Chapter 41

275 6 8
                                    

Warning: Mature Content ⚠.

Sorry

Pagpasok namin sa loob ng bahay, namangha ako. This house is neat, nandoon na lahat ng klaseng gamit, ngunit maayos pa ring tingnan.

Simpleng sala lamang sa unang palapag, upuang gawa sa rattan at narra ang makikita, at kita ang kagandahan ng kalikasan sa labas dahil sa wall glass. May mga halaman din sa loob na namumulaklak ng iba-iba. Sa kabilang gilid ay kusina na may katamtaman ang laki, kompleto ang mga kagamitan.

At sa pagitan ng kusina at sala, nandoon ang hagdan pataas.

Ang kulay ng bahay ay white at gray lamang. Napakasimple pero ang gandang tingnan.

"Magpahinga ka muna, magluluto lang ako." sabi niya nang nasa loob na kami. Nilingon ko siya, tinanggal niya ang black topcoat niya, kaya ang naiwan na lamang sa pang-itaas niya ay ang white long-sleeved polo niya at ang maroon necktie.

"Do you have any room upstairs?" I asked him. Nilingon niya ako bago tumango. "Let's go." aya niya sa akin, bago kinuha ang maleta ko at nauna na sa paglalakad papunta sa itaas. Tahimik naman akong sumunod. Sa itaas, may dalawang pinto lang ang makikita, sa bandang kanan kasi ay balkonahe.

Dumeretso kami sa isang kwarto. Napakunot-noo ako, dahil nang buksan niya, pang-lalake ito. Ganitong-ganito rin kasi ang kulay ng kwarto niya sa penthouse niya. Inilapag niya ang maleta malapit sa malawak na walk-in-closet, may malaking kama, may TV flat screen sa harapan ng kama, at may isa pang pinto, na palagay ko ay malawak na bathroom. Wall glass din itong kwarto, may makapal na kulay abong kurtina lang kasing nakatakip dito kaya natatakpan ang magandang tanawin sa labas.

"Rest. Do you want me to fix your clothes?" parang normal na tanong niya, hindi nakatingin sa akin dahil binubuksan niya ang maleta ko. Pero kaagad akong tumayo at hinila palayo ang maleta.

"A-Ako na!" histerya na sabi ko. Namumula ang mukha, baka may makalkal pa siyang kakaiba. Nangunot lamang ang noo niya, pero nang mapansin siguro ang pamumula ng mukha ko, ngumisi siya.

"Alright. Do you want something for lunch?" he asked. Ngumuso ako bago nag-iwas ng tingin.

"Bahala ka kung ano'ng gusto mo!" naiiritang sabi ko. Hindi pa rin nawawala ang inis ko, ano'ng akala niya? Inirapan ko muli siya nang napailing siya sa akin habang ngumingiti.

"Ano'ng nginingisi-ngisi mo riyan?! Magluto ka na nga! Tabi!" nilampasan ko siya upang ako ang mag-asikaso sa maleta ko. Narinig ko pa ang tawa niya bago tuluyang lumabas. Nang ako na lang mag-isa, sinapo ko ang dibdib ko. Bakit ba ang hirap magtanim ng galit sa lalakeng iyon? Nakakainis!

Nang mabuksan ko ang maleta ko, mabuti na lang at maaayos naman ang nakuha kong damit, kaso karamihan ay puro pang office attire. Nagpapahinga lang ba kami rito? Tama. Baka mamaya papanhik na kami sa business trip talaga. Kumbaga stop over lang namin ito.

Nang pumasok ako sa walk-in-closet. Nagtaka ulit ako. Halos lahat ay okupado, maliban sa parteng puro damit ni Denber. Kaya roon ko ini-hanger ang mga damit ko at inilagay. Sort pa ang ginawa niya sa mga gamit niya, nakabukod ang mga relo, necktie, topcoats, sapatos, pambahay na damit, white long-sleeved polo, pants, jogging pants at iba pang makikita roon. Napakalinis niya talaga mag-ayos, parang tuloy naging basura ang mga damit ko na basta ko na lang isiniksik sa tabi ng mga damit niya.

Pero bakit sobrang dami naman yata ng damit niya? Mas marami ang tee shirts at pambahay kaysa sa office attire niya. Baliw ba siya? 'Di ba business trip nga ang pupuntahan namin? Napairap na lang ako.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now