Chapter 20

135 6 2
                                    

Just kiss

"Saan ka ba nagsusuot, at puro sugat ka na namang umuwi?!"

Madiing tanong niya habang ginagamot ang sugat ko sa tuhod at kamay, gawa ng pagbagsak ko kanina. Ngumuso lamang ako at hindi na nagsalita pa, pinapanood ang pagkunot-noo niya habang seryosong ginagamot ako.

Marahan lamang ang paggamot niya, pero sa paraang pagtingin niya, minura na niya ang mga sugat ko. Nasa sala kami ngayon, nasa sahig siya at busy sa paggamot sa akin.

"Denber..." ani ko. Tiningnan niya ako at taka ang mga mata. "What?"

"Gutom ako, may naluto ka na ba?" nakalabi kong sabi, sabay himas sa tiyan ko gamit ang malayang kamay. I saw how he twist his lips as if there's something funny on what I said.

He nonchalantly shook his head and grin. "You're cute, when you're hungry..." he said before finishing his things on me. Nang matapos ay inayos na niya ang ginamit nag-lahad ng kamay sa akin.

"Come, I cooked for us. Let's feed your grumpy tummy." he teased me. Ngumuso lamang ako bago inabot ang kamay niya at sabay kaming pumunta sa kusina. Dumiretso ako sa isang high chair habang ibinalik niya sa taas ng ref ang first aid kit.

Tatayo pa sana ako upang tulungan siya sa paghain nang mapansin niya ako, "Sit. Ako na," tipid na aniya.

Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa kinauupuan ko, at panoorin ang bawat galaw niya. Naghain siya ng kanin, at nilutong Pork Afritada at chopsuey na naman?! Puro gulay!

Nakakaaya man siyang panoorin, dahil sa marahan na galaw niya at pag-aasikaso sa pinggan ko nang makaupo siya, napanguso ako dahil puro na lang gulay ang pinapakain niya sa akin.

"Gulay na naman?" nanghihinang reklamo ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin, at nakita kung gaano ako nanlulumo. Ngumisi lamang siya. "It's healthy, huwag puro karne."

Pinagpatuloy niya ang pagsandok ng kanin sa plato ko, nilagyan niya ako ng Pork Afritada pero mas marami ang nilagay na Chopsuey! Kaagad kong pinigilan ang kamay niya.

"Stop it! I don't want gulay too much." sabi ko, nakatingin pa lamang ako sa nagmumukhang bulak na whiteflower ay naduduwal na ako. Ayoko talaga sa whiteflower!

"Tch, ubusin mo lahat 'yan." sabi niya sa mahinang tinig, ngunit hindi naman galit. Naghain na rin siya ng kaniya at magkatapat kaming kumakain na.

"Ang dami kasing whiteflower," sabi ko at inilalagay sa gilid ng plato ko iyon. Kumain na rin ako at inupakan ang karne ng Afritada.

"What did you say?" he asked suddenly, after I swallowed my food. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at napansing, nakatitig ito sa akin, may pinagtatakahan.

"Ang ano?" nagtatakang balik-tanong ko sa kaniya. He chuckled before he pointed the whiteflower on my plate. Kumunot-noo ako bago ko ibalik ang tingin sa kaniya.

"Whiteflower. Ang sabi ko, ayoko niyan. Ang kulubot naman kasi," sabi ko at sandaling napatitig pa sa pagkaing nilalang na iyon, nang marinig ko ang halakhak ni Denber. Halos sumingkit na ang mata niya, at kitang-kita na ang biloy nito sa pisngi.

"Baby, it's cauliflower. Not whiteflower..." aniya at pinagpatuloy pa rin ang paghalakhak ng malakas. I pouted before continuing my food.

"Whatever," mataray kong sabi.

Matapos niyon, ay naligo na ako at hinanap si Bunny. Wala kasi siya sa kwarto kaya ang alam ko ay kung saan na naman ito nagpunta. Nakapatay na ang ilaw, iyong wall lights na lang ang bukas. Nasa study room na siguro si Denber dahil kita ko ang ilaw no'n sa ilalim ng pinto.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang