. Gulat man, nahihirapan pa rin akong magsalita agad dahil pakiramdam ko, na-drain lahat ng enerhiya ko. It's Lachlan. Nakasuot siya ng puting tee shirt at gray shorts. Magulo ang buhok.



I roamed my eyes.



Nasa isa kaming malawak, at malinis na silid. Hindi gaya sa ginawang silid ko, mas makakahinga ka nang maayos. Nasa malaking kama ako, napatingin ako sa braso at kamay ko na nakabenda.



"I-Ilang oras akong walang malay?" mahinang tanong ko kay Lachlan. Huminga siya nang malalim. Nakaupo siya sa kama, malapit sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko.



"Isang linggo at dalawang araw ka nang walang malay, Jia."



Nanlamig ako sa narinig. One week and two days?! "H-Ha?!"



Muli siyang huminga nang malalim bago tumingin sa braso kong may benda. "Manwal ang paggagamot sa 'yo. Ayaw ni Tito Hudson ang manguha ng doktor dito sa isla. Kaya mabagal ang naging proseso sa pag-recover mo. Pero dahil narin siguro sa pagod."



Tiningnan niya ako bago napapikit nang mariin. "Sorry... I was late. Huli nang makahabol ako rito, nakita na lang kita ginagamot ng isang tauhan ni Tito Hudson. Si Kuya Edward."



I felt a pang in my heart. Isang linggo't mahigit... Ano'ng nangyari na sa Mommy at mga kapatid ko?



Pinilit ko ang tumayo. "S-Si Mommy-"



Kaagad akong tinulak nang marahan ni Lachlan pahiga ulit. "Don't worry, I checked on them."



"But Hudson maybe-"



"He won't hurt them again. I assure you that." he said. Umiling ako, muling namamasa ang mga mata.



"Nakausap ko na siya. We talked. Hanggang sa makasal tayo, huwag niyang gagalawin ang pamilya mo. Pumayag siya, pero ang bilin niya sa akin para huwag niyang abusuhin ang pamilya mo..." binitin niya.



"Ano?" tanong ko rito. He sighed.



"Pilitin kitang makasal sa 'kin."



I covered my face with my one hand. Ramdam ko pa rin ang sakit sa lahat ng natamaan ng bala sa katawan ko. Hindi ako lubusang makagalaw. Masakit pa rin, at nanghihina pa ako.



I guess I had no choice.



"I'm sorry, Jia... I know you love Denber so much. Pero nakasalalay dito ang buhay ng mga magulang natin..." sabi niya, nakatakip pa rin ang mukha ko.



"Hawak niya rin ang mga magulang ko. Hindi ko sila mahanap sa Manila. Marami kaming tauhan pero ang hirap makakuha ng lead. Akala ko talaga noong una...tama ang desisyong makipag-merge kami sa Rillachavez... I guess we made a mistake."



Sinalubong ko ang tingin niya. Kagaya ko, pagod na rin ang mukha niya. I cried.



I thought... I'm strong. But here I am, I end up crying, hopeless.



Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon