Chapter 18

121 7 4
                                    

Chained

Inaya sila ni Denber na tumuloy sa penthouse para sa pang-gabihan. Napag-usapan na rin namin na mamaya na lang namin ipagpatuloy ang pag-uusap sa kwarto ko matapos kumain para mas pribado pa.

Nasa kusina na kaming lahat, nagluluto si Denber, si Ate Morgan ay nakaupo sa isang upuan habang pinapanood ako na pakainin si Bunny, at si Cath na nakahawak sa cellphone. Marami kaming pinamili at nasa sala pa ang iba para walang nakakalat sa mesa.

"Are you my sister's boyfriend?" napatingin ako kay Ate Morgan nang tanungin niya si Denber. Naka-apron si Denber, nakasuot ito ng black shirt at shorts lang pero ang cool na niyang tingnan.

"She's still not approving me, uh Ate?" napatawa ako nang marinig ang pagtawag niya sa Ate ko. Napatawa na rin ang mga kapatid ko dahilan para mapakunot noo si Denber sa amin. "Mali ba?" he asked clueless.

"You can just call me Morgan, you look more mature though." sabi ni Ate bago ako sulyapan. "But what do you mean, she's still not approving you?" tanong ulit sa kaniya ni Ate. Pinatay ni Denber ang gas stove bago nagpunas ng pawis, at tumingin sa Ate ko.

"I mean, I'm just waiting her. I'm not forcing her, though." aniya sabay sulyap sa akin. Napaiwas ako ng tingin at iniwanan na muna si Bunny para maghain na ng kanin at ilabas ang mga kubyertos.

Nakita kong tumulong na rin si Ate pero siniko niya ako nang magtabi kami. "Your future boyfriend isn't a problem. He's hot naman..." biro niya sa akin kaya tumikhim ako. "Ate!"

Maya maya ay kumain na rin kami ng sabay-sabay pero mukhang nagisa-gisa si Denber sa kanila dahil napuno ng interview habang kumakain ako. It's fun, natatawa ako sa mukha ni Denber pero in fairness ha, he's good in answering impromptu.

"Really? So you began to have communicate with her since that, masquerade ball?" tanong ni Ate kay Denber. Tumango naman siya bago uminom ng tubig. "She's so rude that night," amin niya kaya napanguso ako.

Magkatabi kami, sa kabila naman ay ang dalawang kapatid ko. "Sinisiraan mo 'ko." bulong ko sa kaniya nang humalakhak siya. "I'm stating a fact, Jia." he remarked kaya mas lalo akong napanguso.

"I thought kasi na, dalawa pa kayo ni... Sino ba 'yon, Cath? Iyong pumunta sa bahay na ang daming bouquet? Tapos hinintay pa niya noon si Jia kahit dalawang oras ay hindi pa siya nakakapag-ayos sa date nila?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanila, lalo naman nang sumagot si Cath nang parang naalala ito. "E... Easton! Tama! Easton ang pangalan! Akala ko ba iyong si Cadler Ate? Wala na ba kayo no'n?"

"Cadler? Baliw Cath, matagal na iyon si Cadler ang nauna bago si Harvey tapos si Easton. Pero teka, mas nauna pa yata si Blake kaysa kay Cadler eh, tama ba?" biglang tingin sa akin ni Ate Morgan.

Samantalang napapikit na ako ng mariin dahil kita ko kung paano humigpit ang paghawak ni Denber sa kubyertos niya, sinusubukang pahabain pa ang pasensya.

"Ate, kumakain tayo..." sabi ko sa kaniya. Napakaingay na nga nila tapos ibubuking pa nila ako na ang dami kong naging boyfriend. Naman!

"Fling lang si Blake Ate, pero ang pinili niya noon, si Isaac." sagot ni Cath sa kapatid. Gulat na napatingin si Ate kay Cath.

"Akala ko ba si Gab ang pinili? Si Isaac talaga? So basted din pala si Wyatt?" kuryos na tanong ni Ate. "Please..." parang awa ko sa kanila pero talagang wala silang marinig.

"Ate, I'm telling you the truth. Nag-away nga lahat sila no'n, hindi ba't nabalitaan natin 'yon? Tapos after kay Isaac, si Bryzon, bago si Cadler! Tama!" tuwang-tuwa pa na naalala ni Cath ang mga iyon samantalang pinagsisihan ko naman talaga ang mga kalokohan ko noon.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon